Chapter 8

11 2 0
                                    

"Tumira na siya dapat kasama mo. Malaki naman iyang bahay mo."

"Kaya na niya sarili niya, Lairon. Malaki na siya," I said.

Pinag-uusapan namin ngayon si Klaud habang nasa balcony ng mga kwarto namin, magkatapat lang kasi kami ng kwarto at saka medyo malapit naman kaya pwedeng pwede kami mag-usap. Pwede na nga akong lumipat doon sa bahay niya sa pamamagitan lang ng balcony.

"But someone already threatened him! Mas mabuti kung nababantayan mo siya, natin! Andito rin ako!"

"Kaya na nga niya ang sarili niya," sabi ko sabay buntong-hininga. "Trust me, nothing will happen to him."

"Pero----"

"Mas nag-aalala ka pa kaysa saakin na ate niya, ah?"

Sumimangot siya as he took a sip from his glass of wine.

"Of course, I care for him, parang kapatid ko na iyon," he said nonchalantly as I rolled my eyes.

"Kung gusto mo, ampunin mo na siya."

"Ayoko, kapag inampon ko na siya edi magkapatid na rin kami tas kapatid na rin kita. Ayoko noon, baka makagawa lang ako ng kasalanan," makahulugang sabi niya as he scanned me.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko. His eyes darkened and I could see something in it, something I couldn't decipher. Then his stare stopped on my chest dahilan para takpan ko iyon. I was just wearing a white tube top!

He looked away as my face reddened. He took a sip from his wine again before he turned around.

"Matulog ka na, matutulog na rin ako." Then he went inside his house as I was left alone outside.

Hindi muna ako pumasok sa loob, I stayed there sitting on the small couch while gazing at the stars. There was a minute of silence before someone meowed and jumped onto my lap.

Napangiti ako nang makita ko si Airo, he had grown up at sobrang taba rin niya. Alagang-alaga ko siya.

I caressed his head as he laid on my lap at malambing na tinignan ako, nginitian ko siya at pinanood na pumikit at matulog.

At hindi ko na alam kung kailan ako nakaidlip.

Nang magising ako ay maliwanag na at wala na si Airo sa lap ko at.....I'm already on my bed.

Huh?

Wala akong maalala na pumasok ako sa kwarto ko, ang naaalala ko ay nakatulog ako sa labas!

Did Lairon did this?

Lairon. I don't know why but the way he agressively held me and gently kissed me flashed in front of me. What the!

Nanlalaki ang mga mata ko at tinanggal ang kumot na nakabalot saakin. Tinignan ko ang suot ko at salamat naman dahil kompleto pa ito, nakahinga ako nang maluwag.

"I'm not a rapist!"

Napalingon ako sa nakabukas na sliding door sa pagitan ng kwarto at balcony ko, and there he was, leaning against the railings with a cup of coffee in his hand.

"Wala akong sinabi!" Sigaw ko at humiga ulit.

"Sus, your actions speak. Sana pala hinayaan nalang kitang ma-hypothermia diyan sa labas! Walang utang na loob!"

"Sino ba kasing nagsabi na ilipat mo ako sa loob!?"

He tsked and didn't reply anymore. I, on the other hand, stood up and went to the bathroom to do my morning routine.

Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nandoon pa rin sa kinatatayuan niya kanina but he's busy with his phone already.

Nagkibit-balikat ako at lalabas na sana ng kwarto but he suddenly called me.

Wounds and Sunflowers Where stories live. Discover now