Chapter 7

12 7 0
                                    

Days, weeks, and months passed and Lairon and I became friends as time passed by. We were each other's rant buddy, a shoulder to cry on, partners in crime and whatever you call it.

Our businesses also became successful more and we're now business partners. And I'm already one of his stockholders. Ininvest ko and naipon kong pera sa lumalago kong flower shop and I have two branch now. Iyong main shop ko at mayroon na doon sa kabilang bayan.

Within those past months, my business is successful, dumami ang clients ko dahil na run sa tulong at connections ni Lairon.

Speaking of him, hindi pa rin nawawala ang away namin, lalo kapag nasa mood akong mang-asar at siya ang napagttripan ko lagi.

Mayroon iyong babatuhin ko ang bubong ng bahay niya sa gitna ng gabi dahil bored ako, bibigyan ko siya ng cake na kasali sa ingredients ang sili, kunwari tutulungan ko siyang linisin ang kotse niya pero ang totoo ay gagasgasan ko ito, magsesend sakanya ng email containing a huge proposal using a fake account, pero mayroon iyong napakalala.

Noong pinagtripan ko siya noong may meeting siya with a big client. I changed his power point with an 18+ clip that almost made the client cancel his proposal, mabuti at pinakiusapan ko pa siya at inamin ang ginawa ko. Lairon were so mad that time to the point na hindi niya ako pinansin for a week.

But despite those, we remained friends and each other's someone to run too when everything is heavy.

Mayroon nga noong nagrelapse siya at inaya akong maglasing. Sinamahan ko siya noon na maglasing sa isang nightclub malapit sa subdivision namin and we end up getting drunk too much to the point na naglakad kami pauwi at iniwan ang kotse niya doon sa nightclub.

Ninakaw pa iyon.

Tatlong beses ata kaming nalasing ng sobra dahil sa pagrerelapse niya at tatlong beses rin naglakad pauwi kahit may dalang kotse, mabuti at hindi na nanakaw ang kotse niya sa pangalawa at pangatlong beses.

Noong last ay naglakad kami ng ilang kilometro dahil malayo iyong pinuntahan namin. Mabuti at huli na iyon.

Hindi na siya nagrelapse pa o ano. Nakapaglet-go na siya finally.

"Oh, kamusta naman ang future doctor ko?" Tanong ko nang makapasok sa loob ng condo ni Klaud at dumiretso sa isang single sofa.

I saw him reviewing in his living area, nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa couch.

"Eto, kaunti nalang magiging pasyente na." naiiritang sagot niya at ginulo ang buhok.

"You're ugly already," kuya Kliro teased him as he sat beside Klaud.

"Yeah, mas pogi na ako," dagdag ni Lairon at umupo sa kabilang side ni Klaud na ngayon ay sinasamaan na sila ng tingin.

"Fvck you! Ako pa rin ang pinakapogi rito kahit stressed ako!"

"Buti ako hindi stressed, pinakapogi lang." Jairo, Lairon's bestfriend, who became our friend, too, said as he sat on the single couch.

"Yabang, makabuntis ka sana," inis na sagot ni Klaud dahilan para ituro-turo siya ni Jairo.

"Hey! Bawiin mo iyon!"

"Ayoko, bleehh, makabuntis ka sana nang mastress ka at magmukhang lolo agad!"

"No!"

Paulit ulit na sinasabi iyon ni Klaud habang si Jairo ay nagtakip ng tainga at nagdadasal na atang huwag makabuntis.

I chucked.

As days passed, we became close to each other and I am happy sa circle of friends namin though na o-out of place na ako minsan dahil ako lang ang babae at kadalasan ay hindi ako makarelate sa topic nila tungkol sa business, favourite nilang online game, billiards at saka auctions!

Wounds and Sunflowers Where stories live. Discover now