TIWALA

1 1 0
                                    

Pinangakuan na di ipagsasabi
Ang sikretong sayo ay aking sinabi
Galit sa aking dibdib ay di mapawi
Kaya't umusbong sa akin ang pagkamuhi

Oo,kaibigan kita
Oo sandalan natin ang isat-isa,
Hindi paba sapat ang samahang binuo, Para gaguhin moko ng ganito?

Maraming beses kitang napatawad
Ngunit sa puntong to kay hirap!,
Kay hirap kang unawain
Simpleng "Pinapatawad na kita" kay hirap bigkasin

Hindi man biro ang ating pinagdaanan Lubak-lubak man ang ating dinaanan Pagsubok ating nilabanan
Marami na tayong natutunan
Ngunit bakit ngayun kapa gumawa ng kasalanan?

Kasalanang kay hirap i proseso
Dahil alam nating totoo,
Kay hirap nga talaga pag tayo ay siniraan Ng isang taong iyong pinagkatiwalaaan ng lubos pa sa iyong buhay

Echoes of Sorrowजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें