CHAPTER 08

77 5 0
                                    

WARNING: typographical errors ahead.


HER POINT OF VIEW

nakangiti lang ako habang nakatingin kay boss, tinignan nya naman ako

"baket nakangiti ka?" salubong na naman ang kilay nya, umiling lang ako

"wala naman hehe" ang totoo naiimagine ko na ang mga ipapagawa ko sakanya, exciting talaga

"tsk" singhal nya atsaka sya tumayo, lumapit sya sa box na nasa sofa "halika rito"

agad naman akong lumapit sakanya

"buksan mo" utos nya, umatras ako

"ayoko nga!" mamaya kung ano pa meron dyan sa loob

"at baket?"

"ayaw ko baka may sawa dyan or kaya naman bomba, wag ka ngang ano boss" tinarayan ko sya "bigat bigat nyan eh mamaya ayun talaga laman"

"alam mo palang mabigat, bat mo binuhat?" diko mawari kung naiinis ba sya or ano

napacross arm naman ako "alangang paakyatin ko yan magisa boss!wala naman yang paa no"

tinignan nya naman ako ng pagkasama sama, napaatras na naman ako. baket ba nagagalit na naman sya eh totoo naman sinasabi ko kainis talaga to

di nya ako pinansin at atsaka binuksan ang box, nanlaki naman ang mata ko dahil sa laman nun

isang black dress at sapatos, ang ganda mukhang mamahalin

"wow boss!ang ganda naman"

"talaga?" tinignan nya pa ako na parang naninigurado, tumango ako agad

"pwede ko bang hawakan boss?" tanong ko

"yeah sure"

excited kong hinawakan ang dress, medyo mabigat sya, tinignan ko si boss atsaka bumalik ang tingin ko sa dress

masyadong pangsexy ang dress na to, may slit pa kase sya sa gilid for sure pag suot to kita ang isang hita ng magsusuot

tumingin ulit ako kay boss atsaka itinapat sakanya ang dress, di sakanya bagay

maganda nga pero di sakanya bagay, ngayon kolang nalaman na walang taste of fashion tong boss ko

"anong ginagawa mo?" takang tanong nya dahil diko mapigilan ang sarili kong sipatin sakanya ang dress

"tinitignan kolang kung bagay ba sainyo tong dress na binili nyo, ang ganda kase pero parang di bagay sainyo boss dapat sinama nyo ako magaling ako pumili ng dress for sure mas babagay sainyo" kinuha ko ang stilleto sa karton "tapos itong sapatos boss parang mali ang size, hindi to kasyaa sainyo, ito ba ang susuotin mo sa party?" tuloy tuloy na tanong ko pero wala akong nakuhang sagot kaya napatingin ako agad sakanya

laglag ang panga nya na nakatingin sakin

"boss??"

"what the f*ck" mahinang bulong nya atsaka nya nasapo ang noo nya "diko na alam ang gagawin ko sayo alam mo ba yun" inis na sabi nya bigla

tinignan ko naman sya ng masama

"baket parang galit kayo boss?" mataray na sabi ko

nagsasabi lang naman akong opinion ko kase ayaw kong mapahiya sya sa party na pupuntahan namin no!kahit kelan talaga!

"hindi ako ang magsusuot nyan ok?!sayo yan ikaw ang magsusuot nyan" inis na inis na sabi nya pa pero diko pinansin iyon kase nagulat ako sa sinabi nya

ako magsusuot nito?halaaa talaga

napahawak ako sa dalawang pisnge ko "talaga boss?!" excited na sabi ko

"oo" walang lakas na sabi nya

"wala tong bayad?" paniniguro ko, mahirap na wala akong pera no-mukhang mamahalin to eh

"tsk wala" inis na sabi nya at umalis sa harap ko, umupo na sya sa swevil chair nya habang ako ay ibinalik ang dress sa kahon

masaya akong lumapit sakanya " thankyou boss!ang ganda nun"

sakin bagay yun di sakanya hihi

"buti naman nagustuhan mo"

"oo naman ang ganda kaya!" masayang sabi ko "deserve mo ng kiss boss"

bigla syang tumingin sakin, hindi na salubong ang kilay nya at bahagya pa syang nakangisi

"talaga? hahalikan moko?"

tinignan ko sya atsaka ngumiti ng matamis

"joke lang hehe" agad naman sumama ang mukha nya

"umalis ka muna sa harap ko Ms.Sanchez, umiinit ang ulo ko sayo" halatang naiinis na sabi nya, nakahawak pa sya sa sintido nya na akala mo eh ang sakit sakit ko sa ulo

hmp!bahala nga sya dyan






Ms. Innocent owned by Mr. Possessive Where stories live. Discover now