CHAPTER 16

76 1 1
                                    

WARNING: typographical errors ahead.

HER POINT OF VIEW


PAUWI na kami ngayon ni boss galing sa orphanage, 5pm na. medyo natagalan kami kase nakipaglaro pa kami ni boss sa mga bata, hindi ko talaga akalain na si boss na mainitin ang ulo ay may soft spot para sa mga bata haha!hindi ko naman sya masisisi ang cute cute kase talaga nila

"kayo boss ha mahilig po pala kayo sa bata" natatawang pang-aasar ko rito, tinignan nya naman ako atsaka sininghalan.

hmp!sungit na naman, parang kanina lang ang bait bait ng aura nya

"boss ilan gusto nyong anak?" tanong ko rito ngunit agad akong napahawak sa seatbelt ko dahil gumewang bigla ang kotse namin!

"the fuck!ms.sanchez ano bang trip mo!" galit na sabi ni boss sakin pagtapos nyang ihinto ang kotse

agad ko syang tinignan ng masama "aba boss ako pa sinisi mo!eh ikaw nag dadrive dyan!" inis din na sabi ko sakanya, medyo kinabahan ako ron ha!nagtatanong lang naman eh muntik pa kami mapahawak hmp!

"wag ka nagtatanong ng kung ano ano lalo na pag nagdadrive ako" sabi nito, tinarayan ko naman sya

"sinisisi mo pa ako" inis na bulong ko "bababa na nga ako!mag taxi nalang ako baka mamatay pako wala sa oras!"

tinignan nya lang ako ng masama atsaka inistart nya ulit ang kotse nya, tsk tigas ng ulo sabing bababa nako

"boss bababa nga ako sabi!"

"tsk dyan kalang ihahatid kita!wag ka makulit kung ayaw mo halikan kita ulit" agad naman akong natahimik sa sinabi nya

kabwesit talaga to!panira ng mood kahit kelan, ganda ganda ng mood ko kanina eh

inis na nagcross-arm nalang ako atsaka tumingin sa bintana ng kotse, pinagmasdan ko nalang ang dinadaanan namin kesa makita ang gwapo ngunit nakakabwesit na mukha ng boss ko!

NANG makarating kami sa parking lot ay agad akong bumaba at hindi sya pinansin na humabol sakin

"hoy mahal na prinsesa, wag mo nga akong iwan!" sigaw nito sakin

"umuwi na kayo boss!hindi naman kayo dito nakatira!" sigaw ko rin pero hindi ko sya nilingon

"sandali lang!may ibibigay kase ako sayo" sabi pa nito kaya napahinto ako atsaka dahan dahan syang nilingon

"ano yun?" tanong ko

"ito talaga ang dahilan baket ako pupunta sayo kaninang umaga kaso ewan ko ba dyan sa utak mo baket bigla kang naghanda ng mga pagkain" mahabang sabi nya pa, nagmakeface naman ako

"nyenye daming sinasabi, ano ba yun boss?" tumingin naman sya sa paligid bago inilabas ang isang box, nagtaka naman akong tinignan sya

halatang kinakabahan pa syang nakatingin sakin

teka parang alam ko na to ah?seryoso ba to si boss?sa parking lot nya pa balak mag propose?

tekaaa hindi pa ako ready, ang chaka ko...

"teka boss tekaa hindi pa ako ready" sabi ko sakanya, tinignan nya naman ako habang salubong ang kilay nya

"ha?baket?" takang tanong nya pa

"teka kase ang haggard ko atsaka teka nga" napatingin pa ako sa paligid "baket naman dito boss?"

taka na naman syang tumingin sakin "haa?ano bang sinasabi mo?"

"nako ka boss wala ka man lang sweetness sa katawan" natatawang sabi ko pero yung mukha nya hindi maipinta "baket sa parking lot nyo pa balak mag propose?"

tinitigan nya ako ng matagal bago sya humagalpak ng tawa, as in!tawang tawa sya nakahawak pa sya sa tyan nya!

"aba baket moko tinatawanan!?" inis na sabi ko sakanya, kahit na gwapo sya nakakainis parin ang tawa nya!

"hahaha kase naman" tumawa na naman sya "hindi naman ako mag p-propose" tumawa pa ito, taka ko naman syang tinignan

"ehh ano yan?" turo ko sa kahitang hawak nya, pinunasan naman nya ang mata nya dahil naiyak sya kakatawa, letche to

"earrings to, ito suotin mo bukas" medyo natatawa paring sabi nya, tinarayan ko naman sya

aba malay ko ba? mukha kaseng singsing duh!

"ahhhh okaay boss" nakangiti ko itong kinuha sa kamay nya "salamat"

"baket mukhang disappointed ka Ms.sanchez?" mapang-asar na sabi nito atsaka ako nginisihan "siguro may gusto ka sakin no?"

tinitigan ko naman sya atsaka ako ngumisi rin sakanya

"asa ka boss" madiin na sabi ko atsaka sya tinalikuran

"aba loko to ah" rinig ko pang bulong nya "hey ms.sanchez!"

tinaas ko nalang ang kamay ko "boss umuwi na kayo maggagabi na!" sigaw ko, hindi parin sya nilingon

nagpatuloy na ako sa paglakad papunta sa condo ko atsaka tinignan ang kahitang hawak ko, binuksan ko iyon. bumungad sakin ang isang gold earrings, may mga maliit na diamond pa ito sa paligid.

ang ganda...

sigurado ba si boss dito?feeling ko masyadong mahal to para ibigay nya sakin, isasauli ko nalang siguro to pag tapos ng party bukas...

pagpasok ko ng condo ko ay agad akong dumaretso sa kusina para uminom ng tubig atsaka tumuloy sa kwarto ko para humiga

busog parin ako kaya hindi na siguro ako magluluto ngayong gabi dahil kumain na kami kanina ni boss, medyo madami kaming nakain kanina-sinabayan kase namin yung mga bata kumain.

"hayyyy" uminat pa ako sa higaan ko, nakakapagod pero okay lang masaya naman

iidlip muna ako ngayon dahil kailangan ko magising mamayang 12am, babatiin kolang si kieth..

iniisip ko parin ano bang gagawin ko bukas para macelebrate namin ang birthday nya kahit papano

Ms. Innocent owned by Mr. Possessive Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