Chapter 14

620 16 1
                                    

"Natasha saking kotse nalang gamitin natin" sabi ko kay Natasha ng makalapit kami sa kotse niya

Lumingon naman siya sakin

"Okie, asan ba yong kotse mo?" Tanong niya

Agad ko namang tinuro yong kotse ko

Kita sa mukha niya ang pagkagulat saka biglang tumakbo pa punta sa kotse ko

"Wow, talaga sayo to?" Tanong niya

"Oo, bakit?" tanong ko pabalik

"Gaano kaba kayamanan at lamborghini pang limited edition ang kotse mo? grabe ka paampon nga" mahabang sabi nito

Kaya pala palaging pinag titingin ng mga tao yong sasakyan ko kapag gamit ko or pinapark ko hindi ko naman alam na limited edition ito basta nagandahan lang ako Kaya ko binili ito nong grumaduate ako nong highschool na Valedictorian sa strand na ABM Kaya binili ko ito bilang regalo sa sarili ko

"Ang dami mong sinasabi sasakay ka ba o hindi?" Tanong ko nalang dito

"Bhe, kong gantong kotse lang din naman ako sasakyan hinding-hindi ako tatanggi" pagkasabi niya nito ay agad na siyang pumasok sa passenger seat at ako naman ay sa driver seat

"Saang Mall tayo?" Tanong ko pagkatapos kong maisuot ang seat belt ko

"Sa GSC Mall tayo madami daw dun mga bagong shop at clothing store ang nag open last month"sagot niya

May taste siya haha

Nang makarating na kami sa Mall ay agad akong inaya ni Natasha sa isang clothing store na ang brand ay LV nang maka pasok kami sa store ay agad siyang pumunta sa bag section

May pinakita siya saking kulay brow na shoulder bag na ang kakasya lang ay cellphone at credit cards

"Guin, maganda ba?" Tanong niya habang pinapakita yong shoulder bag sakin

"Oo maganda" sagot ko

"Okay bibilhin ko ito, tingin ka din ng sayo libre ko" sabi niya

Tumango ako at tumingin nalang din ng bag na babagay sakin pero ng makita ko ang presyo ay halos malaglag na ang panga ko

T*ngina 20,999Php ang pinaka mababang presyo ang nakita ko tapos lahat ay 30k pataas na mga ginto ba ito?

Nang makita ko ang lahat ng presyo ay agad kong tinanong si Natasha

"Nat?" Pagkatawag ko sa kanya, agad naman siya lumingon

"Bakit?" Tanong niya

"Magkano yong shoulder bag na pinakita mo sakin kanina? Yong bibilhin mo" tanong ko sa kanya

"Ah ito?" Pag ka sabi niya nito ay pinakita niya sakin yong shoulder bag na brown na tinanong niya sakin kong maganda

Tumango ako bilang sagot

"49,999Php" sabi niya na parang wala lang

T*ngina piso nalang 50k na nahiya pa sila?

Bakit ang mamahal ng mga bag dito?

May mga ginto ba yun?

"P*ta ang mahal, bibilhin mo talaga yan?" Tanong ko sa kanya na hindi maka paniwala

"Syempre oo, ang ganda kaya" sabi nito

"At ikaw namamahalan? Bhe mas mayaman ka sakin, at saka wag ka mag alala libre naman kita kaya mamili kalang ng gusto mo" dagdag pa nito na mas nag pa nganga ng panga ko, napaka gastadora naman ng babaeng to parang wala ng bukas kong gumastos

"Bahala ka diyan hindi ako bibili sasamahan nalang kita" sabi ko dito

"Okay ikaw bahala pero kapag may na gustuhan ka sabihin mo lang sakin, bibilhan kita" pag sabi niya nito ay muli na siyang tumingin tingin dahil bibili pa daw siya

My First And Last  Where stories live. Discover now