Chapter 03: Prepared

11 2 0
                                    

— Author POV

[Flashback]

“Tito, bakit ka naman po kasi mapapalayo sa amin nila Mama? Nalulungkot na po tuloy ako.”

“Anak, intindihin mo naman si Tito Royce mo,” sabi ni Anne kay Vincent.

“Masaya naman po tayo dito, ‘Ma. Pero bakit kasi aalis si Tito? Ayaw na ba niya sa atin?” nagtatampo na sabi ni Vincent kila Anne at Royce.

“Nephew, please... understand me.”

“Tito naman, panay English spoken naman ’to!” sabi ni Vincent at natawa sina Royce at Anne.

“Sige na po Tito Royce, huwag na po kayong umalis, please?” dugtong pa ni Vincent.

“Hindi p’wede pamangkin, baka matatagalan ako doon.” seryosong sabi ni Royce sa pamangkin niyang si Vincent.

“Ayaw ko na po muna kayong kausapin,” sabi ni Vincent at umiiyak ito paalis ng kuwarto ni Royce.

“Vincent!”

“Let him go. Hayaan mo muna siya Ate,” sabi ni Royce kay Anne.

“Kakalma rin ’yan mamaya,” dugtong pa ni Royce sa kapatid.

“Mamimiss ka talaga namin Kuya.”

“Babalik din naman ako, matatagalan pero uuwi naman akong buong-buo rito sa bahay.”

“I know Kuya, I trusted you.” sabi ni Anne sa kapatid.

“By the way, baba muna ako Kuya sa kusina kasi kakain pa tayo. Pero magluluto muna ako,” dugtong pa ni Anne.

“Sige Ate, aayusin ko lang ’tong maleta.”

— Royce POV

[End of Flashback]

Vincent is still watching from my door at hindi pa rin ito lumalapit sa akin, dahil nagtatampo ’to. I saw him and I call him too.

“Hi pamangkin, nandiyan ka pala. Come here,” sabi ko sa kaniya pero hindi ito lumalapit sa akin, kasi nagtatampo pa rin siya.

“Ayaw ko po, Tito. Nagtatampo ako sa ’yo,” nalulungkot na sabi niya.

“Itong bata na ’to, oo! Sige na, come here.”

“Ayaw ko nga po.”

“‘Pag ako nandoon na, hindi talaga kita bibigyan ng mga gusto mong bilhin,” pang uuto ko and then lumapit na ito sa akin.

“Gaya po ng?”

“Mga laruan, ganoon. Mga pagkain na masasarap.”

“Hindi ko naman po ’yan kailangan, ang kailangan ko po is kayo nila Mama, Lolo at Lola. Hindi naman po ako Tito maarte e.”

Maybe Vincent has a point, nakakalungkot pero buo na talaga ang decision ko kasi bukas na ang flight ko from Manila to America.

“I said you early na I hope you understand my situation.”

“Si Tito, hindi ko na naman naiintindihan English spokening mo!” naiiritang sabi niya at natawa ako bigla sa kaniya.

“Akala ko ba marunong ka na mag-English language? Tinuruan ka ng Tito Royce mo.”

“Joke lang po Tito, S’yempre ikaw ang nagturo sa akin magsalita ng ganiyan, ako pa ba?”

“Goods pamangkin,” sabi ko at hinihimas-himas ko ulo nito at napakamot na lang ito ng ulo at ngumiti ito sa akin.

“Basta po Tito, ha? Balik ka kaagad.”

“Yeah, don’t worry, my nephew. Magpapadala naman ako dito every month, and then... h’wag mong pababayaan pag-aaral mo? Ako nagpa-aral sa ’yo, simula 1-6 mo.”

Royce Hemsworth: Ang Tito Kong Balikbayan (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon