Chapter 2

925 18 1
                                    

Tapos na ang klase ko at papunta na ako ng parking lot, papasok na sana ako sa kotse ko ng makita ko si Professor Clayton na may kausap sa cellphone niya at mukang galit

Hindi ko na ito pinag tuunan ng pansi  at nagmaniho na palabas ng university

Saktong pag labas ko ng unibersidad ay ang pagtumunog ng cellphone ko agad ko itong sinagot ng makita ko ang caller

"Apo, asan kana? "Sabi sa kabilang linya

" I'm on my way lolo"sagot ko sa tanong niya

"Sige mag ingat ka ha i love you apo" saad niya

"I love you too po lolo sige po ibaba ko na po ang tawag" i said and ended the call

After 20 minutes of driving I arrived at their Mansion

Pinag buksan ako ng maid at agad sinabi sakin kong nasan ang grandparents ko at sinabing nasa dining area ang mga ito, nagpasalamat ako sa maid at nag tungo na duon

Pagpasok ko palang duon ay nakita ko na ang masayang nag uusap na dalawang matanda, my grandma and my grandpa

Nang mapansin nila ang presensya ko ay tumingin sila sa dako ko at inaya ako maupo sa harap nila

"Apo, kamusta ang first day mo sa college? " tanong ni Lola.

"Okay lang po lola wala po kami gaano ginawa dahil first day palang naman"sagot ko sa naman sa kanya

"kamusta ka naman?sa daddy mo at sa stepmother mo? " tanong ni lolo

"Okay lang po" sagot ko sabay ngumiti ng pilit

"Alam kong hindi, may nangyari ba? " tanong ni Lolo, wala talaga akong matatago sa mga ito

"Nag away po kami ni daddy kagabi kasi gusto niya na e date ko yong bestfriend kong lalaki na si Marco" sagot ko

"Apo, alam kong hindi kapa ready na e pamuka sa magulang mo ang mga achievements mo, pero kong patuloy ganyan mas okay na sabihin mo sakanila iyon na hindi kana umaasa sa kanila" mahabang payo ni lolo

"Oo nga apo, kami nga ay sobrang proud sayo ng lolo mo, sorry to say this apo ha pero dati akala namin hindi mo kami tutulungan pero andito ka inaasikaso kami na dapat ang anak namin ang gumagawa"saad ni Lola na base sa boses niya ay naiiyak siya

Yes, walang pakialam ang Daddy ko sa parents niya simula nung ipamana halos lahat ng pag-aari ni lolo sa kanya ay hindi na niya gaanong pinapahalagahan si lolo at lola, at umabot sa point na itinaboy ni daddy ang parents niya dahil sa sinabi ng stepmother ko na hindi siya gusto nila Lola at Lolo witch is true dahil masama ang ugali nya at harap harapan akong pinapahiya ng stepmother ko sa harap ni lolo at lola ko at sa ibang tao

One day nakita ko sila Lolo at Lola na paalis ng Mansion namin ang dami nilang dalang gamit, hindi naman ako t*nga para hindi ko malaman ang mga nangyayari I'm only 15 years old that time pero tinulungan ko sila na bumili ng maliit na condo, dahil meron naman akong malaki-laking ipon dahil malaki ang allowance ko and hindi naman ako gastadora

Halos 1 month ako ang nag susustinto sa kanila

One night tumawag sakin si Lolo na gusto nila akong kausapin ni Lola, kaya agad akong pumunta sa condo nila na binili ko para sa kanila, pagpunta ko dun nasa dining area sila na seryoso na nag-uusap may kasama din silang lalaki na napaka pormal ng ayos, pagdating ko ay agad nila akong pina upo sa harap nila at may sinabi sila sakin na nagpabago ng buhay ko

3 years ago...

"Apo, meron kaming ipapamana sayo" saad ni lola na seryoso parin na naka tingin sakin,kinakabahan ako dahil ito yong unang beses na seryoso silang makipag usap sakin

"I-ipapamana? Pero wala naman na po kayong properties dahil lahat niyo po pinamana kay d-daddy" nauutal na saad ko

Nagkatinginan si Lola at Lolo sabay tingin sakin"dapat talaga ipapamana namin lahat pero gusto ko munang pag isipan kong dapat ko rin  bang ipamana sa Daddy mo yong bussiness ko"saad ni Lola, nanlaki ang mata ko dahil hindi ko alam na may bussiness si Lola dahil wala naman silang nasasabi about sa bagay na yon ngayon lang

"A-anong i-ibig mo pong sabihin La? " tanong ko sa kanya dahil hindi ko talaga ma proseso sa utak ko ang pinagsasabi nila

"Hindi na tuloy ang binabalak kong ipapamana dapat sa daddy mo ang bussiness ko dahil, nong maipamana ng Lolo mo ang lahat ng ari-arian niya ay biglang nag bago ang ugali ng Daddy mo samin, naging mayabang siya at palagi kami sinasabihang walang karapatan na nakikituloy lang kami sa mansyon niyo kaya napag isipan kong wag ng ipamana sa kanya ang bussiness ko, pero ikaw Guin hindi mo kami iniwan maraming salamat apo kaya napag isipan namin ng Lolo mo na sayo na ibigay yon, isa yong clothing store na medyo sikat dito sa bansa natin kaya ngayon meron na akong dalawang branch isa dito sa Manila at isa sa Cebu" mahabang paliwanag ni Lola

"Pero paano niyo po na manage yun kong palagi kayong andito ni Lolo? " tanong ko dahil hindi ako makapaniwala na andito lang sila pero meron pala silang bussiness na pinapatakbo

"Meron akong katiwala sa dalawang clothing store ko na yon, kaya patuloy yun na bukas at kumikita ng maayos, apo sayo ko ipapamana yon kahit anong gusto mong gawin dun ikaw na ang bahala, may tiwala kami sayo" sagot ni lola

"Pero wala pa po akong alam sa pag mamanage ng bussiness" sabi ko sakanila, dahil tutuo naman I'm only 15 years old

"Don't worry apo andon ang sekretarya ko siya ang mag tuturo sayo sa bawat kailangan mong gawin" sagot ulit ni Lola

"Pumapayag kaba apo? " tanong ni Lolo I can see hope in his eyes, paano ako makakatanggi?

Tumango nalang ako bilang sagot, kaya napangiti sila at tinawag ang lalaki na sobrang pormal ang suot isa pala itong attorney, pag lapit ng attorney ay agad na niyang inayos ang dapat niyang gawin para maipasa sakin ang lahat ng ipapamana sakin ng Lola ko

Present....

Matapos ang usapang yun ay ako ng ang nag manage ng clothing store ng Lola ko, at the age of 15 sobrang hirap pero lahat pina intindihin sakin ni Precious and mga dapat kong gawin, si Precious ang secretary ng lola ko nagulat pa nga ako dahil ang bata pa niya 24 years old lang siya noon pero grabe halos lahat sa kanya ko natutunan kong paano mag manage ng isang bussiness

Lumibas ang isang taon 16 years old ako non ng mas maging successful pa ang clothing store ni lola na pinamana sakin hanggang sa nadagdagan ito ng napaka raming branches dito sa Pilipinas, sobrang proud sakin ng Lolo at Lola ko, yun lang naman ang gusto ko na maging proud sila sakin wala na akong pakialam sa bawat sasabihin sakin ni Daddy dahil una palang, ako na sinisisi niya sa pagkawala ni Mommy, dahil nong pinanganak niya ako ay siya naman ang pagkamatay niya

17 years old ako ng mag patayo pa ako ng iba't ibang bussiness meron na akong limang mall dito sa Pilipinas at lima pa sa iba't ibang bansa meron  din akong apat na hotel dito sa Pilipinas at tatlo naman sa iba't ibang bansa lahat ng hotel na pagmamay-ari ko ay lahat 5 star hotel kaya hindi basta-basta ang mga taong nakakapag check in dun hindi lang yan ang bussiness ko meron pa, Mas marami akong Bussiness sa bandang Asya kaya nakasama ako sa isa sa mga pinakamayaman na tao sa Asya, sabi ni Lolo kasama daw ako sa top 5, pero wala naman akong pake dun basta masaya sila Lolo at Lola

Hindi alam ng Daddy ko at ng bagong pamilya niya ang tungkol sa tunay kong pagkatao ang alam niya lang ay nakikitira ako sa Lolo ko sa maliit na Condo nila, at saka pati na ang buong mundo hindi nila alam kong sino nga ba ang nag mamay-ari ng G.S.C (Guinevere Sanchez Corporation) Company dahil ang naka lagay sa Top 5 na mayaman sa Asya imbis na pangalan ko ay pangalan ng Company ko ang pinangalan nila dahil  hindi nila ako kilala hindi din naman nila alam ang tunay na meaning ng G.S.C dahil siniguro kong tanging ang mga investors ko lang na ang makaka alam nun at ang mga taong mapagkakatiwalaan

17 years old din ako ng regaluhan ko sila Lolo at Lola ng Mansion pero hindi ako dun nakatira kundi sa isa sa mga hotel ko ako nakatira, nong una gusto nila na dun nalang din ako tumira sa mansyon nila pero sabi ko na mas okay kong sa malapit ako sa mga bussiness ko ako titira kaya pumayag na sila, may kalayoan din kasi ang Mansion nila na binili ko sa Manila kasi sabi nila na gusto nilang maka langhap ng sariwang hangin, kaya dito ko napagpasyahan na bumili ng lupa at magpatayo ng Mansion para sakanila

My First And Last  Where stories live. Discover now