CHAPTER 11

69 5 0
                                    



Katahimikan, matinding katahimikan ang aming kinakaharap ngayon. Nakaupo kaming tatlo sa isang sikat na cafe dito malapit sa badminton gym na pinaglaruan namin. Katabi ko si Tan habang kaharap ko naman si Kahn, at katabi nito si Hugo. 

“Ahm… so you work abroad?” pinutol ni Kahn ang katahimikan at awkwardness sa aming apat ng subukan nitong tanungin si Tan, na kanina pa busy sa pagkain ng cheesecake na inorder niya. 

“Why care to ask?” pilosopong tugon ni Tan, pasimple kong kinurot ang hita ni Tan sa ilalim ng mesa pero nanatiling seryoso ang aking mukha. 

“Sungit talaga,” nakangising sambit ni Hugo, na naging dahilan ng pag ikot nga mga mata ni Tan. “Eh kung tanggalin ko kaya yang ngipin mo para matigil ka na sa kakangisi, kasi feeling ko cinfident na confident ka sa sarili mo.” Highblood na sambit ni Tan. Imbis na matakot, mas. Tumawa pa ng malakas si Hugo na lalong nagpainit ng dugo ni Tan. 

Napansin ito ni Kahn, kaya sinubo nito ang buong muffin na binili sa nakabukang bibig ni Hugo. “Ack!” Nabilaukan si Hugo na ikinaligaya naman ng bestfriend ko. 

Nagkatinginan kami ni Kahn my loves, at hindi ko napigilan tumawa kasama siya. Nagtawanan lang kaming tatlo habang umuubo si Hugo. Sobrang saya at genuine lang ng lahat ng ito. Hindi ko kailan man na isip na mangyayari ito. Thank you sa bet niyo, Toledo. 

***

Sa sumunod na araw, nanatili lang kami ni Tan sa bahay at isang buong araw niyang tiniis ang pagdadaydream ko kay Kahn. Walang tigil kong ikinukwento sa kanya ang pakiramdam ko nung kasama namin sila sa laro. 

Hanggang sa nakatulugan niya na ako, kaya wala akong choice kung hindi sumunod na din at gumising na lang ako kinabukasan na monday na at kailangan ko na ulit pumasok sa office at turuan si Noi. At syempre ang makita muli si Kahn sa hallway.

“Wag kang masyadong halata, missy,” napalingon ako kay Tan nag lumabas ito sa kwarto, kakagising lang nito at sinusungitan na ako agad. “Anong sinasabi mo dyan,” ani ko, habang inaayos ang aking buhok sa harap ng salamin. 

“Hindi ka ganyang pumasok sa opisina, halatang mukhang in love ka.” 

“Bakit hindi ba?” Nakangiti kong sambit na lalo niyang ikinabad mood. Alam ko kung paani siya patahimikin, kaya pinagpatuloy ko ma ang pag-aayos at tumuloy na sa opisina. 

Sa sobrang good mo ko, walang hassle sa pagsakay ng jeep papunta sa kumpanya, para bang sumasangayon sa akin ang panahon at binibigyan ako ng magandang araw. 

“Hmmm, hmmm la la.” Seryoso ang aking mukha pero palihim akong kumakainta sa aking isipan.  Inayos ko pa ang buhok ko sa reflection dito sa loob ng elevator at pagbukas nito. 

Nawala ang ngiti sa aking labi, dahil si Toledo at ang mga alipores niya ang sumalubong sa akin. “Masalanta,” sambit nito. 

Hindi ako umimik at tiningnan ko lang ito ng seryoso bago naglakad at nilagpasan siya kasama ang alipores niya. Nakakasira parin ng araw ang mukha ng ulupong na iyon pero thank you dahil ginawa mo yung bet. 

***

Toledo’s POV 

“Boss, ok ka lang ba magsasara na yung elevator.” Bumalik ako sa aking sarili ng tapikin ang aking braso. Doon ko lang na realize ang nangyari sa akin, bakit ako natulala? Lumingon ako at pinagmasdan ang naglalakad na si Masalanta sa di kalayuan. 

