Chapter 2

3 0 0
                                    

JANNA

Here I am sa mall at hinihintay si Ryan. Ang tagal namang dumating ng lalakeng 'yun! Always na lang talagang ako ang nauuna sa meeting place namin. Ano na naman kaya ang idadahilan sa'kin ng mukhang intsik na naluging 'yun? Kapag talaga hindi ako nakapagpigil ay hahalikan ko na talaga ng very hard 'yang Ryan Tan na 'yan!

Dejoke. Konsensya at isip ko lang ang malandi. Not me.

Konsensiya: Don't me, Janna! Don't me!

At talagang hihirit pa ang malanding konsensya ko ha! Psh!

"Janna!"

O___O

Dug dug dug dug

Puso, huminahon ka! 'Ayan ka na naman! Aish! Bakit kasi sa tuwing naririnig ko na ang boses niya at tinatawag ang pangalan ko ay parang bang huminto sandali ang paligid at mundo ko. 'Yung feeling na, para kang nililipad ng hangin. 'Yung feeling na parang kayo lang dalawa ang nakatira sa polluted na mundong ito. 'Yung feeling na... na.. na.. basta 'yung feeling na ganun.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Oh Em Ji! Nakangiti siya nang makita niya ako. Papalapit siya sa'kin ngayon. Shetang ina this, hindi ako makagalaw sa sarili kong kinatatayuan. Iba talaga ang magnetic force ng Ryan Tan na'to. Pulling force kumbaga. Aish!

Nang tuluyan na siyang makalapit ay bigla niya akong niyakap mga bes! As in super super na niyakap niya ako na para bang ayaw na niya akong pakawalan. Shit hormones! Huminahon kayo, mga traydor!

"I love you, Janna"

O________O

Like O to the M the G! As in OMG! Totoo ba 'tong naririnig ko? Sinabihan ako ni Ryan ng I love you? Is it for real? As in real na real?

Napakalas ako ng yakap sa kanya at sa isang iglap, luamapat ang labi namin sa isa't-isa. Ahhhhh! Shems ang puso ko mga bading! Hoho!

Dahan-dahang gumagalawang mga labi niya sa labi ko. Shit na malagkit! At unti-unting.... unti-unting....

_______

"Janna! Hoy! Ano 'yang ginagawa mo?"

Bigla kong narinig si Ryan na tinatawag ang pangalan ko. Suddenly, I realized na nagdi-day dreaming pala ako. WTF! As in nagdi-day dreaming ako! Naabutan lang naman niya ako na nakanguso habang pinipikit ko ang mga mata ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nadatnan ko ang hindi ko mawaring hitsura ni Ryan kung nandididri ba siya o kinakabahan. Para kasi siyang natatae sa hitsura niya eh.

Putspa mga bestie! Napahiya ako ng bonggang-bongga today! Traydor na day dreaming na 'yan. Napahiya tuloy ako kay Ryan. Baka mamaya niyan kung ano pa ang iisipin niya.

"H-Huh? Ah eh. W-Wala. M-May pina-practice lang. Oo hihihi!", depensa ko na lang. Mahirap na baka mahalata ang umaapaw na damdamin.

"Ano ba ang pina-practice mo?", tanong ni Ryan.

Masyadong matanong ang intsik na 'to. Susupalpalin ko 'yang bibig mo diyan Ryan makikita mo!

"B-Basta! Oh siya halika na. Ang tagal mo naman. As always matagal ka naman talagang dumating. What else is new about you Mr. Ryan Tan? Psh!", tinarayan ko na lang siya at baka sakaling mawaglit sa isipan niya ang hitsura ko kanina na mukhang natigang na tuod. Psh!

Pupunta nga pala kami ng Bench at may bibilhin daw siya. Nagpasama pa ang kurukungho eh kaya naman niyang bumili. Masyado talagang dependent ang lalakeng 'to. Pasalamat siya love ko siya dahil kung hindi ewan ko na lang. Char lang!

Nang makarating na kami sa Bench ay kaagad naman siyang namili ng damit na babagay raw sa kanya. Ako naman dito ay taga-judge kung bagay ba sa kanya ang susuutin niya o hindi. Nang makapili na siya ay deretso kami sa dressing room. Anong gagawin namin sa dressing room? Eh 'di magchuchukchakan.

Dejoke lang! Yucks! Virgin pa is me. 'Wag nga kayo diyan! Soon ibibigay ko rin ang perlas ng silanganan sa kanya sa tamang panahon hahaha. Oh why not! Hahahaha.

Nang okay na siya sa kanyang napiling damit ay kaagad na niya itong binayaran. Grabe 'tong si Ryan. Rich kid ba naman hahaha.

"Ryan!"

Kaagad kaming napalingon sa kung sino ang tumawag. Nang makilala ko kung sino ay bigla akong nakaramdam ng matinding sakit.

"Pauline. Hey!", kaagad namang lumapit si Ryan kay Pauline. Nakita ko pa kung paano yakapin ni Ryan si Pauline na siyang dahilan upang maramdaman ko ulit na para akong binabalian ng buto.

Narinig ko pa ang mga pinag-uusapan nila. Hindi na ako lumapit sa kanila. Hindi naman kasi kami close ni Pauline eh at never na nag-usap na dalawa. Nakakaselos lang kasi siya kasi siya ang gusto ni Ryan at hindi ako. Napapabuntung-hininga ako ng wala sa oras eh.

"Janna. Thank you nga pala sa pagsama sa'kin ha. Sorry kung nadisturbo kita. Aalis na muna kami ni Pauline, kung okay lang sa'yo?", sabi ni Ryan sa'kin.

Sa narinig ko ay para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig. Say what?

"H-Ha? Oh sige. N-No problem intsik. Ge.", sabi ko na lang.

Ngumiti siya sa'kin at hayun, tuluyan na nga siyang sumama kay Pauline. Ako naman dito ay naiwang nakanganga. Iniwan na ako ng bestfriend kong intsik na mukhang loading pero mahal na mahal ko. Hahay! 'Yung puso ko nawawasak na. Ang sakit-sakit mga bhe. Huhu!

My Bestfriend Is My DestinyWhere stories live. Discover now