CHAPTER 13

52 3 0
                                    


That vacation was bitter sweet. Mas nauna kaming umalis sa boracay ni Tan , dahil halos buong gabi akong umiyak after ng nangayari sa kayak, mas pinili namin mauna bumalik ng manila sa kanila.

I just texted Kahn, that day and now monday na naman, ibig sabihin papasok na naman sa office and makikita ko na naman si Kahn, kailangan ko siyang iwasan. Dahil hindi pweding lumala itong nararamdaman ko kasi baka pag hinayaan ko ito dumating ako sa point na ako na ang mahihirapan umalis dahil sa sarili kong kagagawan.

Isang malalim na pagbuntong hininga ang aking pinakawalan bago ako pumasok sa building ng kumpanya, palihim na humihiling na hindi muna magtagpo ang landas namin ni Kahn ngayong araw dahil hindi ko pa alam kung paano siya haharapin.

Pumasok na ako at naglakad papunta sa elevator, pagpasok ko magsasara na sana ito ng may kamay na pumigil dito. Tumigil sa pag tibok ang puso ko at nanginig ako sa takot sa pag-aakalang si Kahn iyon, pero ng bumukas ang pinto.

Si Toledo ito. Tumabi ako sa gilid para sa kanya, tumayo siya sa tabi ko at nang makita ng dalawa niyang ulupong na nandito ako imbes na pumasok sa loob, "Ah, maghahagdan na lang kami haha," sambit nito at hinila ang isat-isa.

Nagsarado ang pinto at tahimik lang kaming dalawa ni Toledo, nakarating kami sa floor ng unit namin ng hindi nag-uusap, nauna ako lumabas, "Masalanta." tawag nito sa akin kaya tiningnan ko siya, pero biglang lumitaw si Kahn.

"Noe." tawag nito sa akin, dahil nga umiiwas ako, hindi ko ito tiningnan at nagpanggap na hindi ito naririnig, nakita ko ang naguguluhang mukha ni Toledo, palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa papalapit na si Kahn.

Bago pa makalapit ng tuluyan si Kahn sa akin, tinawag siya, pero diretso pa'rin ang tingin nito sa akin. Panay ang iwas ko, ayaw kong bumigay Kahn. "Hirano, tawag ka na sa head office." muling pagtawag sa kanya.

"Susunod ako." sagot ni Kahn, "Hindi pwede, sabi ASAP!" gusto pa akong lapitan ni Kahn pero wala siyang choice kung hindi sumunod doon, nang tumalikod siya, dali-dali an 'din ako umalis at iniwan ang tulalang si Toledo sa elevator.

Pag upo ko sa table ko, nakatanggap ako ng text kay Kahn.

From Kahn,

May meeting kami for managerial position, mukhang ibibigay na nila sa akin. Kaya kailangan ko pang tapusin ang isa na lang na training pag balik ko bukas, date tayo.

Humigpit ang paghawak ko sa phone ko habang binabasa ito. "Ma'am." lumingon ako kay Noe na nakasuot ng pang lamay na itim na dress. "Hindi ka pa naka move on?" seryoso kong tanong sa kanya, ayun umiyak ulit.

Bale, ako lang din ang gumagawa lahat ng trabaho niya the whole day. Pinilit kong mag focus sa trabaho buong araw at umuwi ako sa bahay na wala si Tan. May lakad daw ito kaya solo ko muna ulit ang kwarto ko.

"Malapit na itong matapos, Noe, malapit ka na 'ring umalis. Hanggang dito lang ang lahat." Kahn sorry kung alam ko ang bet.

***

Kinabukasan, inayos ko na ang aking sarili. Malapit na itong matapos, kaya dapat sulitin ko na. Buong araw tinuruan ko lang si Noi, marami na siyang natututunan at halata naman kaya niya ng gawin ang mga bagay sa office ng wala ako.

"Noe," paglabas ko ng unit namin dala ang aking bag nagulat ako ng makita si Kahn na naghihintay sa labas, tinitingnan kami ng mga tao pero parang wala siyang pake at kinuha ang bag ko, bago hinawakan ang kamay ko.

Lahat ng mga babaeng nababaliw sa kanya ay halos mahulog ang panga dahil sa gulat. Tiningnan ko si Kahn at tila hindi man lang ito natatakot sa magiging reaksyon ng mga tao sa paligid.

She knows the BetWhere stories live. Discover now