CHAPTER 2

7 2 0
                                    

“hindi naman ‘yan nakabatay kung paano ka mag-aral, kung hindi ka natutulog. depende ‘yan mismo sa’yo, kung hindi mo talaga kaya, ‘wag mong pilitin, atsaka baka makasama pa sa kalusugan mo ‘yan. Rhylie, ‘wag mong pilitin ‘yung katawan mo, kung ano lang ‘yung makayanan, iyon na ‘yon. lahat ng ginagawa mo ay enough basta ginagawa mo ‘yung best mo, that's enough. actually i’m very proud of you nga eh.”

nagulat ako nung sinabi niya na proud siya sa’kin. siya pa lang kasi ang nagsabi sa’kin no’n, kahit magulang ‘ko hindi ako simasabihan no’n eh, palagi nalang “pagbutihin mo pa sa susunod”, o “dapat tuloy tuloy ‘yan, hindi pwedeng hindi.”

“p-proud? saan?”

“uhm wala, i’m just proud of you for being you.” sabi nito at tumayo.

“tara na? baka hinahanap na tayo nila ma'am.” dagdag niya at inilapat ang kamay niya.

kinuha ‘ko naman ang kamay niya at tumayo. bumalik na rin kami sa classroom at pinunasan muna ang mga luha ‘ko. hindi ‘ko alam na she's good with words. lahat ng sinabi niya ay tumatak sa utak ‘ko.

i didn't know this side of her.

pagbalik namin sa classroom ay hindi ‘ko pa rin makalimutan ‘yung mga sinabi niya sa’kin. her words really affect me. nakatulala lang ako nang biglang magsalita si yana.

“uy, bakit ang tagal niyo? atsaka bakit kayo magkasama ni Sachiko?” saad niya ng may pagtaas pa ng kilay.

“a-ah wala, coincidence lang na magkasalubungan kami, and ayon, nag-usap kami saglit.” sagot ‘ko.

“eh kaninong panyo ‘yan?” tanong nito at tinignan ang hawak ‘kong panyo. nakalimutan ‘ko palang ibalik.

“kay Sachiko, nakalimutan ‘ko lang ibalik. pinahiram niya sa’kin kanina kasi umiiyak ako. atsaka lalabhan ‘ko muna bago ‘ko ibalik.” sagot ‘ko at nilagay sa bag ang panyo.

matapos ang usapan namin ni yana na iyon ay biglang dumating ang next subject namin. agad akong nag-ayos at tinignan ang mata ‘ko kung namamaga pa.

paglipas ng ilang araw, naging close kami. simula nung araw na ‘yon ay doon kami nagsimulang maging magkaibigan. unexpected nga eh haha. mabait naman pala siya kapag kinaibigan, minsan tinuturuan niya pa ako kapag nahihirapan ako sa ibang subject.

“halika rito, tururuan kita.”

“saan ka ba nahihirapan para mapaliwanag ‘ko sa’yo?”

“kailangan mo ng tulong?”

‘yung dating nagbabangayan at nag-aaway, mag bestfriends na ngayon. aaminin ‘ko, masaya siyang kasama.

“Rhylie, sabay tayo mag lunch” saad ni Sachiko.

“ah, next tim-” naputol ang pagsasalita ‘ko ng biglang magsalita si yana.

“uy Rhylie, sige na sabay na kayo ni sachi, may una na ‘ko sa canteen! bye bff” sabi nito at dali-daling umalis. bago siya umalis ay kinindatan niya muna ako. s*raulo talaga.

“ah sige, tara” sabi ‘ko sa kanya at ngumiti naman ito. ang cute niya ngumiti, may dimples. ay joke lang. ano ba Rhylie hindi pwede ‘yan!

weeks passed, mas lalo kaming naging close ni Sachiko. minsan sabay kaming umuwi dahil parehas lang naman ang daanan ng bahay namin sa bahay nila. minsan may mga nakakakita samin na sabay kaming umuwi, shiniship pa kami ng mga kaklase namin. Tsk! Mga adik nga e, parehas kaya kaming babae and I'm straight, duh!

“ikaw ah, napapadalas ang pagsabay niyo ni sachi pag-uwi. kayo na ba?” tanong ni yana na may pang-aasar pa.

“t*ngina mo, kasalanan ‘ko bang parehas lang ang dadaanan ng bahay namin tsaka I'm not bading, duh.” sabi ‘ko at binatukan siya, mahina lang naman hehe.

The DareWhere stories live. Discover now