Chapter 11

5 1 0
                                    

KLAISEN'S POV

"Hello, mom."

I looked at Lairon who's now gazing the empty race track. It's lunch time already and katatapos lang naming kumain. Ang mga kasama namin ay kumakain pa.

Narito kami sa loon ng camper van ngayon, nage-aircon.

Nakahiga ako sa lapag habang siya ay nakaupo naman sa tabi ko. Naglalaro siya kanina ng online game pero biglang tumawag ang mama niya.

Simula noong magkakilala kami, ngayon pa lang tumawag ang mama niya.

"Have you taken your vitamins?"

Nakaloud speaker ang call kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

"Uh, not yet, I forgot. But I promise, mom, I'll take it later."

"Alright. Anyways, kamusta ka na riyan? May girlfriend ka na ba?"

He suddenly looked at me as I raised a brow.

"Wala...pa."

He took a glimpse of me again bago siya tumingin ulit sa kawalan.

"Are you sure?"

"Of course, mom. Don't worry, kapag nagka-girlfriend na ako, ipapakilala ko siya agad sa'yo."

"Siguraduhin mo lang iyan ha, ayokong saka mo lang ipapaalam saakin na may girlfriend ka na kapag nabuntis mo na."

"Pa'no 'yan, ma, baka kapag liligawan ko pa lang siya mabubuntis ko na."

He took a glimpse of me again as I gave him a confused look.

I pinched his side.

"Bakit ka ba tingin nang tingin?" naiiritang bulong ko at sinapak ang braso niya dahilan para tumawa siya.

Nabaling sa ibang topic ang usapan nila as I turned to my side and closed my eyes.

Pero pagkapikit ko pa lamang ay naimagine ko na ang sinabi niyang baka mabuntis na niya kahit liligawan pa lang.

Wtf! What the hell!

Kalma, crush mo lang iyan, bawal masaktan, ok?

Pero dahil red days ko at sobrang sensitive ko kapag nireregla, my heart ached.

Damn it!

Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa irita.

"Damn it!"

"Anak, who's that? Are you with someone right now?"

Agad kong minulat ang mga mata ko at napatakip sa bibig. Unti-unti kong tinignan si Lairon na nakatingin saakin.

"Yeah, she's a friend of mine."

"She? Are you sure she's a friend?"

"Of course, mom!"

"One hundred percent sure?"

"Yes! Gotto go, mom, baka magsimula na ang race."

Then he immediately ended the call.

"Anyare sa'yo?"

"Wala," malditang sagot ko at tumayo na. Lumabas ako ng van at nagtungo na sa pwesto ko, sa tabi ng malaking electric fan.

Sumunod naman siya saakin at umupo sa tabi ko. May kinuha siya sa backpack na dala niya, isang lalagyan ng vitamins pero walang label iyon, kahit na pangalan ng vitamins ay wala.

Kumuha siya ng isa at ininom iyon habang ako ay inagaw ang lalagyan nito.

"Bakit walang label 'to? What kind of vitamin is this?"

Wounds and Sunflowers Where stories live. Discover now