CHAPTER 13

62 5 0
                                    

WARNING: typographical errors ahead.

HER POINT OF VIEW


assuming talaga tong si boss eh, halik daw?duh!

para syang bata kumain, sinubuan ko na nga eh hmp

andito parin kami ngayon ni boss sa cafe, atsaka talaga nitong chocolate cake hehe buti dalawang slice binili ni boss

kain lang ako ng kain ng magsalita si boss

"sa isang araw na pala ang party" sabi nya, napatingin naman ako agad sa date

january 10 na?halaa sa isang araw?ehhh birthday yun ni kieth

"hala boss" tumingin naman sya sakin habang nakasalubong ang kilay

"baket?may problema ba?hindi ba kasya sayo yung dress?" tuloy tuloy na tanong nya

"hindi boss kase ano eh" napakamot ako sa kilay ko, pano ba to

"kase?"

"birthday kase ni kieth sa isang araw, nangako nako sakanya eh" nakasimangot na sabi ko

"pero Ms.Sanchez kasama parin sa trabaho mo yun, kailangan kita ron" saad nya, walang emosyon ang pagkakasabi nya nun kaya naman napanguso nalang ako

kailangan ko pala talagang sumama

"anong oras ba yun boss?"

"5pm-8pm, 3hrs yun" sagot nito atskaa uminom ng kape nya "kailangan kita ron Ms.Sanchez" dagdag nya pa

hapon naman pala kaso kailangan ko mag asikaso ng umaga dahil mukhang engrandeng party yun, kakausapin ko nalang siguro si kieth mamaya sana maintindihan nya

nakasimangot ako hanggang matapos ang pagkain ko, hanggang sa makabalik kami sa office ay nakasimangot parin ako

birthday ng best friend ko pero may gagawin ako, nakakalungkot naman baka magtampo sya sakin

bukas bibili pa akong regalo ko sakanya, parang gusto nya pa naman magmall talaga


ano ba naman yan..

KINABUKASAN pumunta ako agad ng mall para bumili ng maireregalo ko kay kieth

wig atsaka teddy bear nalang siguro ibibigay ko sakanya hehe, ayun lang kase naiisip ko atsaka di man mahilig sa mamahalin ang best friend ko

pagpasok ko ng miniso ay agad akong namili ng bibilhin ko, andaming pagpipiliin pero pili ko ang piggy na stuff toys dahil sobrang cute nya talaga and fluffy

may nakita rin akong keychain na cute, natawa pa ako dahil sa nakalawit sa keychain na maliit na teddy bear at salubong ang kilay nito, naalala ko si boss sakanya haha!

kinuha ko naman agad yun para isama sa pinamili ko, bibigay ko rin to kay boss hehe

pag katapos ko magbayad agad akong lumipad ng ibang store, pumunta naman ako sa bilihan ng nga wig

nagtingin tingin ako, andaming pagpipiliaan

may mahahaba at maikling buhok, yung iba straight at yung iba naman ay medyo wavy—basta andami!

hmmm ano naman kayang magugustuhan ni kieth

"hi ma'am, ano pong hinahanap nyo" nakangiting sabi sakin ng stuff nalumapit, napanguso naman ako

baka sapatos

pero syempre diko yan sinabi

"naghahanap po kase ako ng papangregalo sa best friend ko"

"ito po ma'am" pinakita nya sakin ang isang wig na straight at maiksi, parang di naman nya magugustuhan yan kase mahaba buhok ko

feeling ko gusto nya kagaya sa buhok ko

"or kaya ito ma'am" turo nya sa medyo kapareho ng buhok ko, mahaba atsaka wavy rin ang pag kacurl non

"sige po ayan" sagot ko "tingin nyo po ba magugustuhan yan ng best friend ko?"

"nako oo naman ma'am!panigurado" napangiti naman ako sa sinabi nya

nako nako kapag ayan di nagustuhan lagot ka sakin ate

agad ko namang binayaran ang napili kong wig atsaka lumabas ng store na yun

kailangan ko na siguro matawagan si kieth, malapit lang naman sa mall na to ang company and break time din ngayon

di ako pumasok kase day off ko naman ngayon kaya may time ako para bumili

pero kailangan ko na sya makausap para sabihin na di ako makakasama bukas sa birthday nya

nalulungkot parin ako kaso wala akong magagawa hayss

agad kong dinial ang number ni kieth

"hello xi!baket napatawag ka?" agad nyang bungad sakin

"kieth pwede kabang pumunta rito sa mall" mababa ang tinig na sabi ko

"ha baket?anong ginagawa mo dyan?wala kabang pasok?okay kalang ba?" sunod sunod na tanong nya

"okay lang ako, day off ko ngayon may sasabihin lang ako sayo"

"oh sige pupunta na ako dyan ok?antayin mo ako"

"okay" sagot ko nalang at binaba ang tawag

sana maintindihan nya...

sana wag sya magtampo...

Ms. Innocent owned by Mr. Possessive Onde histórias criam vida. Descubra agora