WATTPAD

1 1 0
                                    

Wattpad ang sandalan ko ng mga panahong gulong gulo ako
Ang sandalan ko ng mga panahong feeling ko lahat ng tao sa akin ay hindi totoo

Ang nagpaliwanag sa madilim kung mundo
At nagbigay pag asa sakin na mamulat sa totoong nangyayare sa ating mundo

Sa bawat magulang na nagsasabing " wattpad na naman"
Na naman! na naman! hindi ko lubos maintindihan
Naiinis sila sa ating pag babasa
Hindi nila alam na wattpad ang mas nagbigay satin ng pag asa

Wattpad ang tulay para tumaas ang ating grado
Oo pati sa mata tumaas din ang ating grado
Nakakatawa oo Pero yun ang totoo

Marami ako ngayung nababalitaan
Kesyo "wattpad lang yan"!
"Walang kwenta yan"!
Hindi nila alam na ang wattpad ang naging sandalan ng mga panahong akala nila sila ay iniwan

Gusto kung sabihin sa lahat ng makakabasa nito
Wattpad ang dahilan kung bakit tumaas ang grado ko sa paaralan
Wattpad ang dahilan kung bakit depresyon ng bawat tao ay naiwasan Wattpad ang dahilan kung bakit maraming gustong mabuhay!
At mas lalong wattpad ang dahilan kung bakit masaya parin ang isang tao sa kabila ng nangyayare sa mundo.

Kayat itoy ating itatak sa ating isipan Pagbabasa ay ating limitahan Wag pababayaan ang pag aaral Maaring magbasa ngunit wag papasobra

Echoes of SorrowTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang