CHAPTER 7

2 2 0
                                    

DAY 4.

still Rhylie’s pov;

andito ako ngayon sa room, kakarating ‘ko lang din. sa wakas, last day na bukas. matatapos na ang deal namin nung Sachiko na ‘yun. pero nag-iisip pa rin ako kung paano ‘ko sasabihin kila mama ‘yon, natatakot kasi ako na baka magalit sila sa’kin.

“teh, ang aga mo yata ngayon?” singit ni yana na kakarating lang.

“trip ‘ko lang.”

“ano nangyari sa’yo? bakit parang umiyak ka? atsaka, bakit ‘di kayo nagpapansinan ni pres?” tanong nito at tinignan si Sachiko na nakatingin din sa’min. hindi ‘ko naman ito sinagot at ibinaling na lamang ang tingin sa bintana.

“uy, bakit ‘di ka nagsasalita? may nangyari ba sainyo?”

“w-wala. atsaka ‘wag mo nga akong tanungin tungkol sa kanya, nasisira araw ‘ko.” malamig na saad ‘ko.

“okay, sure ka ah? walang nangyari sainyo. kung may problema ka sa kanya sabihin mo lang sa’kin. pwede naman naming itigil ang deal niyo.” napatingin na lamang ako sa kanya at hindi na muling umimik. maya maya ay may naramdaman akong humawak ng balikat ‘ko.

“goodmorning.”

tinignan ‘ko kung sino ito, si luis lang pala. agad ‘kong inalis ang kamay niya sa balikat ‘ko. ang uncomfortable kasi pag may humahawak sa balikat ‘ko.

“badtrip ka yata ah, ang aga aga.” saad nito at umupo.

“wag mo munang kausapin, baka mamaya hindi mo na masilayan ang mundo ulit.” bulong ni yana kay luis. ang t*nga naman nito bumulong. rinig na rinig ‘ko pa. tinignan ‘ko naman ulit si Sachiko na nagbabasa ng libro. hindi ‘ko talaga alam kung bakit ako tingin ng tingin sa kanya. gusto ‘ko na nga ba siya? o naguguluhan lang ang isip ‘ko? fvCk mapapabigay pa yata ako ng 1k ng wala sa oras.

“cr muna ‘ko.” saad ‘ko kay yana at umalis. hindi ‘ko na hinintay ang responde niya at umalis na agad ako.

pumunta na ako sa cr at nagmuni muni muna saglit. hindi pa rin ako makapaniwalang ako itong mahuhulog sa kanya. lahat ng ginawa at sinabi niya sa’kin ay tumatak sa isip ‘ko. sasabihin ‘ko ba ‘to sa kanya? ano? nahihibàng ka na ba? bakit mo naman sasabihin sa kanya ‘yon? atsaka, last day naman na bukas. pwede ‘ko na siyang kalimutan pagkatapos non. pagtapos ‘kong tumambay muna sa cr ay lumabas na ako. hindi ‘ko naman inaasahan na may tao pala sa labas. dire-diretso pa naman ako maglakad, hindi ‘ko ito napansin at nabunggo ‘ko siya at natumba ako.

“hey, are you okay?” saad ng pamilyar na boses.

tiningala ‘ko ito at t*ngina, si Sachiko. agad akong tumayo at hindi tinanggap ang alok niyang kamay. aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan ang braso ‘ko.

“hey Rhylie, tell me what’s the problem.” ani nito. hindi naman ako sumagot at pilit ‘kong hinihila ang braso ‘ko papalayo sa kanya. ngunit hindi ‘ko kaya ang lakas niya. ang higpit kasi ng hawak.

“ano ba bitawan mo nga ako, nasasaktan ako.” pagpupumilit ‘ko sa kanya.

“sabihin mo muna ang problema mo sa’kin hindi ‘yung iniiwasan mo lang ako. ano bang nagawa ‘ko sa’yo para iwasan mo ‘ko?” tanong nito at binitawan ang braso ‘ko. hindi ‘ko ulit ito inimik at tumingin sa malayo.

“rhylie, ano?!”

“wala! kaya pwede ba layuan mo na ako! kalimutan mo na lahat dahil tapos na ang p*tang*nang dare na ‘yan!” sigaw ‘ko rito at may tumulong luha sa pisngi ‘ko.

“hindi ‘ko gagawin ‘yon Rhylie. hayaan mo, last na bukas. pagkatapos no’n, lalayuan na talaga kita. kaya pwede bang hayaan mo-”

“wala akong pake kung may bukas pa basta layuan mo na ‘ko please lang Sachiko.” ani ‘ko ulit habang umiiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The DareWhere stories live. Discover now