CHAPTER : 1

40 3 0
                                    

***


Mainit.


Maaliwalas.



The sun peeked jovially beneath the clouds as tiny birds flew above. The soft hymn of the wind passed by, leaving a trail of chills. Leaves from the huge trees inside the campus danced as the wind roamed within.




Ang ilang dahon ay nahuhulog na tila hindi na masyadong malakas ang kapit sa kinabibilangan nitong sanga. The dry leaves fell off to the ground and were immediately brushed off by the janitor who passed by.



“Gandang bungad sa college naman nito. Terror na prof sa major sub. Ayos.” Si Nack na nakakrus ang mga braso sa dibdib ang bumasag sa katahimikan. “Mapapalaban ako nito, ah.”



Bahagyang humalakhak si Kylene sa tabi.”Third week pa natin ngayon pero ramdam ko na ang simoy ng tres.”




Kasalukuyang nakatambay kami ngayon sa labas ng Graduate School Building. Ang mga kasama ko ay ang mga kagrupo ko sa major sub. Reporting agad next-next week kahit pa nakakalito at hindi pamilyar sa amin ang mga topics.




No one dared to ask since we fell into the hands of a terror professor. Freshmen moments nga naman. Naalala ko pa kung paano kami namutla kahapon.



Tirik na tirik ang araw at mukhang napakasakit ng init kapag tumatama sa balat. It’s almost noon and we only have one class today. Sa Philippine Constitution, ngayong ala una.



Naglunch na kami at ang hinihintay na lang ay ang class mayor para alamin kung saang building at exact classroom kami ngayon tutungo para sa klase namin. Hindi ko alam pero hindi nasusunod ang designated classrooms na nakalagay sa aming  COR.



Siguro ay dahil sa dami ng estudyante kaya ganito ang sistema. May bagong 7-storey building na under construction sa harap ng Educ building kaya sa tingin ko ay hindi na maging ganito ang routine namin kapag natapos iyon at pwede ng gamitin.




Second meeting namin ngayon ng professor sa subject na ito.Pero di tulad sa prof namin kahapon sa major sub, hindi terror si Sir Tom at magaan ang atmosphere sa tuwing nagkaklase kami.Lagi siyang may baong joke.Tatawa na lang din kami at baka mamaya ay i-flat uno niya ang sino mang natuwa sa mga biro niya.



“Ang tagal ni Mayor. Nagugutom na ulit ako.” Rubelyn pouted, rubbing her stomach.



Si Wendy na katabi niya ay binatukan siya.“Ano ba naman 'yang tiyan mo, Rubelyn?"



Sinamaan siya ng tingin nito.
Nagbabangayan pa ang dalawa ng ilang minuto.Kalaunan ay umalis din dahil ayaw talaga paawat ni Rube at ng tiyan niya.Sumama si Kylene sa dalawa at si Nack ay nagpapasabay sa kanila ng Piattos at iced coffee.Lumingon siya sa banda namin.“May ipapasabay kaayo?Snack?"
Water?"



Hannah and Christine, who's sitting beside me, shook their heads. Si Diane ay minabuting sumama na lang para siya na mismo ang pipili ng gusto niyang kainin. Umiiling nalang din ako dahil ayokong gumastos. Busog pa rin naman ako.Kakatapos lang kaya naming maglunch.



Nagpaalam si Nack Jade na pupuntang comfort room.Lima kaming naiwan dito sa labas ng graduate school building . Yung dalawa naming classmates ay nakaupo medyo malayo. Mukhang mga mailap sila.



Hindi ko rin naman masyadong close si Hannah at Christine pero mabait naman sila. They usually initiate the talking even though I felt awkward.Well, it usually takes months for me to be comfortable around people.




Staying Between Uncertainties : CTU Series #4Kde žijí příběhy. Začni objevovat