Chapter 14: Sleepover, Part 2

7 3 1
                                    

— Author POV

Vincent: Wait, nakapag-paalam na ba kayo sa mga magulang niyo? Pag ako mapagalitan ha?

Sumagot agad ang tatlo ng “Oo.”

Vincent: Mabuti naman kung ganoon. Sige na, punta muna tayo sa room ni Tito Royce, malawak doon e. May tent din doon dalawa. Kuha na rin kayo ng portable DVD player doon.

Zhai: Sige pre, punta na kami roon.

A few moments later...

Vincent: Iyan! Ayos na rin lahat. Bes Wyn, diyan na kayo sa isa ha? Dito na kami ni Zhai.

Wynbelle: Sige Bes, salamat. Hayss, need din natin ng ganitong pahinga. Kapagod mag-school, buti at wala ng pasok after ng Christmas Party natin kanina.

Matapos ang usapan ay parehong tent ang tahimik na dahil busy na ang lahat sa panonood nila ng palabas. Medyo magkakalayo ang distansya ng tent ng magkakaibigan para hindi marinig ang boses o tunog ng mga pinapanood nila sa palabas.

Sina Vincent at Zhai ay nanonood lang ito ng horror movie, at sila Wynbelle naman at Elle ay nanonood lang ito ng about sa musical movie, enjoy na enjoy lang ang apat, nang biglang....

*ringing*

Wynbelle: May tumatawag sa cellphone mo, Bes.

Zhai: Pre, sa ’yo ata ’yong cellphone na tumutunog sa higaan mo.

Vincent: Hala, oo nga pala. Sige, sandali... nood ka lang muna riyan, pre.

Zhai: Sige-sige.

Umalis muna si Vincent sa tent at kinuha niya muna ang cellphone niya. Tito niya ang tumatawag, lumabas muna ito at sinagot niya ang tawag.

“Toh, bakit po?”

“Ngayon na ba ’yong sleepover niyo?”

“Yeah, ngayon po, Tito. Bakit po?”

“Sige, basta ingatan mo lang ’yong mga natirang gamit ko, nandiyan ka pa naman din natutulog.”

“Opo Tito, noted.”

“Bakit po pala maingay diyan, Tito?” dugtong ni Vincent.

“Kakalabas ko lang galing sa bar, pamangkin.”

“Ano pong ginagawa niyo at nasa bar po kayo?”

“Nag-inom lang, o sige na. Ingat kayo riyan. Pakamusta mo na lang ako kay Ate Anne at kay Mommy and Daddy.”

Then after that...

*call ended*

“Magsasalita pa naman na ako, tapos nawala na ’yong call.”

Kinabukasan.

7am in the morning...

Natulog sina Wynbelle at Elle sa room ni Anne at sina Vincent at Zhai naman ay sa room ni Royce. Tulog pa ang tatlo, habang si Vincent ay nasa baba na nag-a-asikaso ng pagkain para sa tatlo.

Unang nagising ay si Zhai, dahil natulog ito sa tent na puwesto nila kagabi ni Vincent na kung saan ay doon sila nanonood ng horror movie.

Zhai: Na’san na kaya si Vincent?

Kaya ang ginawa ni Zhai ay kumatok sa room ni Anne na kung saan ay nandoon natulog sina Wynbelle at Elle.

Zhai: Wynbelledita! Elle! Gising na ba kayo?

Wynbelle: Oo, gising na.

Pagbukas ng pinto...

Elle: Nasaan si Vincent?

Royce Hemsworth: Ang Tito Kong Balikbayan (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon