CHAPTER : 2

26 2 0
                                    

***

"Sorry talaga, dam. May emergency lang talaga kaya hindi kita masasamahang maglunch.Sorry talaga."



Kakatapos lang ng klase namin sa Art Appreciation at saktong tanghalian na. Asshey and I agreed last night through chat that we'd have lunch together today, sa may kainan sa harap lang ng university.



Pero mukhang hindi ata matutuloy dahil may inaasikaso pa siya.Tinawagan lang niya ako para ipaalam na hindi siya makakapunta dahil may importanteng gagawin siya.



"Sorry talaga, dam," she sounded guilty.



Napabuntong hininga ako.She shouldn't be.Hawak-hawak ko ang strap ng aking shoulder bag habang papalabas ng gate.Natigil lang ako dahil maraming estudyante ang papalabas din at nauna sakin."Ayos lang, dam.Unahin mo muna kung ano man ang ginagawa mo.May ibang araw pa naman."



She still said sorry.Naguguilty daw siya dahil siya pa ang nag-iinsist pero hindi naman natuloy.Babawi lang daw siya sa susunod at magstress eating daw kami sa Carbon.Duda ako.Mukhang bulsa ko ang mastress kung ganon.Napanguso ako. Mukhang kakain ako ngayong mag-isa.




Dahil nga at buong akala ko'y kasabay kong maglunch si Asshey, hindi na ako sumama kina Rubelyn nang mag-aya sila.




"Hindi ka talaga sasama, Max?"



Umiling ako. "Yung kaibigan ko, sabay daw kami ngayon maglunch.Pasensya na."



"Bakit, Max Alcarza?Hindi mo ba kami kaibigan at ayaw mong sumama samin?Ganyan ka pala?"pagdadrama ni Nack Jade at may pahawak-hawak pa sa dibdib niya na akala mo'y nasasaktan.I gave him a deadpan look.




"Hindi ka na naman ata nakainom ng gamot mo, Nack,"walang buhay na sabi ni Christine na tila pagod na sa kadramahan ng katabi niya.




I pouted."Di'ba sabi niyo magmemeryenda kayo mamaya after class natin?Mamaya, sasama na ako sa inyo.Promise."



"Naku, huwag na.Nakakainis ka na!"Bwelta ulit ni Nack.




"Nack, I think you should take your meds…"Rube said.



Natikom ko nalang ang aking bibig.Natutuwa akong magaan silang kasama at nagawa na nila agad na magbibiruan.Siguro naman hindi magiging mahirap ang buhay kolehiyo ko.




Kanina pa sila umalis at hindi ko alam kung saang karinderya sila pumunta.Napabuntonghininga ako.
Wala akong choice.Kakain akong mag-isa sa labas.



Isang order ng giniling na baboy at Mountain Dew ang inorder ko sa counter.Nanunubig ang bagang ko sa iba pang ulam na nakadisplay sa estante ng karenderya pero dahil in tight budget ako, nilubayan ko ang mga iyon.Dumiretso ako sa loob, dala-dala ang plato at soft drink para maghanap ng bakanteng upuan.




Pinagpapawisan ako pagkaupo ko sa napili kong pwesto sa may sulok dahil sa init ng panahon.Punuan na ang mga karinderya na nasa harap ng campus kaya dito ako napunta sa kabilang eskinita.Dahil pasado alas dose na kaya naabutan ko ang dami ng customers.


Marami ding estudyante dito at kapwa ko Technologist na kumakain.I can't help but get anxious. May mga kasabay silang kumain habang mag-isa lang ako dito sa gilid.Well, I don't mind being alone but it's just that I have this feeling na hindi ako mapalagay lalo na at mag-isa ako sa isang public place na wala akong mukhang nakikilala.Ewan ko ba.




Nilagay ko ang bag ko sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.Kukunin ko nalang kung sakaling may uupo man. I know na dadami pa ang customer dito mamaya kaya mabuting bilisan ko nalang kumain para makaalis na.Ang ingay pa ng paligid.



Staying Between Uncertainties : CTU Series #4Where stories live. Discover now