CHAPTER 5

94 7 0
                                    


76 days before the end of 3 months, bagsak balikat at may eyebags akong naglalakad papunta sa unit namin. It's Monday, pero yung energy ko pang Friday na, yung patapos na agad.

Nawawalan na ako ng chance sa bet na ito, parang wala talaga siyang balak ayain ako at sundin ang bet nila Toledo. Tatapusin ko na lang ata yung tatlong buwan dito at aalis ng walang Magandang memory kasama si Kahn.

Paliko na ako sa hallway kung saan naroon ang unit ng marketing, pero agad akong tumigil nang makita si Toledo kasama ang mga alipores niya na nakatayo sa harap ng unit ng HR.

Dahan-dahan akong sumilip at tiningan ang mga ito, ang kunot noo kong kilay ay agad nawala ng makita kong lumabas si Kahn sa unit nila. Extra naman ang kagwapuhan nito ngayon Monday, thank you for the blessing lord.

"Ano wala ka pa'ring ginagawa, Kahn!?" rinig kong sita ni Toledo dito. Oo nga wala pa 'rin siyang ginagawa, tumatango-tango ako mag-isa dito.

"Busy ako sa traning," umiiwas na sagot ni Kahn dito. "Umaatras ka ba sa bet natin Hirano? Baka nakakalimutan mo ang kayang gawin ni boss sa training mong iyan?" banta ng isa sa mga alipores ni Toledo.

"Tama, baka mawala lahat ng pinaghirapan mo sa isang bulong lang ni boss sa tatay niya." Pananakot ng isa, mga asshole talaga ang mga ito, kung hindi ko lang din gusto ang bet nila baka sinumbong ko na itong mga ito sa nakakataas.

Pero dahil magtatake-advantage ako sa bet syempre behave muna ako dito sa isang tabi. Sorry Kahn my loves, umoo na lang kasi, tatlong buwan lang naman.

"Balita ko nag loan ka para makabili ng Magandang sasakyan, hindi mo ba naisip na malaking tulong yung mapapanalunan mo sa bet na ito kung natapos mo ito ng tatlong buwan, easy money." Sambit ni Toledo.

Gawin mo na kasi Kahn, go na hindi naman kita papahirapan eh.

Nang tignan ko si Kahn, halatang nag iisip ito. "Gawin mo na lang Hirano, babantayan kita may mata ako sa paligid kaya kung ako sayo gagawin ko na bago pa mahuli ang lahat." Pagbabanta ni Toledo at umexit kasama ang mga alipores niya.

Yes, ito na ang chance ko. Tumayo ako ng tuwid inayos ang kwelyo ng uniporme ko, bago naglakad papunta sa unit namin kung saan madadaanan ko si Kahn.

Naglakad ako papalapit sa kanya, at nang madaanan ko siya binati ko ito. "Good morning," bati ko. Tiningnan niya ako at tumango, "Good morning," tugon nito. Wag mong sabihin wala na naman siyang gagawin.

Dahil sa pagkadespirada ko, pasimple akong naglakad pabalik at nagpanggap na may tinititingnan sa tales ng hallway. Nagpapansin ako sa harapan niya at nag pabalik-balik sa paglalakad.

Ano ba Kahn, go na kaya mo iyan. Isa pang balik, "Ahm.." agad akong tumigil at humarap sa kanya. "Yes?" tanong ko, at ipinakita sa kanya na handa akong making sa sasabihin niya.

Nagkatinginan kami, at hindi ko maiwasan mamangha kung paano ginawa ni lord ang mukha niya, sobrang perfect. Kinamot niya ang gilid ng kanyang noo bago umiwas ng tingin.

"Pwedi ba kitang maaya ng lunch mamaya, may itatanong lang ak--," hindi ko na siya pinatapos at seryosong sumagot. "Sure." Sagot ko, nakita kong medyo nagulat siya sa bilis kong sumagot kaya bago pa magbago ang isip nito naglakad na ako ng mabilis papunta sa unit namin.

Pagupo ko sa table ko, biglang nag boost yung energy ko. Nagsimula akong mag trabaho, lahat ng trabaho sa table ko at reports para bukas ay tinapos ko ng sobrang bilis.

09:30 am pa lang agad na akong natapos mag trabaho at walang tigil kong tinitingnan ang aking sarili sa harap ng salamin. "Ahm, Ma'am," napalingon ako kay Noi ng tawagin ako nito.

Seryoso ko lang siyang tiningnan at hinintay mag salita, "Gusto ko sanang ayain kang kumain ng lunch sa labas," nahihiyang sambit ni Noi. Inayos pa nito ang makapal na salamin.

