KABANATA 2: SINO BA SIYA?

46 11 9
                                    

FIONA'S POV

Halos tatlumpong minuto na ako naghihintay kay Mr. Suson ngunit kahit anino niya ay walang paramdam. Sinubukan na din siya i-reach out ng assistant ko ngunit hindi pa rin daw ito sumasagot. Kunot-noo kong nililibang ang sarili ko habang nakaupo sa swivel chair kahit sa loob-loob ko ay gusto ko ng sumabog. Hindi ko ugali ang maghintay kaya hindi ako makapaniwalang pinaghihintay ako ng kung sino mang Felip Jhon Suson yun. Wala akong nakita sa email na sinend ng boss ko na detalye sa kaniya dahil kung minamalas nga naman ay corrupted ang na-send na file sa akin.

"Good morning.."

Napaayos ako ng upo sa swivel chair ko pero napagdesisyunan ko ding tumayo ng may pumasok na lalaki sa loob ng meeting room kasunod ang secretary ko. Sa aking palagay ay mukhang kagigising lamang nito dahil napakagulo pa ng kaniyang buhok.

Tumikhim muna ako bago nagsalita, "good morning, Mr. Suson," bati ko sa kaniya saka lumapit sa kinaroroonan niya at nilahad ang kamay ko.

"Good morning, Ms. Legarda but I am not Ken. I am Josue Nase, Ken's friend," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili saka tinanggap ang nakalahad kamay ko.

"You are not Mr. Suson?" hindi sigurado kong tanong sa kaniya after ko bitawan ang kamay niya.

"Nope. Nasa bakasyon kasi si Ken kaya nakisuyo siya na ako na lang yung umattend sa meeting niyong dalawa," sagot naman niya saka inayos ang buhok niya.

Ikinalma ko ang sarili ko dahil sa sinabi niya. How dare that boy to have a vacation habang nira-rush ko ang pinagagawa niya?! Gosh, he's really getting into my nerves!

"Ahm, Ms. Legarda?" hindi siguradong tawag muli sa akin nung lalaking kaharap ko.

Muli akong tumikhim, "pardon me," wika ko na lamang.

"Ang sabi ko, shall we start?" tanong niya muli sa akin.

Napatango naman ako, "sure. Have a seat. Ahm... what do you want coffee, tea, juice?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya saka tumingin sa aking assistant.

"Coffee will do," wika naman niya kaya tinanguan ko na ang aking assistant.

"Coming right up po," sagot nito saka nagmamadaling lumabas ng meeting room.

"While waiting for your coffee, I will start the presentation na po," magalang kong saad sa kaniya.

Ngumiti naman siya sabay sabing, "sure."

Yun ang naging cue ko upang buksan na ang laptop at projector ko. Tumikhim muna akong muli bago ako nag-umpisa mag-present kay Sir Josue. Habang nagsasalita ay pinagmamasdan ko ang body language niya at sa tingin ko ay hindi siya satisfied sa presentation ko pero pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko. Dumating na din ang secretarya ko at nag-serve lamang siya ng coffee and sandwich at pagkatapos ay umalis na rin ito.

"And that's it for my presentation," wika ko naman sa kaniya saka ngumiti.

Tumango-tango naman ito sa akin sabay sabing, "hmm... knowing Ken, I think may mga ipapa-revise siya sa iyo lalo na yung nasa left side, cause I think he prefer to have that as his mini-studio," wika nito sa akin.

"Really? I can revise it naman po if all things will be settled," wika ko naman sa kaniya. "Of course, I mean if he will choose me as his house's architect," dagdag ko pa.

"Don't worry, I'll make sure na pipiliin ka niya besides your design is so amazing," pagpuri nito sa akin kaya naman napangiti ako.

"Ahm, may I know kung kelan siya babalik dito para makapag-sched kami ng meeting?" tanong ko sa kaniya.

"Ah yes, next week andito na siya. Nagkaroon lang talaga sila ng biglang bakasyon kaya I hope you don't mind na wala siya dito," lintiya naman ni Josue.

CLS#4: Unexpectedly Meeting You | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now