PASASALAMAT

2 1 0
                                    

Magulang ang sandalan ng anak,
Bawat pangaral nyo sa amin ay tumatatak, Kung pano rumespeto at magpakatotoo,
Sa bawat taong aming nakakahalubilo

Salamat sa mga araw,
Na kayoy laging andyan,
Upang kamiy alagaan at bantayan,
Kahit may gagawin kayong ibang bagay

Tinuruan kung pano gamitin,
Ang "isip" para mag isip ng angkop, "Puso" para magmahal,
At "paa" para makatayo at wag umasa sa iba,
Yan ang itinuro sa akin mula ulo hanggang talampakan,
Na kailangan kung tandaan

Mga importanteng okasyon,
Pasko, bagong taon at kaarawan,
Lagi nyong binibigay,
Para kami ay sumaya lamang

Salamat sa mga pangaral,
Salamat sa inyong pagmamahal,
At yun ang di ko makakalimutan,
Kahit kailan

Echoes of SorrowWhere stories live. Discover now