CHAPTER 21

79 1 1
                                    


KIETH POINT OF VIEW

tulala parin ako ng makapasok si star sa banyo ng kwarto ko

hindi ako makapaniwala kase alam nya kung asan ang banyo ko!

pero lalong di ako makapaniwala kase andito sya ngayon kahit alas nuebe na ng gabi

flashback

lugmok na lugmok akong nakahiga dito sa kama ko, wala akong gana lumabas ngayon kahit pa birthday ko

baket naman kase may trabaho si star?

diko nga alam anong oras na ba eh, kanina pa pabalik balik si manang dito para pakainin ako pero wala talaga akong gana

akala ko kase makakasama ko si star..

nagpagulong gulong ako sa kama dahil sa inis na naramdaman ko..

naintindihan ko naman na may trabaho sya pero diko maiwasan di malungkot

"hayysss kainis naman"

napatigil ako sa pag gulong ng may narinig akong katok, siguro si manang na naman to. kawawa naman si manang pabalik balik pero wala kase talaga akong gana..


"MANANG HINDI PA PO AKO GUTOM!" sigaw ko

"kieth ako to" natigilan naman ako sa narinig ko, boses yun ni star ah

teka si star???

agad akong napatihaya pero wrong move dahil nasa dulo na pala ako ng kama ko kaya bumagsak ang ako sa sahig

"a-aray" daing ko pagtayo ko, hawak hawak ko pa ang bewang ko dahil sobrang sakit!

nagmamadali kong binuksan ang pinto ng kwarto ko atsaka bumungad sakin ang mukha ni star..

end of flashback

umupo ako sa sofa at pinagmasdan ang pagkain, kumulo bigla ang tyan ko.

takte di pa talaga ako kumakain simula kanina!

tumayo ako ulit atsaka lumabas ng kwarto ko, kukuha nalang ako ng beer. mukhang alam ko na anong plano nito ni star eh

pagkababa ko ay agad akong dumaretso sa kusina at kumuha ng dalawang beer.

dalawa lang kinuha ko para tig-isa lang kami dahil mabilis malasing yun kahit beer lang inumin

gusto ko kase uminom ngayon kahit isa lang dapat para sakin lang eh pero knowing her tiyak mag aalburuto yun at magpupumilit

okay lang naman dahil andito naman kami sa bahay di ako mahirapan kapag nalasing sya

umakyat ako ulit, pag bukas ko ng pinto ay syang paglabas nya sa cr

taka ko syang tinignan, nakasuot sya ng dinosaur na sweater-teka ayan yung niregalo ko sakanya dati ah?

actually meron din ako nyan

Ms. Innocent owned by Mr. Possessive Where stories live. Discover now