DEPRESYON

3 1 0
                                    

Sa bawat araw na ibinigay ng diyos
Sila'y parang nauupos
Sa katawan ay wala namang galos
Pero pakiramdam nila sila ay naka gapos

Samot saring tumatakbo sa isipan
Hindi na nila alam kung ano  pa ang pagtutuunan
Problema sa pag- ibig, pamilya maging paaralan
Hindi na alam kung pano pa masosolusyunan

Alam nyo yung pakiramdam na walang nanakit?
Pero dama mo ang sakit
Yung pakiramdam na marami kang kasama
Pero sa sarili mo ikaw lang mag isa

Hindi makatulog sa gabi
Kayat nakaupo na lamang sa isang tabi
Habang tulalang nakamasid sa kawalan
Habang tumutulo ang mga luha na di mapigilan

Madilim na kapaligiran
Lugar kung saan nila gustong puntahan
Magmukmuk at sarilihin na lamang
Ang mga bagay na di kayang  labanan

Pagkain ng tama ay di mapagbigyan
Maging pagsasalita kanilang di magawa
Makikita mo na lamang silang namumutla
Dahil sa hindi pag tulog at pagkain ng tama

Ngunit kung ating iisipin
Depresyon ay kaya nating alisin
Kung may pananampalataya tayo sa taas
Na sya lang sa atin na nagliligtas

Echoes of SorrowWhere stories live. Discover now