CHAPTER 12

43 0 0
                                    


Noe's POV

From Kahn,

May sasabihin ako sayo later, hintayin kitang umuwi.

Kinagat ko ang ibaba ng aking labi at palihim na ngumiti habang binabasa ang text ni Kahn mahal ko sa akin, bakit bigla akong naging excited sa uwian.

"Ma'am, ok ka lang po ba?" tanong ni Noi, kaya bumalik ako sa aking sarili at seryosong mukha bago siy

Hindi pa tapos?! "Wahhh!! Bugger mahal na mahal kita!!!" hindi na ako tumuloy sa table ko at paatras na lumapit sa pinto palabas ng unit, magkakape muna siguro ako.

Paglabas ko ng pinto, bumangga ako sa tanong dadaan, "Ay, sorry." ani ko, at nang marealize ko kung sino ito agad akong tumayo ng tuwid at tiningnan siya gamit ang aking blankong mukha."

"M-Masalanta." nauutal nitong bigkas sa aking apliyedo. "Toledo." tugon ko. Kumunot ang noo ko ng unti-unti siyang namumula, as in sobrang pula bigla ng mukha niya. "Anong nangyayari say—," hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Noe," parang musika sa aking pandinig, limingon ako sa aking likuran at nakita ko si Kahn, sobrang gwapo, yung puso ko nanghihina. Lumapit siya sa akin na tila parang may takot sa kanyang mga mata. Teka bakit may ganun?!

"Kahn." hindi ko mapigilan ang kilig ng tumayo siya sa tabi ko. Tiningnan niya si Toledo na may guhit ng galit sa kanyang napakagandang mga mata. Nanglinunin ko si Toledo namumula pa 'rin ito pero bumusangot siya, "Tabi nga!" mataas ang boses nitong sambit at hinawi ako para makadaan.

Nawalan tuloy ako ng balanse at sinalo ako ni Kahn, nagkalapit ang aming mga mukha, at mas lalo kong napagmasdan ang gwapo nitong mukha. Yung mamula-mula nitong labi, hindi ko namalayan kakatitig ko sa kanya, ay ngumunguso na pala ang labi ko na parang may sarili siyang isip.

"Ahm, dapat ba kitang kiss?" natatawang tanong nito sa akin sabay tingin sa aking labi at ngumisi. Shet ang gwapo! Napahawak tuloy ako sa garter ng aking panty para hindi ito mahulog at agad tumayo ng tuwid pero nakanguso pa rin ako.

"Hindi nagpra-practice kasi akong maging pato, bye, see you later!" ani ko sabay takbo papuntang restroom!

Pagsara ako ng pinto nahagip pa ng mga mata ko ang tumatawang si Kahn. sumandal ako sa likod ng pinto at tinakpan ang aking mukha. "Ahhh!!!" nakakahiya ka Noe!!!

***

Uwian na, mabilis akong bumababa ng building at paglabas ko sa lobby, ang sasakyan agad ni Kahn ang sumalubong sa akin. Ngumiti ako at pinanood siyang bumababa mula sa driver's seat at pinagbuksan ako ng pinto.

Nakita ko ang pagharang niya ng kanyang kamay sa pinto para hindi ako mauntog, at sinara niya ito bago bumalik sa driver's seat. Nakangiti siya at ganun din ako, mas nagiging komportable na akong ngumiti sa company niya.

Siya lang ang nakakagawa nito sa akin maliban kay Tan at sa pamilya ko. "How's your day?" tanong niya ng simulan nang magdrive. "Ok lang naman, natututo naman agad si Noi sa mga tinuturo kong trabaho sa kanya, ok na siya pag iniwan ko siya alam kong kaya niya na yung trabaho k—," natigilan ako, shet nasobrahan ako sa pagchika!

Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Iiwan?" tanong nito, shet!

"Ahh, oo iiwan para pag lumalabas ako kaya niya na asikasuhin si Mr. Soledad," pagpapalusot ko. Tumango-tango siya at tila parang naginhawaan sa aking sagot. Hehe, sorry Kahn, hindi ko pweding sabihin sayo na aalis ako dahil ito lang ang meron ako pagdating ng araw na tapos na ang bet.

"About pala sa text mo ano yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya, kasi napapansin kong papalapit na kami sa sakayan ng jeep. Natigilan siya ng ilang saglit, tila nag-iisip bago siya sumagot.

She knows the BetWhere stories live. Discover now