Chapter 6

1 0 0
                                    

JANNA

Kanina pa ako pinagpapawisan sa kakalakad. Akalain mo ba namang walang jeep ngayon kasi nga counterstrike. Bwiset na counterstrike na 'yan ah. Hindi ba nila alam na nakakaperwisyo sila sa mga pasahero lalo na sa magandang katulad ko?

Konsensiya: Eww! Sinong nagsabi sa'yong maganda ka?

Ay? Buhay ka pa pala malandi kong konsensiya? Ba't ngayon ka lang ulit nagparamdam? Siguro natigang ka na 'no? Deserves you well. Psh!

Akala ko talaga ay natuluyan na ang malandi kong konsensiya. Hayun pala, buhay pa. Akala ko natigang na siya nang tuluyan kasi nga siya 'tong may pagnanasa kay Ryan. Malandi talaga.

Aish! Pawis na pawis na ako. Pati singit ko pinagpapawisan na rin. Grrrr! Pupunta nga pala ako sa shoe repair shop kasi nga kukunin ko na 'yung pinatahing sapatos ko. Sayang rin naman kasi 'yun eh kaya pina-repair ko na lang. Kaso heto ako ngayon, naglalakad sa daan. Buti na lang hindi masyadong mainit. Naku! Makakatikim talaga sa'kin ng mega kick sa mga balls nila 'yang nagpapa-counterstrike na 'yan. Psh!

Nang makaramdam ako ng pagod ay napagpasyahan kong umupo na muna sa isa sa mga wooden bench dito sa gild ng kalsada. Nakakapagod din kaya. Malayo kaya ang pinagpa-repair-an ko ng sapatos ko sa bahay namin. Si Inay nga iniwan kong pumuputak-putak na naman ang bunganga kasi raw nakalimutan kong isara ang gripo. Kesyo raw hindi ako nagbabayad ng tubig, bakit hindi na lang daw kasi ako maghanap ng trabaho, kesyo busy daw ako sa kakahanap ng lovelife eh hindi naman ako mahal ng lalakeng mahal ko. Hay naku, inay! May lahi ka talagang ampalaya eh no? Mula sa hindi nasarang tubig sa gripo hanggang sa lovelife real quick. Ibang klase talaga mag-fliptop si Inay hahahaha.

By the way, hindi na nga nagparamdam si Ryan sa akin. Like OMG. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? I'm so worried na talaga sa kanya. My love! What happened to you na ba? Kailangan ko na yata talagang lunukin ang mahiwagang bato at sumigaw ng DARNA!

"Janna!"

"Ay Janna!", nagulat na lang ako nang may tumawag sa'kin.

Paglingon ko ay kaagad na kuminang ang pekpek este ang mga mata ko nang makita ko ang Prince Charming ng buhay ko. Nag-aalala pa nga ako sa kanya eh tapos heto na, nandito na siya.

"Ryan?", kaagad akong lumapit sa kanya at hindi ko napigilang yakapin siya. Oh how I missed this guy.

"Na-miss kitang intsik ka. Ba't hindi ka nag-reply sa'kin kagabi ha?", kunwari nagtampo ako sa kanya.

"I'm so sorry. Gulung-gulo ang isip ko kahapon and I don't know what to do. Nakalimutan ko na may bestfriend pa pala ako.", sabi niya sa'kin.

Napangiti ako. Talagang na-miss ko talaga siya.

"Janna. I have to ask you a question. Sana alam mo 'to.", si Ryan.

Ha? Ano naman kaya ang tatanungin ni Ryan sa'kin? Ba't bigla akong na-curious.

"A-Ano 'yun?"

"Janna. Noong gabing nag-usap kami ni Pauline. When she rejected me, she told me about this girl. This girl whom she said na mahal na mahal daw ako. I asked her who but she turned her back and ran away. Naguguluhan ako. Sa tingin mo Janna, kilala mo kaya siya?"

O___O

Dug.dug.dug.dug.

Oh my God! Hindi kaya ako ang ibig sabihin ni Pauline? Pero pa'no? We're not even close at hindi kami nag-uusap. Pero posibleng ako ang ibig sabihin ni Pauline. Oh my God! Oras na ba para sabihin ko kay Ryan ang nararamdaman ko para sa kanya?

"Janna?"

Hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya. Natatakot na ako. Seryoso ako ngayon. As in natatakot ako. Kinakabahan ako. Sasabihin ko ba kay Ryan na ako 'yung babaeng nagmamahal sa kanya? Baka kung sabihin ko sa kanya ay lalayuan at kamuhian niya ako. Diyos ko po hindi ko na alam ang sasabihin ko.

"Janna, hey. Alam mo ba kung sino?", tanong ulit ni Ryan.

Mahabaging Poon, tulungan Niyo ako. Ano ang dapat kong sabihin kay Ryan?

"Ryan. Oo, k-kilala ko siya.", kinakabahang sabi ko sa kanya.

"Then who is she?"

Gusto ko nang maiyak. Baka isipin ni Ryan na trinaydor ko siya kapag sinabi ko sa kanya na ako ang babaeng 'yun. Pero bahala na. Ayoko nang maglihim pa sa kanya. Sabi nga nila, the truth will set you free. Sasabihin ko na lang sa kanya ang buo kong nararamdaman. 'Di bale nang masaktan basta masabi ko lang sa kanya ang lahat-lahat.

"Ryan. Sana pagkatapos kong sabihin sa'yo kung sino ang babaeng nagmamahal sa'yo ay hindi magbabago ang paningin mo sa'kin.", wala na. Tumulo na ang mga luha ko.

"Ano ang ibig mong sabihin?", this time ay lalo siyang naging seryoso.

"Ryan, ang babaeng tinutukoy ni Pauline na nagmamahal sa'yo...", I paused for awhile "ay ako", sa wakas at nasabi ko na rin.

Hindi ko mawari ang expression ng mukha ni Ryan. Parang blangko.

"Oo Ryan. Tama ang narinig mo. Ako na bestfriend mo ang lihim na nagmamahal sa'yo. Matagal na kitang minamahal, Ryan. Noong college pa lang tayo ay mahal na kita. Mas pinili kong hindi sabihin sa'yo dahil ayokong kamuhian mo ako. Isa pa, may iba kang gusto at alam kong hindi ako 'yun. Bestfriend lang ang tingin mo sa'kin kaya wala akong guts para sabihin sa'yo ang tunay kong nararamdaman. Mas pinili ko ang maging masaya ka kesa maging masaya ako dahil sa tuwing nakikita kitang ngumingiti ay masaya na ako do'n.", umiiyak na wika ko.

Wala pa ring expression ang mukha ni Ryan. Parang hindi pa rin siya makapaniwala.

"Ryan, patawarin mo ako kung naglihim ako sa'yo. Gusto ko lang naman na maisalba ang friendship natin kaya ayokong sabihin sa'yo na mahal kita higit pa sa pagkakaibigan natin. Kahit na nasasaktan ako at nagseselos ako sa inyong dalawa ni Pauline ay okay lang sa'kin basta friendship forever pa rin tayo. Ryan, please."

Tumayo si Ryan mula sa kinauupuan niya.

"Stay away from me, Janna."

Tapos tinalikuran na niya ako. Tumayo na rin ako and I give him a back hug.

"Ryan, please. Patawarin mo ako.", umiiyak na pagsamo ko.

Ngunit nagpupumiglas siya.

"You betrayed me! I thought you are my bestfriend but then malalaman ko na lang ang bagay na 'yun mula sa'yo. It's so unfair! Pinaglihiman mo ako and I hate it! From now on, stay away from me! Ayoko nang makita ka!", galit na galit siya sa'kin.

"Ryan..."

Nagpumiglas talaga siya at itinulak niya dahilan upang matumba ako.

"I hate you, Janna!", sigaw niya sa'kin saka umalis na.

"Ryan......", ang sakit-sakit pala. Ang sakit-sakit sa dibdib. Nagalit siya sa'kin dahil inilihim ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa isang iglap, nawalan ako ng bestfriend at minamahal.

My Bestfriend Is My DestinyWhere stories live. Discover now