Chapter 10

1K 117 33
                                    

Chapter 10

I frowned sadly as I look at the bottles of liquor in front of me. "Ayokong lumaki ang baby sa poder ni Papa, Lonzo. Kaya sana, itago mo pa 'ko kay Papa hanggang sa makapanganak ako. Kung kaya niya 'kong saktan, hindi siya magdadalawang-isip na saktan pati ang baby. Iyon ang pakiramdam ko... Iyon ang alam ko... P-Patawad kung hindi ko nasabi agad kung ano talaga ang pinaka... tinatakbuhan ko..."

My heart clenched at talking against my own father. It will forever be a wonder to me why I still love Papa after he abused and manipulated my life.

"Hindi lang ako nagtatago sa galit ni Papa. Hindi lang ako lumalayo kay Papa... T-Tinatakbuhan ko ang buhay ko dati. Laging nakakulong, walang kaibigan at kakampi... Malungkot at sinasaktan palagi. Gusto ko lang na..." Hinagod ko ang dibdib kong naninikip. "Gusto ko lang na makawala doon kahit saglit, Lonzo. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ko matatakasan si Papa. 

"Pero siguradong hindi ako babalik o magpapakita hanggang sa hindi ko siguradong ligtas ang baby. Kaya't ang plano ko, pagkapanganak ko na lang at saka babalik. So that you can keep the baby if... if ever I won't survive Papa's wrath, or he'll let me go back to his cage..."

Huminto na 'ko. Tama na siguro ang sinabi ko. At hindi ako umiyak! Kaya ko na palang mas maging kalmado sa pagsasalaysay ng katotohanan ko.

Huminga ako nang malalim bago sinalubong ang mga tingin ni Lonzo.

Napakurap ako dahil hindi ako sanay na may ibang emosyon na nandoon. At ang emosyon, hindi pa masyado pamilyar sa 'kin.

"L-Lonzo..."

"He's not the best father in the world, then?" he sharply and sarcastically asked.

"For Ate Nichole, Papa was. Kaya't kung anong kuwento naman ni Ate, totoo rin naman iyon para sa kanya. Papa was the best father to her. Papa just hates me because he lost the love of his life. Papa is still a good man to other people. He's a good town mayor, too, I think..."

Umiling si Lonzo at tinungga ang isang shot glass. "No, Naomy. Your father is my number one enemy now."

Tumayo na siya at saka tumalikod. Naglakad si Lonzo hanggang sa kuwarto niya nang hindi na 'ko nilingon pa.

The next days, I find it hard to see Lonzo because of his work schedule. Kahit matulog ako sa kuwarto niya tuwing hapon hanggang gabi, hindi pa rin kami magkita.

When it was the night of their company's party, hindi ko siya lalo nakita. Mag-isa lang akong nanonood ng TV sa sala buong gabi. Hanggang sa may narinig akong mga katok sa pinto.

Pagbukas ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Calysta at ang mga pinsan niya (all in their expensive and formal clothes).

"B-Bakit kayo nandito? Tapos na ba agad ang party?" tanong ko habang isa-isa silang tumutuloy papasok.

"Kuya Lonzo and Kuya Eli got into a loud argument," sagot agad ni Marvee habang hawak ang laylayan ng silver gown. "With some physical violence."

"Nag-walk out kami," dagdag pa ni Mylo—hawak ang likurang laylayan ng gown ng kapatid.

"Hindi na kami nakisali sa away. It's a pain in the ass to see our older cousins fight," sabi naman ni Ras na dire-diretso sa wine bar ng condo.

"We should have taken Harana! Baka ma-stress siya sa pag-alalay kay Lolo," nakalabing sabi ni Calysta. 

"Si Lolo ang mas stressed. Who would fight so badly for that position?" ismid ni Cerek. "He raised two men who'll kill each other just for that?"

"Ang mali naman kasi ni Kuya Eli, he keeps joking around how Kuya Lonzo was jilted in his own wedding day. Mapipikon talaga si Kuya Lonzo kahit gaano pa ka-cold iyon!" ani Marvee na nakaupo na sa sofa at inilipat ang channel ng TV.

DHS #3: Moving CloselyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon