Chapter 3

1 0 0
                                    

JANNA

Nandito ako ngayon sa Park at nag-iisa. Umupo ako sa may wooden bench at nagmumuni-muni. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ba kasi ako nagseselos eh hindi ko naman boyfriend si Ryan. Isa pa, bestfriend ko lang siya at bestfriend lang ang turing niya sa'kin. Wala naman siyang alam na gusto ko siya eh. Ayoko ngang sabihin sa kanya. Baka mamaya niyan ay layuan niya ako eh mas lalong hindi ko kakayanin.

Ano kayang meron kay Pauline at bakit gustung-gusto siya ni Ryan? Pareho naman kaming maganda ah. Char lang, mas maganda talaga siya eh.

"Arf! Arf!"

-____-

Ano naman ang problema ng aso na'to at ako ang tinatahulan?

"Arf! Arf!"

Hindi ko na lang pinansin 'yung aso. Pati pala mga aso ngayon pa-epal na. Mygosh!

"Grrrr! Grrrr!"

Aba! Nagalit si doggie dahil hindi ko siya pinansin.

"Hoy doggie! Anong problema mo?"

"Grrrrr! Grrrr!"

Tumatambol ng malakas ang puso ko ah. Shit na asong 'to! Baka lapain ako ng buhay.

"Excuse me, doggie? Kung may balak kang lapain ako, asa pa more! Hindi ako magpapalapa sa'yo dahil si Ryan Tan lang ang may karapatang lapain ako 'no!", sigaw ko kay doggie.

"Aww! Aww! Aww!"

"MAMA!"

Hayun, napatakbo ako nang wala sa oras. Si doggie naman ay todo effort ng kakahabol sa'kin.

"Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.....", dasal ko habang hinahabol ni doggie.

WAAAH! Balak talaga akong lapain ni doggie. Oh my miming! Help!

Hinihingal na ako letse! Bwiset na asong 'to! Epal to the highest mountain of Everest! Waaaaah!

"Boomer! Stop!", may narinig akong boses ng lalake.

Napatigil ako sa kakatakbo. Mygosh! 'Yung hingal ko mga bes parang luluwa na yata ang lungs ko. Punyetang aso 'yun ah.

Nang nilingon ko ang gawi ng punyetang aso ay nakaupo na ito at kaharap ang isang lalakeng sa tingin ko ay ang may-ari ng aso. Sa tantya ko ay may edad na siya. Siguro ay nasa mga mid-40's.

"Miss, pasensya ka na kay Boomer. Masyado ka lang talagang maganda kaya hinabol ka nitong aso ko."

O_o

Aba't nakuha pang mambola ng lalakeng 'to. Ako masyadong maganda? Eh bakit parang halos lapain na ako ng punyetang doggie na 'yan. Kalerke!

"Ah, next time po 'wag niyo pong hinahayaang makawala 'yang aso ninyo kasi nga po muntik na akong lapain niyan eh wala naman akong ginagawang masama. Tsk!", naiinis ako ha. Grrrr!

"Na-sense lang siguro ni Boomer na may dinadala kang mabigat diyan sa puso mo."

O_o

Luh? Ano raw? Papa'no niya nasabi 'yun?

"Malalampasan mo rin 'yan hija. Dapat sabihin mo na sa kanya ang tunay mong nararamdaman bago pa mahuli ang lahat.", sabi no'ng lalake.

Kinabahan ako bigla sa matandang lalakeng 'to. Paano niya nalaman ang nararamdaman ko? Stalker ko ba siya? Friends ba kami sa facebook? Nila-like kaya niya ang mga status ko? Pinupusuan, pinagtatawanan, namangha o nagalit kaya siya sa mga post ko?

"Ah manong. Bakit niyo po nasasabi ang lahat ng 'yan? Papa'no niyo po nalaman ang feelings ko ngayon?", curious na tanong ko.

Ngumiti lamang 'yung lalake. May sapagka-abnormal din 'to eh.

"Hija, hindi na importante kung papa'no ko nalaman. Ang importante ngayon ay masabi mo sa kanya lahat ng nararamdaman mo. Hindi pa huli para masabi mo sa kanya ang lahat.", dagdag pa niya.

Teka? Napakamisteryoso naman ng matandang 'yun.

"ARAY KO!"

Bwiset! Sino bang hindi mapapa-aray ha. Sa lahat-lahat ng pwedeng paghulugan ng bunga ng makopa eh sa ulo ko pa talaga nahulog. Aray ko ha! Bwiset na bunga ng makopang 'yun! Panira ng mystery. Pssh!

"Hindi niyo pa po sinasagot ang......"

Hala? Papa'nong nawala bigla 'yung matandang lalake pati 'yung aso? Nahulugan lang ako ng bunga ng makopa eh kaagad-agad silang nawala. Ano 'yun? Nag-teleport sila? Pati pala aso ngayon marunong nang mag-teleport? Nasa'n na ba 'yun? Papa'nong bigla na lang silang nawala? Hindi kaya.....

O___O

Multo 'yung matandang lalake tsaka 'yung doggie? Ohmaygaaad!!

Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko. Nararamdaman kong pati buhok ko ay nagsitayuan na rin. Feeling ko nga pati mga black forest ko sa baba ay nagsitayuan na rin. Tapos na-realize kong nag-iisa na pala ako dito sa may bahagi ng park na hindi masyadong matao. Sa takot ko ay napatakbo ako nang bonggang-bongga with matching sigaw pa. Waaaaah! Multo talaga 'yun eh! Bigla-bigla ba namang mawawala eh! Waaaaah!

Sa kakatakbo ko ay hindi ko na namalayang may nakabangga na pala ako. As in may impact talaga ng pagkakabangga. Dahil do'n ay kapwa kaming natumba. Nakapatong pa ako sa kanya.

"Janna?"

O__O

"Ryan?"

Ohmygeeerrrd! Si Ryan ang nakabangga ko! What the hell! As in literal na nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makagalaw ng maayos. Magkalapit ang mga mukha namin mga besty! As in close na close. Hindi ako makahinga ng maayos. Know why? Baka bad breath ako letse!

I feel that my world suddenly stop for a moment. Nararamdaman ko ang mainit na hininga ni Ryan. Para bang may nag-uudyok sa'kin na halikan ko siya.

Konsensiya: Go girl! Grab the opportunity na! It's your time to shine, gaga! Halikan mo na sa lips si Fafa Ryan ngayon din! Aarte ka pa ba? 'Wag choosy bes kung hindi ka naman maganda! Pssh!

Peste ka talaga kahit kailan konsensiya! Malandi ka talaga. May forever sa'yo. Forever malandi kang bruha ka! Tse! Pakyu!

Malandi talaga kahit kailan ang konsensya ko. Walang patawad. Sarap niyang sakalin mygaaash!

Nararamdaman kong may nakaumbok na parang matulis na bagay sa may puson ko. Ano 'yun? Don't tell me....

O___O

Tumigas ang junior ni Ryan? Nabuhay si Junior?

Kaagad kong inalis ang katawan ko na nakapatong kay Ryan. Sunud-sunod na kaba ang naramdaman ko punyeta! Samahan pa na naramdaman ko si Junior! Nyeta, nakakahiya! Grrrr!

Bigla akong napatayo, same as Ryan.

"Uy teka? Anong nangyari sa'yo? Bakit ka ba tumatakbo?", tanong ni Ryan sa'kin.

"Si Junior...."

"Ha? Sino si Junior?"

Say whuuuut????

"Ha? Ah hindi, mali! Ah eh kasi ah.. m-may aso kasi na epal na humahabol sa'kin kaya hayun hihihi!", langhiya! Nagmumukha akong abnormal sa harap ni Ryan.

"Nasa'n?"

Dami mong tanong intsik! Psh!

My Bestfriend Is My DestinyWhere stories live. Discover now