Chapter 3

17 10 0
                                    

A week passed and after that time that he helped me redesign my house, we never had a talk again. He was busy with his company as I was enjoying my whole time in my shop.

Maayos naman ang daloy ng business ko, wala namang naging problema. Naideliver ang mga orders sa tamang oras at nagustuhan pa ng mga bagong customers ko ang mga pina-customize nilang bouquets.

Sa loob ng isang linggo, dalawang beses ko lang ata nakita si Lairon dahil halos tumira na siya sa company niya, patuloy kasing lumalago ang negosyo niya kaya ganoon.

Hindi ko na tuloy siya matarantado.

"Miss Klaisen," rinig kong tawag ng isa sa mga nagtatrabaho sa shop ko. "Naubos na po 'yong stock natin ng sunflowers and mayroong apat pa po na orders ng sunflower bouquets na kailangang ideliver bukas."

"Ah, sige, teka tatawagan ko---" Deym, hindi ko pala alam ang number ng mokong na' yon kaya no choice kung hindi pumunta sa company niya kahit tinatamad ako. Hays.

Tinigil ko ang pag aayos ng isang bouquet ng tulips at saka tumayo. Kinuha ko ang shoulder bag ko na nasa counter.

"Kayo na muna ang bahala rito, magpapadeliver ako."

"Sige po."

Lumabas na ako ng shop ko at dumiretso sa itim na sports car ko na nakapark sa tabi nito.

Pumasok ako sa loob at saka nagmaneho patungo sa company ni Lairon.

Habang papunta ako roon ay may nadaanan akong nagtitinda ng sweet corn na nilalagyan ng cheese powder, favourite ko yon!

Lagi akong dumadaan rito pero ngayon ko lang ito napansin.

Natakam ako kaya itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at dali-daling lumabas para bumili nito.

"Pabili po," Ika ko. "Yung pinakamalaki sana, hehe."

Tinignan ko ang matandang babae na nagtitinda pero nawala ang ngiti sa mukha ko nang makita ko siya.

Ang kaninang mukha ko na puno ng excitement ay napalitan ng pagkagulat.

"N-Nanny Esmeralda?"

Ngumiti siya pero hindi ko magawang  ibalik iyon, nakatitig lang ako sa mukha niyang punong-puno ng peklat, at pati na rin ang buo niyang katawan. Mga peklat na galing sa sunog. Those scars were screaming extreme burns and I couldn't imagine what she had felt.

Nanny Esmeralda is my nanny since I was born till I was 14, but after my parents' death, bigla nalang siyang naglaho at hindi ko alam kung bakit.

"N-Nanny, w-what happened? W-Why are you l-like that?" Nanginginig na tanong ko at hinawakan ang magkabilang balikat niya pero nginitian niya lang ako at hinaplos ang pisngi ko.

Tinanggal niya ang mga kamay ko mula sa balikat niya at hinawakan ito na para bang isang babasaging bagay, napakaingat niya. Simula pa bata ako, ganiyan na niya ako hawakan, napakaingat, napakalambot.

"Huwag kang mag-alala, Klai, ayos lang ako at hindi mo na kailangan malaman pa kung anong nangyari."

She caressed the back of my hands.

"Huwag na natin pag-usapan."

Tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa pa. Hindi ko naman kayang pilitin siya na sabihin kung ano ang nangyari dahil may respeto ako sa desisyon niya at sakanya.

"But N-Nanny, I-I wanna know why you suddenly disappeared when m-my.... m-my parents died."

It still hurts everytime I talk about them. It stings. The wounds in my heart stings. And even though 10 years had passed, the wound are still fresh and bleeding, they aren't healing, they never were, not even a little bit.

Wounds and Sunflowers Where stories live. Discover now