Chapter 17: Back to Manila, Philippines

6 3 0
                                    

— Vincent POV

Gabi ngayon at tapos na ako sa mga ginagawa ko sa work at uuwi na ako ng bahay.

By the way, I’m a Computer Engineer now sa isang company dito sa Pilipinas while call center (work from home) and content creator sa mga social media platforms. Ilang taon na rin ako rito sa work ko na 'to and should I say... masaya ako rito.

Meanwhile... mga kaibigan ko nung elementary at high school ay may iba’t ibang career na sila. Yes, busy ang lahat pero kapag may time kaming apat ay bonding na naman ang kasunod nito.

Habang nasa byahe ako...

“Grabe, 9 years ago na pala ang huling sleepover natin sa bahay, kailan kaya ulit?” chat ko sa GC na ang pangalan ay “The Lutang Squad!” HAHAHAHA.

“Buti at may GC tayo, sige set natin ’yan kapag may time,” reply ni Elle sa GC.

“Oo, arat! Sleepover ulit, Bes.” reply ni Wynbelle sa chat ko kanina.

“Oo pre, tara na ba ulit?” sabi ni Zhai.

Wynbelle is nasa sariling banda na siya ngayon, singer kasi siya. Si Elle is busy sa business nila ng magulang niya while dancer sa sinalihan niyang contest. At si Zhai naman ay nasa tarantado era pa rin ay este nasa Computer Engineer na rin siya katulad ko pero sa ibang company nga lang siya. Masaya rin ako sa kanila na kahit wala na kaming time sa bonding in personal, at least may GC kami sa messenger para lang mag-usap-usap kami ng mga nangyayari sa amin o sa araw-araw na pamumuhay namin, hindi rin sila mabubuhay kapag walang chika from me, HAHAHAHAHA!

Pagkarating ko sa bahay...

“Hi po ‘Ma. Sorry at ginabi ako.”

“Ayos lang, ‘nak. Saan ka pa ba pumunta bago ka rito umuwi?”

“May tinatapos lang po ako kanina, ’Ma na project na pinagawa sa akin ni Boss.”

“Ang sipag naman ng anak ko. Galingan mo parati diyan sa trabaho mo.”

“S’yempre naman po, ’Ma. Ako pa ba?” proud na proud kong sabi kay Mama.

“I know. Sige na, kumain ka na diyan. Pinaglutuan na kita ng pagkain, nasa lamesa na lahat. Pumili ka na lang doon.”

“Okay po, thank you ’Ma.”

Habang kumakain ako...

“Vincent, anak?”

“Po?”

“Nag-te-text pa ba sa ’yo ang Tito Royce mo? Nag-aalala na kasi ako sa kaniya.”

Oo nga ’no? Nasaan na kaya si Tito Royce ngayon? Ang tagal na kasi ng wala siyang paramdam sa amin, bigla tuloy pinaalala ni Mama ang bagay na ’yan kaya mas lalo pa akong kinakabahan na naman.

“Hindi pa po, ’Ma. Wala pa rin po bang text sa inyo kahit isa?”

“Wala pa anak e. Ilang buwan na rin. Sabi niya sa last text niya is baka this year 2017 uuwi na raw siya rito. Ngayon lang kasi ako nagtaka ng husto. Kasi every week may tawag siya sa atin or text man lang. Ngayon, bihira na lang. Bakit kaya?” nalulungkot na sabi ni Mama sa akin.

“Kahit sa akin din po Mama, wala rin siyang text. Months ago na ’yong last text niya sa akin. Sana okay lang si Tito Royce.”

“Ipagdasal na lang natin na nasa maayos ang kalagayan ni Tito Royce mo. Huwag ka ng mag-worry diyan. Sige na, kumain ka na.”

“Sige po, ’Ma.”

Habang kumakain ako ay may lumitaw sa akin na “You have a new suggestion/s friend/s”

Royce Hemsworth: Ang Tito Kong Balikbayan (Boys Love) [Ongoing Story]Where stories live. Discover now