Chapter 7

1K 125 32
                                    

Chapter 7

"Your baby's developing well. Malakas din ang kapit. Wala akong na-detect na kahit anong problema sa pagbubuntis mo. Nabanggit mo rin na hindi ka naman masyado sensitibo sa mga bagay-bagay katulad ng amoy? Hindi rin madalas ang morning sickness?"

Tumango ako sa OB. "Y-Yes, D-Doktora."

"Hindi ka rin masyadong maselan sa pagkain. Wala kang pinaglilihian pa?"

Nahihiya akong napangiti. Nakakahiya yata kung sasabihin kong naglilihi ako sa amoy ng daddy ng baby. "K-Kung sa p-pagkain po, wala po masyado."

"I see. At nine weeks, your baby's growth is highly impressive. Your womb is the ideal womb, Miss Laforteza. Do you know how many women need to take different kinds of medicine just to keep their womb a good nest for pregnancy?"

Napakurap ako.

"Habang sa 'yo, perpektong-perpekto para dalhin ang bata hanggang sa ipanganak. I assume you're drinking all the recommended vitamins, prenatal milk, and also healthy foods?"

Tumango ako. Nagbasa-basa ako sa internet ng mga masustansyang pagkain para sa mga buntis. Kaya iyon lang ang kinakain ko. Iniiwasan ko rin ang too much sugar. I really want my baby to come out as healthy as possible. Binibigay ni Lonzo ang lahat ng means para sa isang healthy pregnancy, kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko.

"Keep it up for you and your baby, Miss Laforteza. But next time, don't be late for your appointment. Mabuti na lang at may nag-cancel kaya na-accommodate ka pa rin ngayong araw."

Nag-angat ako ng ulo at tumango-tango. "Yes, D-Doktora. Maraming-maraming salamat po sa pag-a-accommodate pa rin po sa 'kin..." 

Hindi ko alam kung maitatago ko ba ang pamumula ng mga pisngi ko. Naalala ko na naman kung anong rason bakit na-late ang gising ko para sa appointment ngayon sa OB-GYN.

Pagkatapos ng consultation ay nagpaalam na ulit ako sa doktor at saka lumabas ng opisina nito. Hawak-hawak ko ang sonogram ng baby ko. I smiled as I remembered how the OB kept praising my child's growth.

Umiinit na ang puso ko sa kaalaman na nasa magandang kalagayan ang baby. Healthy pa. Malakas ang kapit. My womb is a perfect nest for Baby Lonzo.

We still can't detect the gender. But I love calling my baby, "Baby Lonzo" already. Gusto ko talaga ng lalaking anak. Ayos rin naman kahit babae, mamahalin ko pa rin ang baby. But I do wish for a Baby Lonzo...

Ibinalik ko ang sonogram pictures sa loob ng dala kong shoulder bag. Sa dulo ng pasilyo ay naghihintay na ang apat na bodyguard na nakabantay sa 'kin. Agad nila akong pinalibutan at ang isa—si Imre, ay nagtanong pa kung may iba pa 'kong gustong puntahan o daanan.

"W-Wala naman na." Mabait akong ngumiti sa kanila. "Salamat sa paghihintay at pagbabantay. Mas gusto ko lang umuwi ngayon para makapagpahinga."

Hindi ko na nakasama si Calysta dahil kanina pa tapos ang appointment nito. Hindi na rin ako nagpasama kay Lonzo dahil...

Mahina akong napabuntong-hininga. Napayuko ako sa mga paa ko habang nasa loob kami ng elevator ng mga bodyguard. 

Hindi ko maiwasang maalala kung paanong sa kama ako ni Lonzo nagising kaninang umaga. Sumakit ang balakang ko, pero may kiliti sa dibdib ko sa mga nangyari kagabi. And I guess, Lonzo was the one who comforted me this time. 

'Yong lungkot na naramdaman ko ay mabilis na napalitan nang hinalikan niya 'ko at binuhat hanggang sa loob ng kuwarto niya. Suddenly, I'm not sad and lonely anymore. Parang katulad no'ng unang beses, nakakuha ako muli ng atensyon at pakiramdam na parang minamahal.

DHS #3: Moving CloselyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon