CHAPTER 3

4 2 0
                                    

“ano hindi ka pa rin papayag?”

“hmm.. deal, basta para sa pagkain.” sabi ‘ko na ikinatawa naman niya.

“anong nakakatawa?” taas kilay ‘kong saad, tumigil naman siya kaagad sa pagtawa.

“w-wala hehe.”

“kailan daw start?”

“sa monday daw sabi nila” sagot niya at tumingin sa mga kaklase ‘kong parang may pinag-uusapan. ano ba naman ‘tong mga ‘to.

nang tumingin ako sa kanila ay nakatingin din silang lahat sa amin ni Sachiko, may iba sa mga tingin nitong mga ‘to eh. nginitian ‘ko nalang sila at inirapan. kita ‘ko naman itong si yana na ngiting-ngiti at nakatingin sa’kin. pagtapos no’n ay bumalik na sila sa kanilang pinag-uusapan.

“nakakainis naman, bakit kasi ako pa” sabi ‘ko at ginulo gulo ang buhok ‘ko. rinig ‘ko naman na tumawa siya ng kaunti. ang cute tumawa.

“don’t worry, kahit dare lang ‘to makakatanggap ka ng princess treatment sa’kin.” sabi niya naman at kinindatan pa ako. luh, si ate girl

“princess treatment mo mukha mo. ‘di ‘ko kailangan niyan, pagkain kailangan ‘ko.”

“sus, kakainin mo rin ‘yang mga sinasabi mo pag pinadama ‘ko sa’yo clingy side ‘ko.” sabay kindat.

nakakainis siya. kahit kailan hinding hindi ako mahuhulog sa kanya. hindi kaya siya ‘yung type ‘ko.

“by the way, naalala mo ba ‘yung sinabi mo kanina?” singit nito.

“anong sinabi?”

“type mo pala ‘yung mga mas matalino sa’yo huh.”

“anong point mo?”

“matalino naman ako ‘di ba?” sabi nito at tinitigan ako sa mata.

“a-ahh, oo syempre matalino ka. ang talino mo nga eh, ikaw nga top 1 namin ‘di ba?”

“so it means…”

akmang may sasabihin pa sana siya ng biglang nag-ring ang bell. lunch na namin.

“a-ahm lunch na oo, sige punta muna ako sa canteen. bye” sabi ‘ko at dali-daling umalis. nakita ‘ko na sinundan niya ako ng tingin. gosh, buti nag ring ‘yung bell. thank God.

FIRST DAY. 

nagising ako ng may marinig na ingay mula sa baba, ‘to talagang si mama oh aga-aga nakikipag-chismisan. first day na magpapanggap kaming mag-jowa ni Sachiko, medyo hindi ako sanay. ‘di kaya ‘to maging awkward? or what if ma-fall ako sa kanya? what if ako ‘yung ma-inlove? what if…

“hays, ano bang iniisip mo rhy tumigil ka nga.” sabi ‘ko at hinampas hampas ang aking ulo. kakagising ‘ko lang at agad na pumunta sa cr para maghilamos.

“anak Rhylie bumaba ka na rito, may bisita ka!” sigaw ni mama mula sa baba. atsaka sinong bisita naman ang pupunta sa ganitong oras? para sa akin?

agad akong bumaba pagkatapos ‘kong maghilamos at mag toothbrush. naisipan ‘kong mamaya nalang maligo pagkatapos ‘kong kumain.

“ma, sino ba ‘yang bisitang ya-” biglang naputol ang pananalita ‘ko ng makita ‘ko kung sino ang kausap ni mama.

“anak, nand’yan ka na pala, oh nandito ang girlfriend mo, halika rito at-” hindi ‘ko na pinatapos ang pagsasalita ni mama, agad akong umakyat sa kwarto ‘ko na nagmamadali.

anong ginagawa niya rito? bakit siya nandito? atsaka girlfriend? ang alam ‘ko dare lang ‘yon ah? t*ngina, ano bang naisipan ng babaeng ‘yan at nagawa niyang pumunta dito sa bahay. ang aga-aga pa, sa oras na ‘to natutulog pa ‘ko eh.

The DareWhere stories live. Discover now