Chapter 1

2.1K 16 2
                                    

Guinevere Sanchez's POV

Kakalabas ko pa lang ng sasakyan ng biglang may tumawag sakin"Guin, sabay na tayong pumasok "Saad ng kaibigan kong si Marco, tumango na lamang ako bilang sagot dahil pagod pa ako sa nangyari ka gabi

"Akin na yang bag mo ako ng magdadala" saad niya,"wag na ako na hindi naman mabigat"pagtangge ko, kaya wala na siyang nagawa, kaya naman nag lakad na kami pa punta saming unang klase

1 year ago umamin sakin si Marco noong Graduation namin nong highschool na hindi lang kaibigan ang turing niya sakin, agad ko naman sinabi na talagang kaibigan lang ang turing ko sa kanya,mas okay na sabihin ko na hindi kami parihas ng nararamdaman dahil kong papatagalin ko pang sabihin yon ay baka umasa pa siya, mas okay na masaktan siya sa rejection, dahil alam kong mas masakit ang mapaasa.

We are now first year college parihas kami ng Course na kinuha na Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) , kinuha namin ang course na ito hindi dahil trip trip lang, kinuha ko itong course dahil,at the young age meron na akong sariling company na pagmamay-ari, si Marco naman ay tagapag mana ng kanilang company,kaya daw ito ang kinuha niya para daw mas marami pa ang maging kaalaman niya about Business

We are now in our first class ng may makinig kaming nag aaway sa labas, kaya halos lahat ng blockmates namin ay sumilip duon kaya nakisilip din kami ni Marco

May dalawang nag aaway dun at base sa nakikinig ko ay nag cheat yong guy.

"Natasha pakinggan mo naman muna ako" saan ng lalaki,at akmang aalis na ang babae ng hawakan siya nito sa braso,

"Ano ba? Bitawan mo ako, wala na tayong dapat pag usapan, malinaw ang nakita ko, at sapat na yon para iwan kita" mahabang sambit ng babae habang umiiyak, marahas niya kinuha pabalik ang braso niya sa lalaki at tumakbo.

"Enjoying the scene? " naagaw ang attention naming lahat sa malamig na boses na iyon

Pag lingon namin ay nakita namin  ang isang magandang babae na may kulay green na mata, maganda,matangkad,maputi,makinis at base sa suot niya isa siyang Professor

"Shock ang ganda"saad ko saking utak

"Aren't you going inside?"na balik ako sa ulirat ng sabihin iyon ng magandang babae na nasa harap ko, pagkakita ko sa paligid ako nalang pala at siya ang nasa labas ng classroom, at dahil kanina pa ako nakatitig sa kanya ay hindi ko na namalayan na nagsi balik na sa loob ang lahat ng blockmates ko

"So-sorry po Ma'am"hingi ko ng tawad, bakit ba ako na uutal?!. Nakita ko na umirap siya bago ako lagpasan at pumasok sa loob ng classroom

"Aurgggg" ano bang nangyayari sakin,sabi ko saking sarili

Agad na akong sumunod sa kanya at umupo sa tabi ni Marco

"May sinabi ba sayo si ma'am? " pabulong na tanong ni Marco sakin,

"wala" walang gana kong sagot sa kanya

"Let me introduce myself  I'm Safara Cleo Clayton, Call me Professor Clayton at wala ng iba, I have a rules in my class, so listen carefully, cause I don't want to repeat myself" malamig na saad niya samin

"Rule one, I hate lates kahit na one second late pa kayo. Rule two, you'll can only ask me that are related to our topic, but if not then don't waste my time. Rule three don't add me on all my Social Media accounts, that's all. Now before we start our lesson, prefer a 1/4 index card write your full name, hobbies and about your self" mahabang saad niya-- I mean ni Professor Clayton

Agad naman namin ginawa ang sinabi niya at pagkatapos non ay nag simula na siyang mag turo, not gonna lie sobrang galing niyang mag turo lahat ng sinasabi niya ay agad naming naiintindihan dahil detalyadong-detalyado ang mga iyon

My First And Last  Where stories live. Discover now