Chapter 06: At High School Life

7 3 1
                                    

— Author POV

June 2004

Three months ago...

“Hala, oo nga pala. First day of school ko na. Talaga naman self, oo!”

Vincent niyo, another late na naman, AHAHAHA!

Yes, Vincent is a 1st year high school student now. Dito mo na ma-e-enjoy ang pagiging high school life mo.

Nagmamadali agad si Vincent ngayon papunta sa bago niyang school.

Nang makarating na siya ay ito ang sabi niya ngayon sa kaniyang sarili.

“Fuck! Napa-aga pala ako ng pasok. Akala ko late na ako.”

“Ang aga mo namang bata ka,” sabi ng guard sa kaniya.

“I thought I was late at school, Sir.”

“Ano ka ba? 10am pa lang. 12NN pa ang buksanan ng gate.”

“Nakakainis, wala kasi akong cellphone!” sabi niya at may mga tumitingin sa kaniyang mga babae.

“Cute naman nito magalit.”

“May girlfriend na kaya ’to?”

“Englishero ba talaga siya? Ang galing naman niya.”

Iyan ang mga rinig-rinig niya sa mga babaeng nakatingin sa kaniya.

“Ano ba ’tong mga babae na ’to? Boyfriend agad iniisip, mag-aral nga muna kaya kayo!” sabi niya sa isip niya.

“Ang aga-aga ang haharot ng mga ’to!” wika niya sa isip.

Then he realized na may cellphone pala siya kasi may tumutunog sa bag niya.

“Where’s the sound comes from?” sabi niya.

“Nasa bag ko pala.”

“Fuck! Where is it?”

Nakita na nga niya ito sa kaniyang bag, kinuha at sinagot niya ang tumatawag sa kaniyang cellphone keypad.

*ringing*

“He-hello?”

“Kanina pa ako ‘nak tumatawag sa ’yo.”

“Yes ‘Ma, what’s your problem po?”

Conyo yarn? AHAHAHAHA!

“Ingatan mo ’yang cellphone ni Tito Royce mo, ha?”

“Opo ‘Ma.”

“Na-save ko na rin pala ’yong cellphone number ni Tito mo diyan. Kaya kapag hindi siya tumawag sa akin, baka sa ’yo siya tatawag, ‘nak.”

“Okay po ‘Ma.”

“Bakit pala ang aga mo ‘nak? Hindi mo man lang ako ginising.”

“Sorry ‘Ma, akala ko po kasi late na ako. May cellphone na pala ako rito, hindi ko nakita ’yong oras.”

“Ikaw talagang bata ka, oo! O siya, pupunta na lang ako diyan. Padalhan na lang kita ng baon mo. Magluluto lang ako.”

“Sige po, ‘Ma, thank you po. Nagugutom din po talaga ako ngayon. Nakalimutan ko na rin pong kumain sa kakamadali ko kanina.”

“I got you ‘nak, ako na bahala diyan.”

“Nakakahiya naman po sa inyo, ‘Ma.”

“Mas mahiya tayo kay Tito Royce mo, kung hindi dahil sa kaniya, hindi ka makakapag-aral sa public school. Gusto ka man niyang pag-aralin sa private school, pero hindi niya kaya ng budget niya. Kaya... kapag mayroon tayo ‘nak, huwag tayo maging madamot. Kailangan din natin tulungan si Kuya Royce.”

Royce Hemsworth: Ang Tito Kong Balikbayan (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon