Chapter 4

1 0 0
                                    

JANNA

Days passed by and it's still the same. Hindi ko pa nababalatan ang Junior este single pa rin ako. Heto pa rin ako, naglalaway kay Ryan. Punyeta, magiging aso na yata ako nito. Naalala ko na naman 'yung doggie at tsaka 'yung matandang lalake. Nyeta talaga! Mga multo 'yung dalawang 'yun eh. 'Wag na sana silang magpakita pa or else matatakot talaga ako nang bonggang-bongga.

The same pa rin ang routine namin ni Ryan. Nagkikita, nagba-bonding, kapag nakita niya si Pauline, hayun iniiwan na naman akong nakanganga. Kulang na lang siguro ay pasukan ng langaw 'tong bunganga ko eh. Ang manhid ng Kuya Ryan niyo mga besty. Hindi ba talaga niya nararamdaman ang umuusbong na pag-ibig ng isang Janna Delgado? Ang next Miss Universe Halloween version? Nyeta! Ang ganda ko kaya. Yeah, seriously? Can't he feel my love for him? Grabe na talaga. Pero anong magagawa ko kung ang tingin niya lang sa'kin ay isang hamak na bestfriend lang? Uwa! Uwa! Iyak ako mga besty! Eh kasi naman eh! Bakit ba kasi sa kanya pa nahulog 'tong punyetang puso ko? Bakit siya pa? Uwa! Uwa!

Si Ryan naman hayun, panay kwento niya ng tungkol kay Pauline. Paulit-ulit na lang kasi eh. Minsan, gusto ko nang kumuha ng masking tape at ipantapal sa bibig ni Ryan nang sa ganun ay tumigil na siya sa kaka-kwento niya sa Pauline na 'yun. Nakakairita na, promise pero hinahayaan ko na lang. Syempre ako ang bestfriend kaya kunwari supportive ako sa kanya. Pero deep inside, nasasaktan na ako. Gusto ko na ngang maiyak eh kaso pinipigilan ko na lang. 'Yun na nga eh, gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero takot ko na lang na baka kamuhian niya ako. Ayoko namang mangyari 'yun dahil hindi ko talaga kakayanin. Kapag nangyari 'yun, ito ang mababasa niyo sa headlines ng newspaper:

ISANG MAGANDANG DALAGA, NAGPAKAMATAY, DAHILAN: BITTER AT NANINIWALANG WALANG FOREVER!

Ay shit! Ang bongga ng headlines. Baka siguro kung nagbigti ako ay naka-wacky pa with matching tongue-out na nakadilat pa ang mata. Ano kaya ang hitsura ko kapag ganun?

Oh yeah. Everyday, kwento nang kwento talaga si Ryan tungkol kay Pauline. Memoryado ko na nga ang bawat linya eh. Paulit-ulit ba naman kasi eh.


♫♬ Heto ka na naman kumakatok sa'king pintuan

Muling naghahanap ng makakausap

At heto naman ako nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang

Nagtitiis kahit nasasaktan ♪ ♫


Ay bwiset! Damang-dama ko ang kanta mga bes! Tagos hanggang bone marrow! Nagpi-play siya sa radio.


♪ ♫ Ewan kung bakit ba hindi ka pa nadadala

Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan niya

At ewan ko nga sa'yo parang balewala ang puso ko

Ano nga bang meron siya na sa akin ay 'di mo makita ♪ ♫


♪ ♫ Kung ako na lang sana ang 'yong minahal

'Di ka na muling mag-iisa

Kung ako na lang sana ang 'yong minahal

'Di ka na muling luluha pa

'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba

Narito ang puso ko naghihintay lamang sa'yo oh oh oh ♪ ♫


Napapakanta ako nang wala sa oras eh. As in damang-dama ko talaga ang kanta. It seems that the song is describing what I am feeling right now. My feelings that I want to shout out to Ryan. Parang gusto kong kantahin ito na nandito si Ryan. Baka sakaling ma-in love na siya sa powerful voice ko. Hihihi

"Kung akoooo na lang sana ang iyong minahaaaaal 'di ka na muling luluhaaaaa paaaaaaa......", todo effort na ko sa kakabirit niyan ha.

"HOY JANNA! ANG INGAY-INGAY MO! HINDI KA SINGER ANAK. 'WAG ASSUMING PLEASE! ANG SAKIT-SAKIT SA TENGA NG BOSES MO, JANNA, 'NYETA KA! PARANG KANG NAIPIT NA DAGA DIYAN! DON'T YOU KNOW THAT I'M HAVING MY BEAUTY REST HERE?"

Alam niyo na kung sino 'yun. Ang Reyna ng mga naglalagablab na nakakapagpabagabag na bunganga sa balat ng earth. Ang aking inay na feeling maganda pero kulubot na ang mukha. Don't me, inay! Don't me! Psh!

Ang lakas talaga makapanglait ni Inay. Eh sa naniniwala akong 'yun na ang most powerful talent na nadiscover ko sa buong buhay ko tapos sasabihin lang niya na para akong naipit na daga? Judgemental overload si Inay. Isa pa 'yung walang talent eh. Ang alam ko lang na talent ni Inay ay 'yung bunganga niya na ultimo'y sumasali ng fliptop. Hindi nauubusan ng words si Inay eh. Siguro in almost 24 hours, kulang pa ang isang milyong putak-putak niya ng mga nakakairitang salita. Sarap nga minsan supalpalin ng masking tape ang bunganga ni Inay kasi bumabaho na minsan ang paligid eh pero naisip ko, 'wag na lang. Baka palayasin pa ako sa bahay eh. Pero mahal na mahal naman ako ni Inay. Sadyang baliw lang talaga 'yun haha.

~~

Days passed by again. Paulit-ulit na lang everyday ang routine ko. As days passed by, lalong lumalalim ang lumalagablab na pag-ibig ko sa bestfriend kong intsik na mukhang loading ang pagmumukha na mukhang tulo-laway na si Ryan Tan. Shutanginamels, alam niyo bang nagpunta rito si Ryan tapos parang ang bigat-bigat ng pakiramdam niya? Nagulat nga ako kagabi eh. Alam niyo 'yung feeling na nabibigatan rin ako ng damdamin dahil sa kanya? Kwento niya, sinabi na raw niya kay Pauline ang nararamdaman niya rito pero nagpaka-choosy raw ng gaga. Naisip ko kagabi na ang sarap sapakin ni Pauline. Ang choosy niya ha! Ryan Tan na 'yan nanliligaw sa kanya, aayawan pa niya? Aba't tinamaan ng lintik 'yung babaeng 'yun ah! Bruha siya! Nasasabi ko 'to dahil hindi naman kami close at tsaka mas nauna naman akong nakilala ni Ryan ah. Hmmmp!

So hayun nga, he's expressing his feelings to me. Nasasaktan ako kagabi sa mga sinasabi niya. Kapag nakita ko talaga ang babaeng 'yun ay kukurutin ko talaga ang clitoris niya gamit ang nailcutter. Hmmp!

At syempre, dahil hokage ang ate ninyo, panay naman ang hug ko kay Ryan. As in hug to the highest level of Mount Everest. Haha. May lahing ninja ang ate ninyo wehehehehe.

Hanggang sa sandaling ito ay hindi pa nagpaparamdam si Ryan sa'kin. Ano na kayang nangyari sa lalakeng 'yun? 'Wag naman sanang nagpakamatay 'yun harujusko! Nag-aalala na nga ako eh. I-text ko na lang kaya?


To: Ryan

Hoy intsik? How are you na? Okay ka lang ba? 'Wag magpakatiwakal ha? Kakalbuhin talaga kita ng hard! Pati 'yang mga nakatago mong buhok sa paligid ng 'yong Eiffel Tower ay kakalbuhin ko rin! Reply ka naman oh. I'm worried na. :(


Napabuntung-hininga ako. Eh sa totoo namang worried na ako sa kanya eh. Dito ko na sana siya sa bahay patutulugin kaso umuwi talaga siya eh. Hindi tuloy ako nakapag-hokage moves ng bonggang-bongga sa kanya. Hanggang hugs lang ako bwiset! Hahahaha. Uy joke lang. Loves na loves ko 'yang si Ryan.

*beep*

Kaagad kong tiningnan ang phone ko. Si Ryan na talaga itong nag-text.


From: Mac

Naku! Expired na ang iyong relationship. Mag-move on ulit! Text How to move on to 8888. O gusto mo ba ulit ng chance plus 10 kayong GF/BF?! Subukan ang COMBOKATANGAHAN! Text CTANGA20 to 8888. Valid for 3 years. Ibang promo ba ang hanap mo? Hanapin ang "Bahala ka sa buhay mo or pakamatay ka na promo.


-________-

Itong si Mac, talagang ibibitin ko na 'to ng patiwarik! Ang lakas talaga ng trip ng lalakeng 'to. Baka ma-expire siya kapag binitin ko na talaga siya! Punyeta! Akala ko tuloy si Ryan na ang nag-text.

Ngapala, pinsan ko 'yang si Mac. Ang lakas ng trip non at nabi-bwiset ako sa kanya. But pasalamat na rin ako sa kutong-lupa na 'yun dahil siya ang dahilan kung bakit nagkakilala kami ni Ryan at tsaka destiny na gumawa ng paraan na naging classmate kami noong college.

Hindi ko nireply-an ang bwiset kong pinsan dahil baka ipatapon ko na siya sa Planet Pluto. Psh!

Hindi pa rin nagre-reply si Ryan. Hay Ryan.

My Bestfriend Is My DestinyWhere stories live. Discover now