CHAPTER 6

2 2 0
                                    

DAY 3.

“ano?! edi kilala na siya ng mga magulang mo?” tanong nitong si yana pagkatapos ‘kong i-kwento sa kanya lahat.

“tsk, malamang. hindi ‘ko nga alam kung paano ‘ko sasabihin sa kanila na dare lang ‘to.”

“huh? pa’nong hindi mo alam? sasabihin mo lang naman na dare lang ‘yon, oh diba tapos.” ani naman nito.

“t*nga ka ba? ano nalang iisipin sa’kin ng mga magulang ‘ko kapag sinabi ‘ko ‘yon? atsaka, tuwang tuwa nga sila kay Sachiko kapag nasa bahay siya eh. parang siya na ‘yung naging anak.” tumawa naman ito ng sabihin ‘ko ito.

“ay gano’n, edi ako na magsasabi.”

“t*nga wag na-”

“okay class let me introduce to you your new classmate.” ani ni ma’am na dire-diretsong pumasok.

“introduce yourself nak.” ani ni ma'am sa poging lalaki na nakatayo sa kanya.

“uhm, hi everyone i’m Nate Luis Margana.” ani nito at ngumiti. shocks ang pogi.

“teh tignan mo oh ang pogi” sambit ni yana na kinikilig. bigla namang tumigin sa’kin ang lalaking iyon.

“bakit parang sa’yo siya nakatingin?” bulong ni yana.

“ay ewan ‘ko.” tinignan ‘ko ito ulit at t*ngina, nakatingin pa rin sa direksyon ‘ko. hindi ‘ko na lamang ito pinansin. pansin ‘ko naman sa peripheral vision ‘ko na ang sama ng tingin nito ni Sachiko sa lalaking iyon. kaunti nalang parang mangangain na eh.

“Rhylie, tingnan mo si Sachiko oh, ang sama ng tingin sa lalaki.” wika ni yana.

“oo nga, pansin ‘ko rin. anong problema ng isang ‘yan?”

“baka nagseselos, tignan mo ba naman kasi oh, ang lagkit ng tingin sa’yo nung lalaki. kahit ako naman magseselos.” ani niya at tumawa. tsk, walang kwêntà kausap.

“okay nak, doon ka muna umupo” sabi ni ma’am at tinuro ang bakanteng upuan na nasa likuran ‘ko. pansin ‘ko naman si sachi na tumingin at parang galit. problema nito?

recess na at nandito kami sa canteen. kasama ‘ko sila Sachiko, yana, ace, at itong si nate. sabay-sabay kaming kumain sa iisang table. tawanan ang nangingibabaw sa’min, masaya rin palang kasama itong si nate. pogi pa.

“talaga?! may-ari kayo ng isang hotel sa singapore?!” manghang tanong ni yana.

“actually oo, si mom and dad ang namamahala doon.” sagot naman nitong si nate.

“edi ang yaman mo pala? eh bakit sa public ka nag-aaral at sa pilipinas pa? bakit hindi ka sa singapore mag-aral?” tanong ‘ko. curious kasi ako ano ba.

“actually ayaw ‘ko sanang mag-aral sa public, pero pinilit lang ako nila mom and dad, dapat daw ay marunong akong mamuhay ng hindi umaasa sa pera.”

“e nasa’n mga parents mo?” tanong ni ace. interviewer ba ‘tong mga ‘to.

“nasa singapore, may bahay naman kami dito, and may mga maid din kaya hindi ako nag-iisa.” grabe ang yaman naman pala.

“malaki ba bahay niyo?” curious na tanong ‘ko ulit.

“hindi naman masyado, kung gusto mo punta ka mamaya, kayong lahat.” sabi nito at ngumiti.

“sige ba, for sure maraming pagkain.” ani ni ace. tumingin naman si yana sa kanya at nagsitawanan ng magkatinginan.

“sige, mamaya after clas-”

“hindi ako pwede.” singit ni sachi na kanina pa tahimik.

“bakit naman? sumama ka na. sabi nga nila the more the merrier, tsaka para na rin umingay ‘yung baha-” pagpupumilit ni nate at hindi ito natuloy ng nagsalitang muli si Sachiko

The DareWhere stories live. Discover now