CHAPTER 14

69 5 1
                                    

WARNING: typographical errors ahead.

HER POINT OF VIEW

WALA pang ilang minuto ay dumating agad si kieth, medyo hingal pa sya nung dumating sya

"xi!ayos kalang ba?" tanong nya sakin

"ayos lang ako, baket parang hingal ka?tumakbo kaba?" taka ko syang tinignan, kumamot naman sya sa ulo nya

"akala ko may nangyare na sayo eh" sagot nito

"wala ah!may sasabihin lang ako sayo"

"ano naman yun?nakakakaba ka naman" natatawang sabi nya sakin, lumapit naman ako sakanya

"kieth ano kase, birthday mo na bukas diba?"

"oo ano meron?" nakangiting sagot nya, napayuko naman ako

"h-hindi kase kita masasamahan, m-meron kase kaming pupuntahan ni boss" mababa ang boses napaliwanag ko, di sya sumagot kaya tumingin ako sakanya

tumagilid pa ang ulo ko para tignan kung ano ang reaction nya, wala akong mabasang emosyon dito

"linggo bukas, day off mo yun diba?kaya nagtaka ako baket di ka pumasok ngayon" sagot nya bahagya pa syang tumawa pero diko ramdam na masaya sya

"si boss kase eh kailangan nya raw ako bukas, party kase yun"

"g-ganun ba" ngumiti sya pero di abot sa mata

"I'm sorry kieth, alam ko naman gusto mo kasama ako pero wala kase akong magawa eh" malungkot na sabi ko

totoo naman kase wala akong magawa, birthday nya tapos wala ako nakakalungkot talaga yun

"okay lang yun" sagot nya sakin, kumamot na naman sya sa ulo nya.

may kuto ba sya?hayyss

ngumuso ako habang nakatingin sakanya "okay lang ba talaga?"

"oo naman" ginulo nya ang buhok ko "sige mauna na ako, madami akong dapat gawin sa office eh" tumalikod na sya agad di pa ako nakakasagot

pinagmasdan kolang sya hanggang makalayo sakin

hayssss ano ba yan

NANG makauwi ako ay agad akong nagpahinga saglit bago ko inayos ang mga pinamili ko, nilagay ko na rin sa paper bag yung mga gift ko kay kieth

may pumasok na sa utak ko, what if kaya pumunta ako kila kieth pagtapos ng party?alam ko naman ang bahay nya eh kaso masyado na yung gabi

pero okay lang naman siguro baka malungkot kase yun, ako lang kase ang best friend nun eh atsaka isa pa wala ang mommy nya sa bahay nila di sila magkasama kase may trabaho yun sa ibang bansa, yung si manang leyla lang kasama nya ron

pagkatapos ko gawin mga ginagawa ko ay tinabi ko na lang muna sa isang gilid

10am palang kaya naman balak ko na sana magluto ng pang lunch ng biglang tumunog ang cellphone ko

*San guko calling...*

si boss pala!haha oo iniba ko na name nya sa phone ko

"hello boss?"

"hello where are you?" tanong nito

"andito sa condo ko boss" sagot ko "baket boss?"

"maghanda ka pupunta ako dyan" at bigla nyang binaba ang tawag

napatitig ako sa cellphone ko dahil sa ginawa nya

di man lang ako inantay sumagot hmp!

atsaka teka?baket ako mag hahanda?ano meron?ehhh anong oras na kayaa pano ako mag hahanda? birthday nya ba?

wait wait wait

alam ko na!

papagrab food nalang ako!okay lang naman no?wag na sya umarte bigla bigla sya

agad akong nag sa grab food ng mga pagkain at wala pang ilang minuto ay dumating agad iyon, nagtaka pa si kuyang rider baket andami hehe

pag kadating ng mga pagkain ay halos mataranta ako sa pag ayos nito sa mesa, pinagmasdan ko mga inorder ko

spaghetti, lumpia, pansit, at fried chicken

hmmm?pwede na siguro yan?no ba naman yan pabigla bigla si boss!

birthday nya ba?walaaa akong cake na naorderrrr

napaupo nalang ako ay nasapo ko ang noo ko, halos mangiyak ngiyak ako sa stress

"ay alam ko na!" tumayo ako at kinuha sa drawer ang binili kong surprise confetti nung nakaraan para sana sa pag surprise ko kay kieth—actually may mga balloons dito kaso wlaa na akong time para magpalobo nyan

tinignan ko ang inayos ko, okay na siguro yan no?kasalanan nya bigla bigla sya

atleast may handa!

mayamaya lang ay nagdoorbell sa condo ko, andito ako ngayon sa harap ng pinto diko na sya nilock para si boss ang mag oopen ng pinto

"pasok!" sigaw ko at mayamaya lang ay bumukas ang pinto kaya agad kong hinanda ang sarili ko

"surprised!" masayang sigaw ko pagtapos ko paputukin ang confetti, naestatwa naman sya sa kinakatayuan nya "diko kase alm kung birthday nyo ba or ano baket kayo nag papahanda kaya surprised nalang sinabi ko" paliwanag ko

tumingin naman sya sakin atsaka sa coat nyang punong puno ng confetti, pati ulo nya meron haha!

"what.the.f*ck" may diin ang bawat salita nyang yun "ano bang trip mo ms.sanchez?"

halata ang inis sa boses nya kaya naman salubong ang kilay ko syang sinagot

"eh kayo boss ano trip nyo!?baket late nyo na sakin sinabi na mag handa ako!tignan nyo tuloy naistress ako kakahanda ng pagkain!nag-order pa ako sa grab" inis ding sabi ko sakanya

ginulo nya ang buhok nya dahilan para maglaglagan ang confetti sa ulo nya

"aishhh ang ibig kong sabihin ay mag ready ka, diko sinabing maghanda ka ng pagkain!" tuluyan na syang pumasok sa condo ko

sinundan ko naman sya habang nakanguso

"eh kayo boss bigla nyong pinatay tawag!di nyo kaya nilinaw sakin akala ko birthday nyo" reklamo ko "oh pano na ngayon yan?!" inis kong tinuro ang nga pagkain

medyo madami dami kase talaga to, nakakainis pang isang baranggay na yan eh

"apaka dami naman?" takang tanong nya, nginusuan kolang sya

nilapitan ko ang mesa ko na puno ng pagkain, seryoso! andami talaga nito pwede na to ipakain sa buong baryo namin sa probinsya eh

"tsk tara may pupuntahan tayo" biglang sabi nya

"saan naman boss?"

"bastaa, halika na para di masayang mga binili mo. di naman natin kaya ubusin yan" sabi nya kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang sakanya

ano naman kayang pinaplano nito ni boss?

hmp!bahala sya dyan basta siguraduhin nyang di masasayang binili ko!

Ms. Innocent owned by Mr. Possessive Where stories live. Discover now