CHAPTER 6

78 4 0
                                    


75 days, It's a beautiful day, it's a beautiful life! Hindi ko maiwasang hindi mapakanta habang nilalaro ang bula dito sa mini-bathtub sa condo ko. Hindi pa 'rin ako makapaniwala na may nobyo na ako at si Kahn pa talaga!!!

Sisiguraduhin ko at susulitin ko ang pekeng relasyon namin ni Kahn, gagawin ko lahat ng mga pangarap kong gawin kasama ang nobyo ko. Wala akong sasayanging araw sa loob ng tatlong buwan na iyon.

"Ano kaya ang unang magandang gawin? Coffee shop date? Ahh, gusto ko iyon! Eh kung enchanted kindom date, tapos maglalaro siya ng kahit anong game at ipapanalo ito, tapos ibibigay niya sa akin napanalunan niya!!! O m g! hindi ko alam paano ako magrereact sa ganun!!!" bumubuhos lahat ng mga posibilidad na mangyari sa aking isip.

"Ahh!!!" pinaghahampas ko ang bula sa sobrang kilig, sobrang aga kong gumising para dito. "Kahn, alam kong bet lang ito pero ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sayo, dahil siguradong papasayahin mo ang tatlong buwan ko bago ako umalis dito sa bansa. Salamat Kahn," sobrang sumasabog sa saya ang puso ko.

Sobrang tagal ko na siyang hinahanggan, hindi ko naisip na darating ang araw na ito na magiging nobya niya ako sa loob ng tatlo buwan. Akala ko habang buhay ko lang itong hahanggan mula sa malayo.

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawang palad ko sa kilig, excited na ako Kahn!

***

"Ahm.. Miss Masalanta? Hehe, ok lang po ba kayo?" umiikot ang paningin ko, at nakadukdok ang mukha ko sa table ko.

"Ma'am, hindi po ba nakagat kayo ng zombie? Kasi mukhang malapit na po kayong mag transform bilang isang zombie? Isang linggo na po kayong ganyan, gusto mo po ba ng utak---este kape po?" takot at halatang nag-aalalang sambit ni Noi habang nakatayo sa gilid ng table ko.

Nakanganga lang ako at tulala habang hinang-hinang nakaupo at dukdok ang mukha sa table ko, tama siya isang linggo na akong ganito sa opisina.

Dahil isang linggo na ang nakalipas at wala pa 'rin nangyayari sa pekeng relasyon namin ni Kahn, ang sabi ko susulitin ko ang bawat araw ng tatlong buwan na iyon pero halos matatapos na ang isang buwan, wala pa 'rin kahit isang conversation with Kahn.

Kasi naman, bakit ba may one week training siya sa Cebu!!!

Flashback one week before

"Good Morning, ma'am Masalanta." Bati ni Noi pagpasok ko sa unit namin, Tumango ako sa kanya at bumati pabalik, "Good Morning," nakangisi kong tugon, kasabay non ay ang malakas na pagsinghap ng mga tao dito sa unit namin, kasama na si Boss Bingo.

Tumigil ako at tiningnan silang lahat, halos hindi maipinta ang mga mukha nila. Bakit anong nakakagulat? "May problema ba?" seryoso kong tanong, pero gulat pa 'rin ang mga mukha nila.

"Ma'am, ngayon lang po kita nakitang ngumiti at bumati ng good morning!" hindi makapaniwalang sambit ni Noi, dahil doon kumunot ang noo ko, oo nga pala, masyado akong good mood ngayon at nakalimutan ko ang image ko sa opisina.

"Hindi ako ngumiti, masakit lang ang pisngi ko kaya ako napangisi, ganito oh," gumawa ako ng mga nakakatakot na expression, dahilan upang mapaatras ito at nagsibalikan silang lahat sa trabaho dahil sa takot.

"Kape po?" tanong ni Noi sa akin, tumango lang ako at pagupo ko, ngumiti ako at nagsimulang nagtrabaho. Sumilip pa ako sa maliit na salamin sa table ko at inayos ang buhok ko.

Mamayang lunch, siguradong magkakasalubong kami ni Kahn sa hallway kaya hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko. Mabilis akong kumilos at tinapos ko lahat ng trabaho ko sa loob ng tatlong oras. 11 pm, tapos na ako kaya nag-ayos na lang ako ng buhok habang hinhintay ang 12 pm para sa lunch break.

She knows the BetWhere stories live. Discover now