Hindi ako pwedi ngayon, maguusap kami ni Kahn, pero hindi ko pweding sabihin sa kanya iyon. "Hindi ako pwedi." Sambit ko. Nagulat ito sa sagot ko at parang napaisip.

"Ah, ganun po ba sige po next time na lang po hehe," sambit nito, seryoso lang ang mukha ko pero I feel sorry for her, ayaw ko naman siyang tanggihan pero hindi lang talaga ako pwedi ngayon, pasensya na Noi.

"Noi!" nagulat ito ng tawagan siya ni Boss Bingo mula sa office nito. "Yes po?" tanong nito at tumakbo papunta sa office ni Boss bumalik ako pagaayos sa harap ng salamin.

Pero nang maramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin, agad akong lumingon sa mga officemate namin,at lahat naman sila ay agad din nag panggap na nagtatatrabaho.

Binaliwala ko na lang ito ay tumayo, naglakad palabas at pumunta sa cafeteria. Agad hinanap ng mga mata ko si Kahn pero wala pa siya dito. Baka masyado akong maaga.

Umupo muna ako sa sulok na table at doon kumain ng biscuit, pinapanood ko ang mga taong unti-unting dumating, at agad nahagip ng mga mata ko si Toledo na papalapit dala-dala ang lunchbox niya na halatang hinanda pa ng mommy niya.

Nangpapalapit na siya sa akin, at natunugan ko na agad na uupo siya sa harapan ko. Sinakto kong pagkaupo niya, "Ms. Masalan---," agad na akong tumayo umalis sa table na iyon.

"Sandali!" hahawakan niya sana ang kamay ko pero mabilis akong umiwas kaya nawalan ito ng balanse at nasubsob sa sahig. Tiningnan siya lahat ng tao at nagtawanan.

"Boss!" agad lumitaw ang mga alipoeres niya at tinulungan siyang tumayo tiningnan ko lang siya saglit bago umalis. "Magsisisi ka, Masalanta." Mahina nitong pagbabanta. Tumalikod ako at naglakad paalis.

Hindi ako magsisisi dahil alam ko ang balak mong gawin, at gusto ko ito.

Palabas ako ng cafeteria ng makasalubong ko si Kahn, tumatakbo ito at tumigil sa harapan ko. "Ms. Masalanta," hinihingal niyang sambit. Agad akong tumayo ang tuwid at tumango sa kanya.

"Pwedi ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?" tanong nito."Sige." mabilis kong sagot. Tumango-tango ito bago naunang naglakad, sinundan ko siya at dinala niya ako sa printing area kung saan kaming dalawa lang ang nandito.

Kinikilig ako ng sobra sa kabila ng seryoso kong mukha, bakit ang gwapo mo pa'rin kahit tumakbo ka? "Ahm," ito na yun!

"Yes?" mabilis kong sagot. Wag ka nang magpatumpik-tumpik pa go na kaya mo ito Kahn!

"Ahm, I just want to ask if..." bakit ka pa tumigil, ituloy mo na. "If?" tanong ko.

"If..."

"If?" go na Kahn, fighting, kaya mo ito! Huminga siya ng malalim at tumalikod sa akin, nagtangka itong aalis, pero nakita niya sila Toledo na nanonood sa labas ng printing area.

Wala siyang choice kung hindi humarap sa akin, at seryoso ko pa 'rin siyang tinitignan.

"If you can be my girlfrie---," hindi ko na ito pinatapos.Yes!!!

"Ok." Sagot ko, nagulat siya at tila naguguluhan. "Ok?" tanong nito sa akin.

"Ok, I can be your girlfriend." Diretso kong sagot at inabot ang kamay niya at nakipagshake hands.

"Huh?" hindi makapaniwala niyang sagot. Tumango ako sa kanya at naglakad palabas ng printing area, agad nagtago yung tatlong ulupong sa gilid, kaya naglakad na ako papunta sa rooftop.

Pagkaayat ko sa itaas, at pagkasarado ng pinto halos lumipad ako sa era sa sobrang taas ng talon ko. "Yes!!!" sigaw ko sa sobrang tuwa.

"Boyfriend ko na si Kahn, ack!" tumirik ang mga mata ko sa sobrang kilig. At nagiinit ang mga pisngi ko. Hinawakan ko ito at nagpapandyak sa kilig.

"Ahhh!!! Boyfriend ko na si Kahn!!!" 

She knows the BetWhere stories live. Discover now