CHAPTER : 4

25 1 0
                                    

---

"Max!"



Tumigil ako sa pagkusot ng nilalabhan ko dahil sa kung sinong biglang tumawag sa'kin.I sighed when I saw Clark, our neighbor.Nasa labas siya ng gate namin habang nakaangkas sa kaniyang bisikleta at ngumunguya ng bubblegum.Siguro ay galing na naman ito sa pakikipagpustahan ng ML.



He's grinning from ear to ear."Magsisimba kayo mamaya?Sama ako!"




Simula noong lumipat kami dito ay ganiyan na siya.Nalaman niyang kada Linggo kaming nagsisimba ni Mama kaya sumabay na rin siya.Sa kabilang bloke lang sila nakatira.Siya lang din ang naging malapit sakin dito.



I nodded in response and continue what I'm doing."Sige.Sasabihin ko kay Mama.Pero sa Basilica kami magsisimba mamaya."



"Aba!Mabuti nga.Ipagdadasal ko kurso ko!" he gleefully clasped his hands.



Second year na dapat itong si Clark pero nagshift siya ng kurso at hindi na tinapos ang first semester sa pagma-marine.Lumipat siya ng criminology dahil sabi niya ay mas bagay raw sa kaniya ang humawak ng kalibre ng baril kaysa sumampa sa barko.Kaya ngayon, nagtitiis siya sa pinakakinaiinisan niyang buzzcut na gupit para lang mairaos ang kurso niya.



"Anong oras kayo magsimba?"

"Alas kwatro mamayang hapon."



Napatango-tango siya tsaka hinawakan ang manibela ng bisikleta niya."Sige, uwi muna ako.Nagugutom na ako, e."



I rolled my eyes and turned on the faucet."Puro ka kasi ML.Gutom talaga mapapala mo dyan."




"Sorry po Mama." He made a face and stuck his tounge out."Oy,bilisan mo dyan.Ililibre kita.Nanalo ako, e."




Hindi ko siya pinansin.Laging ganiyan kapag nanalo sa liga o ML.Ililibre niya ako ng pagkain kahit pa ayaw ko.




"Bilisan mo dyan,Max!Baka magbago pa isip ko," panggagago niya tsaka kinawayan ako at umalis.



Sinundan ko siya ng tingin.Siraulong lalaki.Nagpatuloy ako sa aking ginagawa dahil mataas na ang sikat ng araw.



Sobrang bigat ng katawan ko kahapon kaya hindi ako nakakapaglaba.
Ngayon ay isang laundry basket ang nilalabhan ko pati na ang ibang damit ni Mama.Nakakapaglaba na rin siya kahapon ng ibang damit niya at ng mga damit ng magaling kong ama.

Speaking of ......


"Maxine!Anong ulam?!"



Napabuga ako ng hangin dahil sa lakas ng boses ni Papa.Tanghali na at mukhang kakagising pa lang niya.Si Mama ay may trabaho at kanina pa umalis kaya ako ang naiwan dito.
Paborito talaga ako ng kamalasan.
Dear Heavens know how much I wish na sana may klase kami kahit Linggo para naman di ko makita si Papa.



Dumiretso ako sa kusina at naabutang nakapwesto na si Papa sa hapagkainan at may binabasang lumang newspaper.Magulo ang kaniyang buhok at gusot ang damit.I shook my head.Binuksan ko ang ref at kinuha ang left-over na ulam kagabi.Ininit ko ito pagkatapos ay hinain para makakain na si Papa.




Agad na nilantakan ni Papa ang pagkain habang nilinis ko ang mga gamit sa sink.
"Pagkatapos mong maglaba, hugasan mo ang mga pinggan at maglinis ka ng bahay.Aalis ako at mamayang hapon pa ako uuwi."He harshly demanded.




Kahit pa naiinis ay tumango nalang ako.Mabuti nga yun para makapagrelax ako ng kunti dito sa bahay mag-isa."Magsisimba rin kami ni Mama mamaya."
May report pa rin akong pag-aaralan para bukas.Nasapo ko ang aking noo.




Staying Between Uncertainties : CTU Series #4Where stories live. Discover now