Chapter 1

1.1K 125 38
                                    

Hi!

You can actually buy the complete reading access nitong story kung gusto niyo ng advance reading. Message my FB Page, "Minyonette" or send us an email (provided on my bio.)

If the advance reading access is too expensive naman, you can just wait for the weekly updates (every Friday night) for free. Thank you very much!

Enjoy Naomy and Lonzo De Haro! :)

💛💛💛

Chapter 1


"Naomy!"

Napapitlag ako sa pagtawag ni Papa. Mabilis kong isinara ang librong binigay sa 'kin ng OB. Isiniksik ko iyon sa ilalim ng kama bago lumabas ng kuwarto.

"Naomy! Nasaan ka at ang bagal-bagal mo?!"

"Papa..." Hindi ako masyadong makatakbo dahil bawal na raw iyon. Pero nagmamadali akong maglakad at kumapit nang mahigpit sa balustre ng hagdan. Bumaba ako. "Papa, I'm here..."

Lukot na lukot at nanlilisik na ang mga mata ni Papa pagkabaling sa 'kin. Agad na kumabog nang malakas ang dibdib ko. Itinago ko ang panginginig ng mga kamay ko sa likod.

"Papa, sorry po natagalan ako sa pagbaba..." Napayuko ako na parang bata.

"Ang nakarating sa 'kin ay nahuli ka sa oras ng uwi. Gaano nagtagal ang pakikipag-usap mo sa mga Conrado?"

Napangiwi ako. "S-Sorry po, Papa..."

"No. I won't take your apology! Bakit nahuli ka ng sampung minuto kaysa sa itinakdang oras ng pag-uwi mo? Gumala ka pa bang babae ka?"

I flinched when Papa raised his hand. But it did not land anywhere on me.

"S-Sorry, Papa! Sorry po! G-Galit na galit po ang mga C-Conrado k-k-kaya... k-kaya hindi po ako n-n-nakaalis agad..."

Napaangat na 'ko ng tingin nang ibinaba ni Papa ang kamay niya pero nanatili nakatitig sa 'kin nang matalim.

"Dapat nga ay hindi na tayo nakikipag-usap pa sa kanila. Sinabihan ko na si Samuel na dapat ay ignorahin na lang natin ang mapanghusgang pamilyang iyon. Napakayabang dahil lang pag-aari nila ang pinakamalaking animal farm dito sa Sta. Carmina. I didn't know what got into Samuel's daughter's mind to get married into that disdainful family."

Nilagpasan na 'ko ni Papa. Sadya niya pa 'kong tinulak sa balikat para makadaan, kahit napakalaki naman ng daanan. Buti na lang at sanay na ang reflexes ko. Kumapit ako sa balustre ng hagdan para hindi matumba.

Unti-unting kumakalma ang dibdib ko, pero nandito pa rin ang araw-araw kong nakabuhayang takot sa tuwing nakikipag-usap ako kay Papa.

"Naomy!" pasigaw na tawag niya muli sa 'kin. Papa's already in the dining room.

Agad akong sumunod at kahit hindi pa 'ko nagugutom, umupo ako sa silya na malayo kay Papa. Kahit dalawa na lang kami ngayon, ayaw niyang paupuan ang silya ni Ate na katabi ng kanya.

Nagsimula nang maglabas ng pagkain ang mga kasambahay. Busog na busog pa 'ko dahil maraming pinakain si Lonzo kanina sa 'kin pagkatapos niya 'kong ipa-check sa clinic.

Hindi na nagsasalita si Papa, pero bakas sa buo niyang mukha ang pagka-aburido kaya nanatili akong tahimik. Maingat akong kumuha ng sabaw. Pinilit kong huwag makagawa ng ingay.

Si Papa—kapag wala sa tamang timpla, kahit ang tunog ng kutsarang tumama sa plato ay nagpapasabog sa kanya.

Inalis ko na ang tingin kay Papa at niyuko ang sabaw. Tahimik akong humigop. Dahan-dahan.

DHS #3: Moving CloselyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon