Chapter 11

605 12 1
                                    

Kinuha ko jacket ko at ang susi ng sasakyan na naka sabit sa likod ng pinto ng kwarto ko

Maingat akong lumabas sa Mansion dahil baka mahuli ako nila Lola at mapagalitan pa ako

Nako naman Ma'am bakit ka nag lalasing?.

Halos inabot ako ng isang oras sa byahe dahil may kalayuan yong Bar na pinag iinuman ni Ma'am

Matapos halos isang oras na byahe ay nakarating na ako sa Bar na sinend nong lalaking tumawag sakin

Nasa labas palang ako ay rinig ko na ang ingay sa loob

Papasok na sana ako ng harangin ako ng mga guard

"Bata, ilang taon kana? " tanong sakin ng isang bantay

"18 po" walang gana kong sagot

"Bawal kapa dito, 21 pataas lang ang maaaring pumasok, umuwi ka nalang" sagot naman nong isa pang nag babantayan

"Hindi naman po ako-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may nag salita sa likod ng guard

"Let her in" isang magandang babae na naka suot ng black dress

Agad na lumingon ang mga guard sa kanya at biglang yumuko

"Sige po Miss pwede na po kayong pumasok"Sagot naman nong guard na nag sabi sakin ng bata

Kala mo ha tanggal angas mo ano?.

Nang makapasok kami nong babae ay may tinanong siya sakin

"So your the student?" Tanong niya.

Hindi ko alam kong anong ibig sabihin niya pero tumango nalang ako, student din naman ako ni Professor eh

"She have a good taste, hmm"

Bumulong pa ito, pero hindi ko na naintindihan dahil sobrang ingay sa loob

Tumigil kami sa naka sarang pinto pero kinig na may nag wawala sa loob

"She's inside" tumango nalang ako saka nagpasalamat

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin si Ma'am Cleo na sobrang nanlilisik ang mata na nakatingin sa lalaking staff ng Bar siya ata yong tumawag sakin, mukha ring nasobrahan na sa alak dahil sa sobrang pula ng mukha nito

"I told you that I'm only going home if she-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng makita niya ako sa pinto

"Love!, inaaway niya ako" sumbong nito sakin habang patakbong lumapit siya sakin muntikan pangang matumba, hys.

Pero ano yong una niyang sinabi?

L-love?

Nang ma realize ang tinawag niya sakin ay biglang nag init ang magkabilang pisngi ko

Nang makalapit na sakin si Ma'am ay inalalayan ko siyang maka tayo ng maayos saka inalalayan palabas, pero bago yon ay nag paalam at nag pasalamat muna ako sa mga nagbantay sa kanya habang nag wawala

Nakasakay na kami ngayon sa kotse ko pero hindi ko maayos yong seat belt niya ang galaw niya kasi!

"Love, ibabahay mo naba ako?" Dahil sa tanong niya ay bigla kong nabitawan yong susi ko na hawak, pero agad ko naman ito kinuha saka pinaandar na yong sasakyan

Pero oo nga noh, parang e babahay ko na si Ma'am kong sa condo ko siya dadalhin

Bahala na wala din naman akong choices, alangan naman ewan ko tong mag isa sa labas

Ano bayannn.

Nasa elevator na kami ngayon pa akyat sa 19th floor kong nasaan ang condo ko, pagka bukas ng elevator ay inalalayan kong muli si Ma'am na maka pasok sa loob ng condo ko

My First And Last  Where stories live. Discover now