PANLOLOKO

1 1 0
                                    

Sa bawat mensahe mo ako ay kinikilig
Sa bawal Mala angel mong tinig balahibo ko ay tumitindig,
Walang kupas ang kaligayahan
Kapag ang presensiya mo ay nandyan

Araw,tanghali maging gabi
Iniisip ko na sana ikay nasa aking tabi Dahil pagkasama kita ako ay kampante
At naiiisp kung wala akong kahati

Ngunit kaligayahan ko ay biglang bumagsak
Maging ang aking pawis ay tumatagaktak Dahil nakita kung ikaw ay may kahalikan At sinabi mo pang wala kang kasintahan

Oo narinig ko ang sinabi mo
At alam mong nasa likod modin ako
Wag kanang magkaila na sya ay kaibigan mo lamang,
Dahil walang tangang tao ang makikipaghalikan sa isang kaibigan lamang

Kay galing mong magpaikot
Para kang magnanakaw kay daling mandukot
Pagkatapos mangnakaw ay aalis na lamang
Na parang walang binuong samahan sa ating pagmamahalan

Kayat tatapusin ko Ang larong iyong sinimulan
Ibabaon na sa hukay ang iyong matatamis na kasabihan
Walang katuturan na salita na sa akin iyong ipinamukha,
Na ako ay uto-uto at madaling mapaluha

Echoes of SorrowWhere stories live. Discover now