Anong kakaiba sa kanya? Bakit parang gumanda siya? 

Napasinghap ako ng biglang tumibok ang puso ko. Ano ito!!!

“Boss? Anong nangyayari sayo?!” Lumapit ang mukha nila sa akin at sinabi, “Boss namumula ka,” hindi ko na pinatapos ang sasabihin nila at pinag unotg sila bago, itinulak palabas ng elevator ako at lang ang pumasok. 

“Boss?”

“Gamitin niyo yung hagdan, naalibadbaran ako sainyong dalawa!” Pagkasara ng elevator napahawak ako sa aking dibdib. Ano ito? 

Paulit-ulit nag reply sa isip ko yung paghuli ko sa palaho niyang ngiti. Ngumiti siya!

“Hehe,” wala sa sarili akong natatawa dahil sa ganda ni Masalanta pero biglang bumukas ang elevator at si Kahn ang lumitaw. Pumasok ito at inayos ang kanyang suot na necktie. 

“Hirano—-,” hindi ko pa natatapos ang unang salita ko nang pinangunahan niya na ako agad. 

“Itigil na natin itong bet, Toledo, hindi ko kayang saktan si Miss Masalanta.” Diretso niyang ani at bumukas ang pinto, sabay labas niya at hindi na ako muling nilingon. 

Bigla akong nakaramdam ng inis, “Hindi ako papayag, Kahn!” 

***

Kahn’s POV

“Chigo, hello? May kausap ba ako?” 

“Ano?” Sagot ko, “Sira, kanina pa ako kwento ng kwento dito parang wala ka naman pake, ano ba nasa isip mo?” Tinignan niya ako ng diretso sa mga mata at sinabi, “Wag mong sabihin na nahuhulog kana kay Miss Masalanta?!” Lumabas ang mapang-asar nito ngiti at binato ako ng unan. 

“Hindi ko alam, ayaw ko nang ituloy yung bet, ayaw kong saktan si Noe, kasi…”

“Kasi mahal mo na siya hahaha, my bro is freakin in love, bro kung ako sayo chico, you better stop and confess everything to her bago pa mahulinang lahat at masaktan mo siya ng tuluyan.” Alam ko. 

I bit my buttom lips and nodded, this has to stop. 

Kinabukasan maaga akong pumasok at pagbukas pa lang ng elevator si Toledo agad ang sumalubong sa akin. 

“Hirano—-,” hindi ko na hini tay ang susunod niyang sasabihin at nagsalita na agad.

“Itigil na natin itong bet, Toledo, hindi ko kayang saktan si Miss Masalanta.” Sambit ko at eksakto namang bumukas ang pinto ng elevator. Umalis ako at dumiretso sa unit namin. 

“Kahn.” Pero bago pa ako pumasok, tinawag ako ni Noe. Nagtagpo ang aming mga mata at hindi ko maisawang hanggan ang angking ganda nito. 

“Miss Masalanta,” ani ko, ngumiti ito at tila tumigil sa pagtibok ang puso ko.

“Coffee para sayo.” Inabot niya ito sa akin. Tinggap ko ito at buong tapang na nagsalita. “Mamaya may sasabihin ako sayo.” Tumango siya at nakangiting umalis. 

Pinagmasdan ko ang coffee na ibinigay niya bago pumasok sa unit namin at umupo sa office ko. “Sir Hirano, ipinabibigay po ni Boss Quirino.” 

“Salamat.” Lumabas na ang assitant ni Boss Quirino at binasa ko ang letter na ibinigay nito. Nawala ang ngiti sa aking labi ng makitang sulat ito na may nag rereklamo sa akin at nais akong ipaalis sa managerial training ko. 

Hindi maari. 

Napalingon ako sa phone ko ng makatanggap ako ng text mula sa unknown number. 

From 09*********

Hindi ka pwedeng umatras sa Bet natin Hirano, tapusin mo ito or say bye to your managerial spot.

-Toledo

She knows the BetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon