SIMULA

82 14 13
                                    

Dedicated to my ever supportive new quatro girls and co-admin of A'TIN Writers' Organization:  cam_schrivers InkyYellow MedeaHarlow

FIONA'S POV

"Welcome back to the Philippines, Ma'am and Sir..."

Mabilis kong tinanggal ang suot kong shades at ginala ang mga mata ko sa loob ng airport. Mabilis ko ding kinuha ang cellphone ko upang i-locate ang tamad kong bestfriend na ayaw akong salubungin dito sa loob. Nang makita ko na ang location nito ay nagpunta na rin ako roon.

"Oh? Kakadating mo lang pero salubong na agad yang kilay mo," natatawang banat sa akin ni Sia.

Agad ko naman itong inirapan, "kung sinundo mo ako dun at hindi ka nanatili dito sa parking, masaya sana ako," sarkastikong asik ko sa kaniya.

Lalo naman itong natawa, "you know naman kung gaano siksikan ang airport diba. I also heard na medyo madaming tao ngayon since ayun sa kuliglig na paalis ang SB19," pagbabalita nito at tila kinilig pa sa huli niyang binanggit.

"Tsk! Kaya naman pala ang hirap makalabas kanina," inis ko saka sinuot muli ang shades ko.

"Ipasok mo na yang mga maleta mo sa likod para makaalis na tayo bago pa magkastampede dito," utos nito sa akin kaya naman matalim ko siyang tiningnan.

"Ikaw na magpasok. Pinagod mo na nga ako palabas sa airport," singhal ko sa kaniya.

Natatawa naman nitong itinaas ang kamay niya, "okay, okay. Shocks... Chill ka lang..." pahayag niya saka kinuha ang maleta ko mula sa aking kamay.

Pinabayaan ko na lamang siya saka kinuha ang cellphone ko upang tawagan si Liane. Kumunot ang noo ko sapagkat naka-out of coverage area ang phone number nito. Naku ang babaeng yun talaga, napaka-workaholic talaga.

"Oh, ano na namang problema mo at naka-kunot na naman ang noo mo diyan?" tanong ni Sia kaya nabalik sa kaniya ang atensyon ko.

"Si Liane kasi hindi sumasagot sa tawag ko," wika ko saka inilagay sa aking bulsa ang cellphone ko.

"Oh? Parang di ka naman nasanay diyan sa pinsan mo," natatawang pahayag niya. "Parehas kayong subsob sa trabaho kaya walang lovelife pareho," pang-aasar nito.

"Whatever," saad ko saka siya pabirong inirapan. "Tara na nga at inaantok na ako," pag-aya ko na lamang sa kaniya dahil for sure hindi niya ako titigilan sa pang-aasar tungkol saa lovelife ko.

Tumawa na lamang ito saka umikot na sa kabilang bahagi ng sasakyan kung nasaan ang driver's seat. Pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan at nang masigurong maayos na ang lahat ay nagsimula na ring magmaneho si Sia. Isinandal ko ang ulo ko sa may bintana at tumingin sa labas. Marami na ang nagbago ditto sa Pilipinas lalo na sa mga infrastracture pero may isang nanatiling walang pagbabago. At ayun ang traffic! Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko dahil mukhang mahaba-habang byahe pa ito.

***

"Hindi ka pa ba magpapahinga?"

Naalis ang tingin ko sa aking laptop ng biglang magsalita si Sia. Pagkatapos ay tumingin ako sa wall clock na nasa likuran niya. Pasado alas-nuebe na pala ng gabi. Kaninang alas-sais pa kami dumating ni Sia ditto sa condo niya. Halos tatlong oras na pala akong nagtatrabaho.

"Not yet. May tatapusin lang akong design since may meeting ako bukas with the team," sagot ko sa kaniya.

"What? Work ka na agad bukas!" hindi makapaniwalang bulalas ni Sia.

"Yep," tipid na sagot ko sa kaniya.

"Grabe naman ang pagka-workaholic mo, Fiona. Para kang may binubuhay na isang barangay," komento niya kaya napailing na lamang ako sa sinabi niya.

CLS#4: Unexpectedly Meeting You | SB19 FANFICTION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon