KABANATA 3: AKSIDENTE

52 7 5
                                    

Dedicated To sheilapalomar7 salamat sa pagsuporta din kay FionaxKen! Pati na rin sa pag-suporta sa iba pang series!

KABANATA 3: AKSIDENTE

KEN'S POV

"Oh Scarly, Jah, saan kayo pupunta?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa tinitingnan ni Xi-Anne nang magsalita ito. Doon ay nakita namin si Scarlet at Jah na mukhang nagmamadali.

"Oo nga, saan kayo pupunta? Kakaalis nga lang ni Liane at Stell tas aalis din kayo," pahayag ni Yna na nakaupo sa tabi ni Athena.

"Si boss Jah kasi gustong sun---" Hindi na natapos ni Scarlet ang sasabihin niya nang takpan ni Jah ang bibig niya.

"Diyan-diyan lang, mamasyal lang ako. Isasama ko lang si Scarlet," paliwanag ni Jah.

"Edi sasama na lang kami," suhestiyon ni Josh saka tumayo.

"Wag!" Lahat kami ay bahagyang nagulat dahil sa sinabi ni Jah. "I mean, gusto ko sanang magsolo kami, mag-isip na lang kayo ng gagawin ninyo," saad niya. Nagkatinginan kami ni Josh at Pablo dahil sa sinabi nito. Aba, mukhang may tinatago sa amin si Justin.

"Yiee, magde-date din kayo?" mapang-asar na tanong ni Athena.

Mabilis namang namula ang pisngi ni Scarlet dahil sa pang-aasar ni Athena. "H-hindi ah," pagtanggi nito.

"Hayaan niyo na yang dalawang mag-date este mag-solo," panggagatong naman ni Yna saka sila sabay na natawa ni Athena.

"Aish, ewan ko sa inyo. Basta babalik din kami agad. Tara na Scarly," asik ni Jah saka hinawakan ang pulsohan ni Scarlet at hinatak ito palabas ng resthouse.

"Kayo talagang dalawa," saway naman ni Xi-Anne kay Athena at Yna. Nag-peace sign naman silang dalawa.

"Ang cute kasi nilang dalawang asarin. Perfect combo," natatawang paliwanag naman ni Yna.

"True po," pag-sang ayon naman ni Athena.

"May gusto ba si Scarlet kay Jah?" biglang tanong ni Josh kaya tumayo na ako.

"Oh san ka din pupunta?" tanong sa akin ni Pablo.

"Diyan-diyan lang din, magso-solo," sagot ko naman. "Mag-date din kayo este mag-solo din kayo if gusto niyo," pang-aasar ko sa kanila.

Namayani ang katahimikan sa sala kaya naman umalis na din ako. Paglabas ko ng resthouse ay agad akong pumunta sa caretaker upang manghiram ng motor. Balak ko kasing mag-explore dito sa El Nido bago kami mag island hooping bukas. Nang makuha ko na ang susi mula sa caretaker ay agad na rin akong sumakay ng motor at pina-andar ito.

FIONA'S POV

"Sorry, the number you've dialed is out of coverage area. Please try again later..."

Frustrated kong pinatay ang phone ko dahil hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng narinig ang operator na magsalita. Saan naman kaya nagsususuot ang babaeng yun at hindi siya ma-kontak.

"Oh, wala pa rin ba? Hindi pa rin sumasagot si Liane?" tanong sa akin ni Sia saka about ng mango shake na pinabili ko.

"Hindi pa nga, eh. Out of coverage area," frustrated kong sagot saka humigop ng shake.

"Kasi naman Fiona, napaka-impulsive mo mag-decide. Malamang nag-e-enjoy na yung pinsan mo sa bakasyon nila ni Justin," turan naman sa akin ni Sia.

Napairap ako dahil dun, "aba mas importante pa ba yang Justin De Dios na yan kaysa sa akin?!" wika ko.

CLS#4: Unexpectedly Meeting You | SB19 FANFICTION |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon