CHAPTER 5

3 2 0
                                    

dare pa ba ginagawa neto? t*ngina kung umasta parang totoong girlfriend ‘ko ah. pero infernes, ang galing niya, ganito pala ang pakiramdam ng may gumaganito sa’kin nyak nyak.

MESSENGER
you: t*ngina mo tigilan mo nga ‘yan,    nakakadiri ka.
        btw ‘wag kang pupunta dito bukas ng umaga sa bahay, sa school nalang tayo magkita.
        may sasabihin din ako sa’yo bukas.
Sachiko: anong kadiri, tanaw ‘ko nga dito kung pa’mo ka kiligin.
        atsaka dito mo nalang sabihin, gusto pa sa personal eh.
you: e ayoko nga ‘diba? bahala ka na nga d’yan.
Sachiko: goodnight baby
you: 👍🏻
           reacted 😢 to your message.

“hirap pag online, ‘di mo masapak.” sabi ‘ko sa aking sarili at binitawan ang cellphone. tumungo nalang ako sa cr para maghilamos, kita ‘ko naman sa salamin na namumula ako. t*ngina? don’t tell me na kinikilig ako? haha kadiri.

“no hindi ako kikiligin.”

DAY 2.

“talaga?! pinapapunta ako ni tito sa bahay niyo?!” sigaw ni sachi, t*ngina nasa canteen pa naman kami. at tumayo pa talaga, lahat ng tao nakatingin na sa’min. center of attention na tuloy kami.

“shh, ano ba manahimik ka nga para kang t*nga.” mahinang bulong ‘ko rito at pinaupo.

tumingin ito sa paligid at kaagad na naupo. may hiya rin naman pala eh.

“t-teka, bakit pala ako pinapapunta ni tito sa bahay niyo?”

“ang alam kasi nila girlfriend na kita.” seryosong sabi ‘ko at tumingin ng masama.

“really? edi maganda.” sabi naman nito at ngumiti.

“t*ngina anong maganda? pa’no ko sasabihin sa kanila na dare lang ‘to?! kung hindi ka kasi nagbida-bida na pumunta sa bahay edi sana wala ako sa kalagayan ‘kong ‘to ngayon.” dire-diretsong saad ‘ko.

“bakit ba nag-aalala ka?”

“ang promise ‘ko kasi sa kanila, magtatapos muna ako ng pag-aaral bago mag bf/gf na ‘yan. for sure magagalit sila kapag nalaman nilang dare lang ‘to. baka kung anong sabihin nila sa’kin, gaya ng kung sino-sinong babae nalang, o ‘di kaya sabihin nila na nilalaro ‘ko lang ‘to. basta, tulungan mo ‘kong makaalis sa sitwasyong ‘to.”

“then, let’s make it official.”

“nahihibang ka na ba?! ano ba ‘yang mga pinagsasabi mo?” kunot noo ‘kong saad.

“just kidding. hinding hindi ‘ko gagawin ‘yon ‘no, atsaka you’re not my type.” saad nito.

hindi ‘ko alam kung bakit noong narinig ‘ko ang salitang hindi niya ako type ay biglang nalungkot ang puso ‘ko. charet, pero parang nakaramdam ako ng lungkot. normal pa ba ‘to? pangalawang araw pa lang namin pero bakit parang naaapektuhan ako sa mga sinasabi niya? ‘di kaya..

“tsk, sino rin ba nagsabi na gusto kitang maging girlfriend? ginagawa ‘ko lang naman ‘to para sa dare at para ma-libre ako ‘no. makakatipid din ako.”

“mukha kang pagkain.” aba ang kapal ng mukha, e siya nga ‘tong napakaraming binili.

“how about this, let’s make a deal.” seryosong saad ‘ko.

“sige, ano ba ‘yon?”

“kontrata.”

“huh? ano ‘yan, marriage contract?” t*ngina talaga.

“b*bo i mean, gagawa tayo ng kasunduan.”

“hm, sige. ano muna ang nakasulat loob ng kontrata?”

The DareWhere stories live. Discover now