PROLOGUE

457 33 96
                                    

Disclaimer: The names of person, places, things, and events are all part fictious and part of the author's imagination. Any simmilarities to real life events are just mere coincidence.

Warning: No part of this book shall be published without the consent of the author. Plagiarism is a crime and is punishable by law.

This book contains matured scenes such as words, murders, killings, and r18 scenes not suitable for readers of young age.

Prologue

T A D E A


"Tanga ka ba?!"

Marahan kong iminulat ang mga mata ko sa pagkabigla.

Hindi ito ang inaasahan ko.

Ilang sandali lamang kasi bago ko marinig ang mga katagang iyon ay natatandaan kong bumubulusok ang isang sasakyan papalapit sa akin.

Kumurap-kurap ako. Sigurado akong hindi ganon ang isasalubong sa akin ni San Pedro sa langit.

Lumaki ang mga mata ko. Hindi kaya sa impyerno naman ako napadpad!?

Habol ko ang hiningang ginala ang mga mata upang hanapin ang pinanggalingan ng tinig hanggang sa mamataan ko ang isang lalaking nakatayo sa tabi ng kotse.

"Kinakausap kita, Miss. Tanga ka ba? Magpapakamatay ka ba ha!?" Padaskol niya pang pag ulit sa tanong.

Uminit ang pisngi ko at kaagad na tumayo.

"I'm sorry po, sir-"

"Anong sorry!?"

Marahan kong kinagat ang pang ibabang labi upang pigilan ang sariling magsalita.

Anong gusto niya!? Mag bayad ako!? Wala akong pambayad 'no.

Marahas niyang hinubad ang suot na shades at matalim akong tinignan mula ulo hanggang paa ataaka muling binalik ang mga mata sa aking mukha. Tuluyan nang umurong ang dila ko sa takot.

Lalo pa akong nabalot ng pag kailang dahil sa mataimtim niyang titig na parang inaaral ang mukha ko.

Anong gusto niya!? Katawan ko ang ipambayad ko sa kotse niya!?

Umangat ang kamay ko at marahas itong pinadapo sa pisngi ng lalaki.

"What the fuck!? Ba't mo 'ko sinampal!?" Daing niya habang sapo ang namumulang pisngi.

"Ba't mo 'ko tinitignan!? Manyakis ka ba!?"

"Sinasaulo ko 'yang mukha mo para maidescribe ko sa presinto!"

Takot akong umatras habang nandidilat ang mga mata. Huwag niyang sabihing ikukulong ako dahil sa simpleng J-Walking!? Dun hindi, pero sa pagsampal sa kanya, sigurado.

"S-sorry talaga-"

Bahagya nitong itinagilid ang ulo upang tignan akong mabuti bago ito tumikhim. "Are you stupid!? Are you fucking crazy!? Kaya nga may pedestrian lane at over pass para hindi kayo mag patawid-tawid kung saan. Saka pwede ba!? Kapag naaksidente o namatay ka, tatanggapin mo ba ang sorry ko!?"

Hindi ako sumagot. Tama siya. Hindi rin naman ako tatanggap ng sorry lang kung ako ang naagrabyado ano.

"Kung gusto mo nang mamatay, mag hire ka ng hitman o kaya gawin mo ng sarili mo hindi 'yung mandadamay ka pa ng iba. Siyam ba ang buhay mo para magpatawid-tawid sa kalsada ng ganyan!? Ano ka!? Pusa!?"

Umuklo ang kilay ko at humalukipkip.

"Mukha ba akong pusa?! Sasagasa ka ng inosenteng pusa!?"

"Sinabi ko bang sasagasa ako ng pusa!? Tinatanong kita kung siyam ba ang buhay mo para tumawid ng basta-basta. Don't you dare change the subject just to get things to your favor."

Weapon For Vengeance (BOOK 1 OF VENGEANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon