KABANATA 1: FELIP JHON SUSON

49 11 26
                                    

KEN'S POV

"Saan ka pupunta, Ken?" tanong ni Josh kaya naman napahinto ako sa paglalakad papunta sa pintuan.

Hinarap ko sila bago magsalita, "diyan lang sa labas. Magpapahangin lang."

"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Stell.

"Hindi na, dre. Kaya ko na 'to," sagot ko sa kaniya, Isa pa, gusto ko muna kasing mapag-isa.

Tumango naman sila kaya yun na din ang naging cue ko upang lumabas na ng tuluyan. Paglabas ko ay katahimikan ang sumalubong sa akin. Marahil ay napagod ang lahat kaya nagpapahinga pa sila sa kani-kanilang kwarto. Lumabas ako ng resthouse at lumapit doon sa may puno ng buko. Nakasabit kasi roon yung tatlong duyan. Lumapit ako sa pinakadulo doon sa medyo tago upang hindi ako maistorbo habang nagmumuni-muni ako.

Napabuga na lang ako ng hangin at napabulong, "Miss na kita Perpetua," wika ko habang nakatingin sa larawan namin na magkasama.

Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Walang duda na miss na miss ko na ang babaeng una kong minahal. Ilang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Kahit sa panaginip ay dinadalaw ako ng mga ala-ala namin. Bakit ba kasi ang hirap kalimutan ng unang pag-ibig?

"Ahm nga pala sir, matanong ko lang po. Bakit mo ko binigyan nito?"

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng marinig ko ang boses ni Athena. Sino ang kausap niya at ano ang ibinigay?

"Para talaga sa iyo yan," simpleng sagot ni Pablo.

Aba, nagmo-moment na naman ang dalawang 'to. Dahan-dahan akong sumilip at nakita ko yung dalawang magkatabi dun sa kabilang duyan. Mukhang hindi nila napansin na narito ako.

"Just enjoy this moment, Athena. We are here to relax and enjoy," wika ni Pablo.

Nataranta ako nung magkatitigan yung dalawa. Naku, yari tayo nito kapag may nakakita sa kanila. Bumwelo muna ako bago ko putulin ang moment nung dalawa.

Umakto akong nag-uunat sabay sabing, "ay grabe, napakainit naman talaga dito sa palawan 'no, dre?" sambit ko na ikinagulat nilang dalawa.

Mabilis namang tumayo si Athena at inayos ang damit niya. Tumayo na rin ako paalis sa duyan.

"Ahm, m-may gagawin pa pala ako mga sir," nauutal na paalam ni Athena.

"Sure," tipid na sagot ni Pablo.

Kumaripas naman ng lakad si Athena papasok ng resthouse samantalang naglakad naman ako papunta kay Pablo na nakatanaw pa rin sa pinasukan ni Athena.

Inakbayan ko siya sabay sabing, "child abuse ka," pang-aasar ko sa kaniya.

Tumingin naman siya sa akin saka tinanggal ang pagkaka-akbay ko, "pinagsasabi mo diyan. Nasa legal age na si Athena," wika niya.

Gusto kong humalakhak sa sinabi niya ngunit mas iniisip ko ang kalagayan niya, "hinay-hinay. Alam mo naman ang galaw ng pagiging idol, hindi ba? Oo marahil wala na sa kontrata natin ang magka-girlfriend pero maraming mata ang nakatingin sa atin," makahulugang payo ko sa kaniya.

"Pinagsasabi mo diyan. Parang nakakabatang kapatid lang ang tingin ko kay Athena," wika niya sabay walk-out.

Napailing na lamang ako dahil sa sinabi niya at sa pagwa-walk out niya. Mukhang in denial ang pinuno namin. Nung di ko na matanaw si Pablo ay bumalik ako sa duyan at pinagpatuloy ang pagmo-moment ko na pinutol nung dalawa kanina.

****

Nang pakiramdam ko ay pinapapak na ako ng mga lamok ay napagdesisyunan ko ng pumasok sa loob. Sa labas ng pinto palang ay naririnig ko na ang boses ni Justin.

CLS#4: Unexpectedly Meeting You | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now