CHAPTER 1

9 4 4
                                    

"24 nga kasi ang sagot sa problem na 'yon!"

"hindi nga, 27 nga 'yon ilang beses 'ko pa bang sasabihin sa'yo?! kahit tingnan mo pa 'yung formula na ginamit 'ko."

"wala akong pake basta 24 ang sagot 'ko! tingnan nalang natin kung sino ang b*bo sa'tin!"

"fine, let's see then."

ganito kami palagi ni Sachiko, bangayan dito, bangayan doon. minsan kapag hindi ako nakakapagpigil nasasampal 'ko nalang siya bigla sa sobrang inis 'ko. palagi kaming nagsisigawan at nag-aaway everytime na may pinapasagutan ang prof.

"hoy t*ngina niyo ang aga-aga sigawan kayo ng sigawan diyan rinig na rinig kayo sa kabilang classroom!" sabi ng treasurer namin na mukang naiinis.

"tsk, it's not my fault. siya 'yung unang nakipag-away sa'kin dahil lang sa sagot niyang mali." sabi ni Sachiko na kinakunot ng noo 'ko.

"hoy excuse me! ikaw kaya 'tong unang lumapit sa'kin. atsaka hindi mali 'tong sagot 'ko 'no, kahit l*munin mo pa 'tong papel 'ko, tama pa rin 'yan." sigaw 'ko sakanya.

akmang may sasabihin pa sana siya nang biglang pumasok si ma'am castro. agad naman akong bumalik sa aking upuan.

ilang minuto na rin ang nakalipas nang biglang tumunog ang bell at recess na! ang favorite subject 'ko. haha joke.

palabas na sana ako ng room pero nakita 'ko naman ang isang kurimaw na 'to na tumatawa sa gilid.

"HAHAHAHA" tawa nito na mukhang nang-aasar.

"so, sinong b*bo sa'tin ngayon?" saad nito at nilapitan ako na tumatawa pa rin.

"sabi 'ko sa'yo eh, mas matalino ako, hindi ka pa kasi naniwala na 27 ang sagot do'n!" sabi nito na kinainis ko. nakakainis talaga 'tong babaeng 'to sana hindi ko nalang siya naging kaklase.

aalis na sana ako nang bigla niya akong hinarangan.

"ops, wala ka man lang bang sasabihin? nagsayang lang ako ng laway dito kaka-dakdak pero hindi mo manlang ako iimikin?" ano ba naman 'tong taong 'to, sarap tirisin.

"ano ba, umalis ka nga sa daraanan 'ko." sabi 'ko rito at sinamaan ng tingin.

"atsaka sino ba nagsabi na magsayang ka ng mabahong laway sa harap 'ko? ha? alisin mo nga 'yang pangit mong pagmumukha sa harapan 'ko, nasisira araw 'ko sa'yo eh." sabi 'ko rito at biglang nagwalk-out. kita ko naman siya sa peripheral vision 'ko na tumatawa pa rin.

nakakainis talaga siya. palagi nalang siyang ganito sa'kin, ewan ko ba basta naiinis buong pagkatao 'ko sakanya.

oh btw i am Rhylie Rain Santos, Rhylie nalang para maiksi. 17 years old. maganda, maputi, matangkad at especially, matalino. meron akong isang kaklase na halimaw sa recitation pero pabigat sa mga groupings, charet. basta ang alam 'ko naiinis ako sakanya, that's it.

siya ay si Sachiko Kiel Watanabe, Sachiko for short. 17 years old. ang pinakahambog sa lahat ng aking kaklase. sabi ni na mayaman daw ‘to‚ pero wala akong pake. duh! ‘bat sa public school nag-aaral? tsk! btw siya rin ang pinakapangit sa paningin 'ko. and also, she's my academic rival. simula noong grade 8 kami na talaga ang magkalaban when it comes to acads. she's also the class president duh. aaminin 'ko, hindi sapat ang intelligence ko para malamangan siya, ang talino niya kaya, pero mas matalino ako. duh.

"hoy Rhylie kanina ka pa nakatulala riyan, hindi mo na nagalaw 'yung pagkain mo." sabi sa'kin ni yana, bff ko.

"tsk nakakainis kasi si 'yang Sachiko na 'yan." sabi 'ko at inirapan ang babaeng 'yon ng makita 'kong nakatingin sa akin at tumatawa. kumakain din kasi siya sa harapan ng table namin.

The DareWhere stories live. Discover now