CHAPTER 7

3 1 0
                                    

Chapter 7: Timbang

D I E G O


"Lalabag ka talaga sa batas natin para sa babae!?"
Hindi makapaniwalang tanong ng 'ka trabaho' ko.

Iniwas ko ang mga tingin ko palayo ngunit hindi iyon dahilan kay Patrick upang tumigil.

Pareho kaming holdapper. Best friend ko siya mula pagkabata. Siya pa nga itong nagpasok sa akin sa trabahong mayroon ako ngayon at gaya ng ibang trabaho, mayroon din itong mga batas.

"Tangina, Diego. Pwede mong patayin 'yun! Kung pellet gun 'yang baril mo, sana sinakal mo na lang. Eh hindi eh. Tangina mong bobo ka! Ba't mo pinalaya! Tangina mo pinakita mo pa ang mukha mo! Paano pala kung anak ng pulis 'yon!?"

Gets ko naman ang nginingitngit niya. Syempre sinong matinong kriminal ba ang magpapakita ng mukha!?

O edi ako nang hindi.

Pagkatapos maipagtabuyan sa ospital, nadatnan ko si Patrick na inaantay ako sa waiting shed sa kanto namin.

"Wala siyang tatay, Patrick. Masyado kang OA eh."

"May tao bang walang tatay!? Nag iisip ka ba ha!? Putangina mo! Paano ginawa 'yun!? Sige nga!? Tumubo sa lupa!? Baka engkanto 'yang nakita mo, sana sumama ka na lang na bobo ka!"

Palibhasa kabit ang nanay niya pero pinili. Letche.

Marami pa siyang tinalak pero wala akong pake. Busy akong mag-isip. May sakit ang tita ni Tadea at kailangan niya ng pera. Kailangan nga ba talaga?

Pigil akong mapangisi sa takot na mabugbog ni Patrick. Mabigat ang kamay ng gago at matik na 'pag may nakita siyang hindi niya gusto ay dadapo ang kamao niya, babae man 'yan o lalaki.

"Kapag nag sumbong iyon, tangina mo talaga huwag na huwag mo 'kong ilalaglag kung hindi papatayin talaga kita kahit nasa selda na tayo!"

Pagkatapos ng pagbabanta ay umalis na siya sa waiting shed kung saan niya ako nakita.

Pinanood ko siyang maglakad palayo habang humihithit ako ng yosi.

Hindi na ako natakot. Sanay na ako sa ugali niya. Puro lang boka 'yan si Patrick pero takot rin ' yan. Tangina talaga nito ni Patrick kahit kailan eh.

Pagkaubos sa yosi ay naglakad na ako papasok sa eskinita namin na dikit-dikit ang mga barong-barong.

"Eh di mag sumbong siya. Tangina niya." Naibuga ko matapos bumagsak ang upos ng sigarilyo atsaka ito tinapakan upang mawala ang apoy.

Pero ang totoo, natatakot ako para sa sarili ko. Paano nga kung hindi lang sa Pulis mag  sumbong si Tadea!?

Siguradong finish ang buong buhay ko nito.

May sinasabi si Mama pero hindi ko ito narinig. Dire-diretso ako paakyat sa ikalawang palapag atsaka tumungo sa bubong ng bahay namin gamit ang bintana sa kwarto ko.

"Tang ina talaga ni Patrick kahit kailan." Iritang usal ko habang nakatanaw sa malawak na karagatan na ilang bahay na lamang ang layo sa amin.

Tama na naman siya. Hindi ko dapat pinapakita kay Tadea ang mukha ko. Ewan ko rin eh bakit ko kinaibigan ang babaeng  'yun. Siguro naawa ako kasi akala ko pareho kami ng sitwasyon.

"Hah. Putang ina."

Nagpapanggap lang pala siya.

At kanina kung paano ako itaboy nung hayup na abugado na 'yun!? Tangina ginawa pa akong hayup ng gago.

Mga bwisit na mayayaman! Tingin ata nila por que may pera sila ay kayang-kaya na nila ako kalabanin!? Nagkakamali sila! Maangas ako 'no! Patutumba ko sila isa isa.

Weapon For Vengeance (BOOK 1 OF VENGEANCE)Onde histórias criam vida. Descubra agora