Hanggang saan ka dadalhin ng paghihiganti mo? Hanggang saan ka dadalhin ng pangangailangan mo? Mahirap ang buhay para kay Tadea Javier. Kailangan niyang tumigil sa pag aaral at kumayod ng matindi para buhayin sila ng kaniyang tiyahin na may sakit. Kahit ano gagawin niya para lang kumita ng pera. Ngunit hindi ang trabahong nilatag sa kanya ng misteryosong abugado na si Giovanni Severo. Hindi nga ba? Mayaman ang abugado. Sobrang yaman na kayang kaya nitong paswelduhin si Tadea sa malaking halaga. Marami rin itong koneksyon at kayang kayang protektahan ang dalaga pumayag lamang ito sa kagustuhan niyang magamit ito sa paghihiganti.